Skip to main content

Pinakialaman ang misis, mister nanaga

January 23, 2016

PATAY ang isang matandang lalaki matapos tagain ng isang mister nang maaktuhang nakikipagtalik ang biktima sa misis ng huli sa Barangay Maligo, Polomolok, South Cotabato.

Kinilala ni Police Supt. Joedelito Guisingga ang biktima na si Freddie Cabillan, 64 anyos, residente ng Barangay Maligo, Polomolok.

Pasado alas 6:00 ng gabi, habang pauwi umano si Joven Tablo, 31, ng Purok 5, Barangay Landan, nang madaanan nito ang misis na nakikipagtalik sa biktima sa isang basketball court. Dahil dito, nagdilim ang paligid ng suspek at agad na sinuntok ang biktima at tinaga sa ulo.

Agad na sumuko si Tablo sa isang barangay kagawad bago siya idiniretso sa pulisya. Ang biktima naman ay dinala sa pagamutan subalit binawian din ng buhay.

EDITOR’S TAKE:

Huwag pakikialaman ang misis ng iba!