Skip to main content

style="display:inline-block;width:468px;height:60px"
data-ad-client="ca-pub-9362195310998077"
data-ad-slot="5538685548">

Prinsesa Raketera (Part 41)

Nobela ni KC CORDERO

Book V

(ika-41 labas)

NAIPAKILALA si Princess ni Smash sa parents nito. Nagulat ang dalaga na kahit maykaya ang pamilya ng boyfriend ay sobrang down-to-earth at puro may sense of humor maging ang dalawang kapatid. Pinayuhan naman siya ng Ate Tepai nito na magtapos ng pag-aaral kahit sa pamamagitan lang ng home study program.

Sinabi ni Princess na kaya siguro niya ang ganoong sistema.

Ipinaliwanag sa kanya ni Tepai ang iba pang mechanics ng program. “Tell me when you’re ready to enroll na. Masasamahan kita para mag-inquire, okey?”

“Sige po. Thank you po.”

Nang iwan na sila ni Tepai ay kinindatan siya ni Smash. “Sabi ko sa ‘yo, mababait sila. And I think they like you.”

Nararamdaman naman iyon ni Princess. Ang totoo ay siya ang hindi makapaniwala na may ganito palang ideal family. Parang too good to be true.

“Kaya pag dumating ‘yung time na we’ll be together as one, sana ganito rin tayo kasaya, ha?” Kinuha nito ang kamay niya at hinalikan.

Maya-maya ay may dinukot sa bulsa si Smash. Iniabot sa kanya. Maliit na kahon iyon na nang buksan niya ay may simpleng gold ring.

Napahawak siya sa dibdib. “Ano ‘to, Smash?”

“Promise ring. Para lagi mong maalala ang mga pangako ko. Kahit hindi mo muna isuot, basta ingatan mo lang. Pag handa ka na... pag talagang engaged na tayo, ako ang magsusuot niyan sa daliri mo. For the meantime, ingatan mo lang para hindi ka agad ma-pressure sa relasyon natin.”

Gusto niyang mapaiyak sa tuwa.

“Iingatan mo ‘yan gaya ng kung paano ko iingatan ang puso mo. And I’ll tell you one secret...”

“Ano ‘yun?”

“May usapan kami ni Mommy kanina. Sabi niya, pag okey ka sa kanya, ibigay ko ‘yan sa ‘yo. Siya ang bumili niyan. At sabi niya, sa iyo na raw iyan. Sinenyasan niya ako bago tayo umalis sa mesa kanina. Ibigay ko na raw sa iyo.”

Ang lakas ng naging iyak ni Princess. Napayakap siya nang mahigpit kay Smash.

“Thank you, Smash. Hayaan mo, I’ll be the best girlfriend na maipagmamalaki mo at ng pamilya mo.”

Hinagkan siya ni Smash sa buhok.

Nang gabing iyon, sa kanyang kuwarto ay hindi siya makapaniwalang nilaru-laro ang promise ring na bigay ni Smash. Tuwing maaalala niya na ang ina nito ang bumili at nagpabigay sa kanya, sapat iyon para tumulo ang luha niya.

She couldn’t be happier, at nahiling niyang sana’y wala ng wakas ang lahat nang ito. Pagpaplanuhan na rin niya kung paano makakapag-college at maging degree holder para naman hindi nakakahiya sa pamilya ng kanyang boyfriend.

Nagpaalam sa kanya si Smash na he’ll be gone for a couple of days dahil nasa crucial stage daw ito ng nilulutong project ng kanilang talent agency. Baka hindi rin daw ito masyadong makapag-text. Okey lang sa kanya dahil marami siyang order na T-shirts at bakasyon din naman si Patrick kaya nakakatulong niya ito sa paghahatid ng kanyang mga raket.

Kararating lang niya mula sa isang meet-up sa ilang kliyente niya nang makasalubong niya si Mik. Tumigil ito sa tapat niya. Bago niya ito nabati ng usual bakla tag niya rito ay napansin niya ang petite girl na kaangkas nito.

Pinagkilala sila ni Mik ng cute girl na Deborah pala ang pangalan. Nagkamay sila at nagpalitan ng “hi”. Sinabi sa kanya ng binata na paalis na uli ito dahil may project ang agency nito sa Batangas.

Sa nakikita niya kina Mik at Deborah, mukhang may something na sa dalawa. At napangiti siya dahil mukhang may love life na rin ang kanyang kaibigan.

 

SUBAYBAYAN!