Skip to main content

style="display:inline-block;width:468px;height:60px"
data-ad-client="ca-pub-9362195310998077"
data-ad-slot="5538685548">

Prinsesa Raketera (Part 39)

Nobela ni KC CORDERO

(Ika-39 na labas)

NANG dumikit muli sa kanya si Smash ay hindi na rin naging maramot si Princess. Inihilig niya ang ulo sa malapad na balikat nito.

Bumulong si Smash. “Tusukin natin ang mojos. Tigisa tayo.”

Kumilos ang mga kamay nila at kumuha ng tigisang mojo sa platito. Ang kay Smash ay sa bibig ni Princess nagpunta, ang kanya ay sa binata.

First time niyang makipagsubuan sa isang guy.

At sa pagkakatanda ni Princess, ito ang pinakamasayang araw sa buhay niya.

May kinuha siya sa sling bag niya na naka-gift wrap. Ibinigay niya iyon kay Smash. “Sa inyo mo na buksan, ha?” aniya rito. “Baka hindi mo magustuhan.”

Hinalikan iyon ni Smash. “Ano man ito, I’ll keep it for the rest of my life. Lahat nang galing sa ‘yo, iingatan ko. Lalo na ang puso mo...”

Wala na siyang naisagot sa sobrang happiness na nararamdaman. This time, siya na ang humawak sa kamay nito.

Nang ihatid siya ng binata ay wala namang reaksyon ang kanyang ina. Iniabot nito ang ID ng binata at agad sinabi kay Patrick na ihatid ito sa labasan. Nagsenyasan sila na magte-text na lang. Nang wala na ang binata ay nagkatinginan silang mag-ina. Nagmano na lang siya rito at iniwasan na makapag-usisa pa.

Nasa kanyang room na si Smash nang buksan ang gift sa kanya ni Princess. Napangiti siya nang makitang portrait niya iyon gamit ang colored markers. Ang ganda-ganda ng pagkakagawa.

Nag-scan siya niyon at ginawang wallpaper ng kanyang iMac. Nag-send din siya ng text message kay Princess at nagpasalamat sa gift—na sa dulo ay may “I love you”.

“LuvU2” ang natanggap niyang reply—na may karugtong na: “Pahinga ka muna, raraket lang ako para di makagalitan ni Inay.”

Nag-reply siya ng smiley kay Princess at tatlong heart icons.

                                                               **

BILANG isang mabait na anak ay sinabi ni Princess kay Aling Zeny na sila na nga ni Smash. Nakita niyang nalungkot ang ina.

“Sana na lang ay hindi ka nagkamali sa desisyon mo. Huwag padadala sa tukso. At sana ay mapapagtapos mo si Patrick,” anito.

“Opo naman, Inay. Saka boyfriend ko pa lang naman siya. Gusto ko ring makatapos ng pag-aaral kahit two-year course. Mainam na rin na may natapos ako. Hindi puwedeng habampanahon ay raraket na lang ako kasi mawawala rin ang mga ito sa uso.”

Nakita niyang kahit paano ay nakampante ang ina. Sabagay, kilala siya nito—na kaya niyang panindigan ang mga sinasabi niya.

Napatunayan niya na okey na boyfriend si Smash. Hindi siya nito pinaghahanapan ng oras dahil nga alam na kailangan niyang rumaket. Every Thursday ang kanilang date day—para raw pag matatanda na sila, ang mga “throwback Thursday” nila ay nangyari rin sa araw ng Huwebes.

Marami siyang “first” kay Smash. First boyfriend. First yakap. At siyempre pa, first kiss. Naganap ang kanilang unang halik nang matapos silang manood ng “The Fault In Our Stars.” Masyado silang na-in love sa film kaya nang naglalabasan na ang mga manonood ay nagpahuli sila saka siya dinampian ni Smash ng masuyong kiss sa lips.

Hindi maipaliwanag ni Princess ang naramdaman sa halik na iyon. Hindi halos siya nakatulog, at pakiramdam niya’y nakumpleto ang kanyang pagiging babae. At para bang mas matamis pa iyon kaysa sa sikat na cupcake na kinain nila pagkalabas ng sinehan. It was a perfect romantic date, at pakiwari niya ay walang fault sa kanyang stars kaya plakado ang kanyang horoscope nang araw na iyon.

 

SUBAYBAYAN!