Skip to main content

Pag-ibig muling uminit dahil sa breast cancer

ISANG busy mommy ang muling nakaramdam ng mainit na pagmamahal mula nang matuklasang mayroon siyang breast cancer.

Ayon kay Suzanne Rogers, 39, at naninirahan sa South Wales, nawala na ang “magic” sa romansa nila ng mister na si Denis McCarthy, 39, matapos ang kanilang anim na taong pagsasama.

Hectic ang schedule ni Suzanne hanggang ma-diagnose siya na may breast cancer noong 2013. Naramdaman niya ang paninigas sa kanyang breast, at nang ipasuri ay stage 3 na ang cancer.

Nangako naman si Denis na ituturing na isang prinsesa si Suzanne habang nakikipaglaban ito sa sakit.

Araw-araw niya itong binibigyan ng gifts, flowers and romantic love notes.

Nag-propose na rin siya kay Suzanne noong Valentine’s Day matapos ang matagumpay nitong chemotherapy.

Lalo raw silang naging close mula nang magkasakit si Suzanne, at nagpaplano na rin silang pakasal. Mayroon na silang tatlong anak.

Ayon kay Denis, "I would have done anything to make her smile again .Suzanne is my whole world. I dread to think what I'd be without her."

Sabi naman ni Suzanne, "I couldn't believe it (cancer) had happened to me. I don't drink or smoke, I live an active life. It could have been a desperate, exhausting time but Denis was amazing. He cooked the dinner, gave me my medication, cared for the kids and surprised me with romantic gifts. Even though my hair was gone, my body had been cut open and stitched back together, Denis made me feel beautiful."

Sa kabila naman ng sitwasyon ay aktibo ang magkasintahan sa social works. May fundraising campaign sila para sa mga nurse na nag-aalaga kay Suzanne.

Nagdaraos sila ng bingo nights at raffles. Nai-donate din ni Suzanne ang kanyang mahabang buhok bago nagpa-chemo.

Nakalikom na sila ng £11,000 para sa breast cancer center sa Llandough Hospital, Cardiff, kung saan ginagamot si Suzanne. Sa June ay inaasahang matatapos na ang isa pang serye niya ng gamutan.

Positibo si Suzanne na malalampasan niya ang lahat sa tulong ng pag-ibig ni Denis.

Aniya, "I'm feeling really positive about the future and my health. Denis has been a major part of that. After I finish the chemo meds in June I'll be keeping my fingers crossed and working towards the all clear with Denis by my side."

EDITOR’S TAKE:

Hindi maiiwasan sa isang relasyon ang “sawa factor” lalo na kung kilala na nila ang isa’t isa at wala nang mystery—lalo na kung may mga anak na. Pero pag may dumating na mabigat na pagsubok, dito matitiyak kung naroon pa rin ang pure love.

At nangyari iyon kina Denis at Suzanne.

Ang maganda sa ganitong sitwasyon, naitatama nila ang mali nila noong una. Ngayon ay magpapakasal na sila at magiging buo nang pamilya lalo pa at tatlo na ang kanilang anak. Napatunayan din nila na hindi naman nawala ang passion and romance, napalagay nga lang sa backseat dahil sa mga obligasyon. At napatunayan ni Suzanne ang wagas na pagmamahal ni Denis—at nakatutulong iyon sa kanyang recovery.

Isa pa, ang sakit ni Suzanne ay naging daan din para magkaroon sila ng malasakit sa kapwa.

Kaya dapat nating isipin—nasa isang relasyon man tayo o wala—kung minsan ang pagkakaroon ng sakit ay hindi dapat ituring na sagabal sa ating buhay, bagkus ay pagmumulat ito sa atin na dapat tayong magtuon ng atensyon sa mga mas positibong layunin.