Skip to main content

Perfect match natagpuan sa 'wrong send'

NANINIRAHAN si Rachel Perez sa Bangkok, Thailand. Sa Texas, USA naman naka-base si Ruben P. Salazar. Isang “typo error” ang naglapit sa kanilang dalawa.

January 10, 2007, nagtatrabaho sa isang computer lab sa Waco at nagbabasa ng e-malis niya si Ruben nang may makita siyang e-mail na naka-address sa isang “RP Salazar.”

Aniya, “I figured, ‘Hey, my e-mail is almost the same.’ So, they probably sent it to the wrong person. I dug up this Rachel Salazar name, and I wrote a little message — ‘Hi, Rachel, holá, it seems as if this message came to me instead of you. I’m in Waco, Texas, USA. PS: How’s the weather in Bangkok? Because I saw you were in Thailand.’”

Sagot naman daw ni Rachel, “Hi, Ruben, holá, thanks for forwarding the message. Weather in Bangkok is lovely; it’s the best time to visit. Gracias, Rachel.”

Nagpalitan sila ng e-mails. Akala ni Ruben ay isang “middle-aged woman who’s bored at work” si Rachel, pero nang makita niya ang picture nito ay nagandahan siya sa dalaga.

Kuwento naman ni Rachel ay napakanatural lang ng kanilang kuwentuhan sa e-mails.

Naging mas matagal na rin daw ang komunikasyon nila sa internet at inaabot na sila ng apat na oras.

Hindi nagtagal ay iniisip na ni Rachel si Ruben romantically makalipas ang ilang buwan ng kanilang pagkikilala sa internet. Si Ruben naman ay in love daw agad sa dalaga simula pa lang nang makita niya ang picture nito.

Marami na ring nasasabing sikreto niya si Rachel kay Ruben. Hanggang sa magpadala ng flowers ang binata na may note na: “Chica naranja, thank you for all you do, and thank you always for this newfound friendship we have happened upon. RPS.”

Cheesy raw iyon para kay Ruben, at kinilig naman si Rachel.

Nagsimula na ring tumawag ang binata sa dalaga. Ani Rachel, “I was excited. Wow! He sounds so real!”

Una silang nagkita nang bumisita si Rachel kay Ruben sa Texas. Pagbabahagi niya, “I decided that I was going to Texas, but I didn’t tell anyone. Everyone would have said, ‘You’re foolish to go halfway across the world to meet some strange guy!’”

Sabi naman ni Ruben, “On my end, every relative, every friend, every co-worker — everyone I knew, they’re, like, ‘No way she’s coming! She doesn’t even know you!’”

Naging masaya at romantic ang kanilang pagkikita. Isang gabi habang nagsasayaw sila ay lumuhod si Ruben sa harap ni Rachel at nag-propose. Nagpakasal sila noong November 24, 2007.

Noong una ay hindi raw excited ang pamilya ni Rachel sa relasyon nila ni Ruben. Natatawa naman daw ang mga kakilala ng huli sa nangyayari sa love life nito.

Ngayon, lahat daw na humusga sa pagmamahalan nila ay nagsasabing they are perfect for each other, at natagpuan nila ang right match.

Isang Pinay si Rachel at plano nila ni Ruben na dalawin ang mga kamag-anak niya rito sa malapit na hinaharap.

EDITOR’S TAKE:

May mga kakatwang paraan talaga ang tadhana para magtagpo ang dalawang nilikhang meant for each other.