Skip to main content

Pagkatapos ng glorya, mangingisda natigok sa kama

July 6, 2015

KAMATAYAN ang sinapit ng isang mangingisda na sinasabing nakipag-sex sa kanyang nobya matapos itong atakihin sa puso sa loob ng motel noong June 28 sa Barangay 6, Lucena City, Quezon.

Sa police report na nakarating kay P/Supt. Joel de Mesa, hepe ng Lucena City PNP, bandang alas 2:15 ng hapon nang mag-check-in sa Mercados Lodge ang biktimang si Edgardo Huela at ang nobya nito na hindi na pinangalanan. Lumalabas sa salaysay ng babae, nakahiga sila ng biktima nang biglang sumakit ang dibdib nito hanggang sa ito ay mabuwal.

Humingi ng tulong sa kahera ng motel ang babae subalit pagbalik nila sa kuwarto ay patay na ang biktima.

EDITOR’S TAKE:

Sa mga kalalakihan, kung makikipag-date kayo ay sisiguraduhin ninyo na okey ang health ninyo para hindi ninyo sapitin ang ganitong masaklap na kapalaran.