Skip to main content

Promdi (Last part)

Nobela ni AMANDA

(Huling labas)

MAY nakakabit na dextrose at nananakit ang katawan ni Arnald nang siya ay magkamalay sa isang hospital sa Quezon City. Nang makausap niya ang doctor ay saka niya nalaman na nag-fifty-fifty siya dahil sa saksak ng isang patalim.

Akala nga raw ay patay na siya nang dalhin sa hospital. Tanging ang isang nagmalasakit na dating kapitbahay ang nagbabantay sa kanya—si Aling Enyang na madalas niyang abutan ng pambili ng bigas. Ang mga sumaksak  sa kanya ay ang dati ring mga kaibigan na mga kamag-anak ni Jean.

Sinubok niyang mag-text kay Jean. Cannot be reach. Sabi ni Aling Enyang ay pinagbabawalan na raw ito ng tatay nito na makipag-ugnayan sa kanya. Galit na galit daw ang mga kamag-anak nito dahil nasaksak din pala niya ang isa na nakainuman niya at halos mamatay rin.

Sinubok niyang tawagan si Mrs. Sison. Nakausap niya ito ngunit tila balewala lamang sa matrona ang sinapit niya. Sabi pa nito, wala na raw itong pakialam . Sinubok niyang tawagan ang lahat ng kakilala at customer. Ganoon din ang sagot sa kanya. Puro paiwas.

Noon lang napagtanto ni Arnald ang kasabihang nabasa niya noon sa isang libro sa college: “The best thing about difficult times is that you will know who your true friends are.”

Tinawagan niya si Abner. Cannot be reach na. Ganoon din si Rose. Sinubukan niyang tawagan si Mary Ann. Malamig ang reaksyon nito nang malaman ang nangyari sa kanya. Busy raw ito. Pagaling daw agad siya.

Naisip niya si Aling Lita, ang kasera. Itinanong lang nito kung ano ang balak niya. Puwede pa rin daw e-extend ng dalawang buwan ang paninirahan sa apartment nang wala nang bayad.

Si Lily naman ay dumalaw at nagdala ng pagkain kasabay ang balitang mag-aasawa na raw ito. May natisod na isang matandang may pera.  Sinamantala na nito ang magandang oportunidad.

Good luck, sabi niya rito. At sana ay ituluy-tuloy na ang pagbabagong buhay. Siya rin daw, sabi nito. Saka siya hinagkan at sinabing hindi siya nito makakalimutan.

Isang linggo sa pagamutan si Arnald. Naisip niya, wala nang dahilan para manatili siya sa Maynila. Nasa probinsiya ang mga magulang niya. Babalik na lang siya roon.

Isang buwan siyang nagpagaling sa tama ng saksak. Nang kaya na niyang magbiyahe ay nag-withdraw siya ng pera niya sa bangko. Lahat-lahat na laman ng kanyang bankbook. Nag-close account na siya.

Nagkita sila ni Mary Ann sa bangko pero itinuring na lamang siya nitong karaniwang customer.

Inimpake ni Arnald ang lahat ng gamit at umuwi sa Bikol. Hindi na niya idinetalye ang lahat nang nangyari sa kanya sa Maynila sa mga magulang at kakilala.

Makaraan ang isang buwan ay hindi sinasadyang nagkita sila ni Judith. Iiwas sana ang binata ngunit nagawa ng dating kasintahan na makapag-usap sila. Sinumbatan  niya ito sa kataksilang nakita. Pero laking gulat niya nang ipamukha nito ang isang pagkakamali. Pinakisamahan nito ang pamangkin ng mayor pero hindi naman pala iyon ang nakatuluyan ng dalaga dahil wala naman silang naging relasyon. Bahagi lang umano ng trabaho nito sa city hall ang pakikipag-dinner dito.

Ang napangasawa ni Judith ay ang kaibigan din nila na si Dennis. Sinalo nito ang kahihiyang dulot ng pagbubuntis nito. Si Arnald ang ama. Ngayon ay suklam na suklam na sa kanya si Judith.

Hindi siya makapaniwala sa mga ipinagtapat ng dating katipan!

Malaking kahibangan ang mga nangyari sa kanya, naisip ni Arnald. Kung maibabalik lang niya ang panahon.

Kaya lang ang buhay pala ay parang pagda-drive din ng kotse. One wrong turn, one wrong decision will be forever. Point of no return. May asawa na si Judith. Mahal na mahal pa niya ito. Pero kasalanan niya dahil nagpadala siya sa silakbo ng damdamin.

Hinanap daw siya ni Judith pero nabigo ito kaya pinakasalan si Dennis para makaligtas sa kahihiyan.

Dahil sa sobrang lungkot ay namundok si Arnald. Ang lupain nila sa bundok ay pinagyaman niya. Ang konting perang naipon ay ibinili niya ng mga alagaing hayop at kanyang pinarami.

Ang kanyang nakuhang katiwalang si Mang Domeng na isang Aeta ay sumubaybay sa kanyang pagpa-farm. Dumami nang dumami ang kanyang mga alagang kambing at baka. Masagana rin ang ani ng kanyang  mga pananim ay may mga kumukuha sa kanya para ibenta sa palengke.

Ang anak ni Mang Domeng na si Engga na isa ring Aeta ay nabuntis niya nang  minsang siya ay malasing. Pinanindigan na niya ito. Tutal ay sawa na na rin naman siya sa magaganda. Si Engga, kahit maitim ay maasikaso sa kanya. Halos ay sambahin siya.

Lumago ang kanyang negosyo sa bundok. Ipinasya na rin niyang huwag nang bumaba ng bayan kahit minsan. Ayaw na niyang magkaroon ng balita kay Judith. Ayaw na niyang maalala ang kanyang katangahan.

Nagkaroon sila ni Engga ng dalawang anak. Malakas pala ang dugo nito kaya kahawig nito ang mga bata. Pero cute naman kahit maiitim at kulot ang buhok kaya naging masaya na rin siya sa piling ng mga ito.

Naiisip niya sa katiwasayan ng kaloobang nadarama ngayon na wala pala sa lungsod ang ligaya. O, baka naman nagkamali rin lang siya ng pagsisimula sa Maynila bilang isang promdi. Siguro nga kung minsan ay sarili rin natin ang nagdidikta kung ano ang magpapasaya sa atin. Marahil, kung nagtiyaga muna siya sa ibaba gamit ang kanyang diploma at hindi ang kanyang kargada, iba ang naging kapalaran niya sa lungsod.

Ngunit magsisi man si Arnald ay huli na. Marahil ay iyon ang guhit ng kanyang palad. Sa probinsiya nagmula, sa probinsiya rin siya umuwi.

Wala sanang iskwater sa Metro Manila kung bawat probinsiyano ay makukuntento sa kinaroroonan nila. At lalong walang iskwater kung ang lokal na pamahalaan ay sinusuportahan ang bawat probinsiyanong walang matirahan pagdating sa lungsod.  Tutal ay Pinoy naman tayong lahat kaya hindi tayo dapat maging iskwater sa sariling bayan, naisip niya.

O mas tama nga sigurong kung promdi ka, hanapin ang sariling pag-unlad sa iyong probinsya.

Napatigil siya sa pagmumuni-muni nang maramdamang

lumapit sa kanya si Engga. Matutulog na kasi sila noon at nakaupo siya sa pintuan na kinahuhugpungan ng hagdanan ng kanilang kubo. Masuyong hinaplos nito ang kanyang kargada.

“Tulog na tayo,” malambing nitong bulong sa kanya. “Tapos na akong maligo.”

Ngumiti siya at nilingon ang asawang hindi niya halos makita sa dilim. “Nilinis mo bang maige ang iyong bulaklak?” pilyong tanong niya rito.

Humagikhik ito. “Oo. Alam ko naman na sisisirin mo ako. Ang sarap yata ng tinolang manok na inihain ko sa ‘yo kaya alam kong malakas na malakas ka.”

Tumayo si Arnald. Bago niya isinara ang pinto ng kubo ay minalas niya ang kabuuan ng kanyang farm. Kaytagal niyang lumayo, dito rin pala siya babalik. Dito pala niya makikita ang liwanag ng buhay—kahit wala pang kuryente.

Pumasok siya sa kulambo. Nakapa niya si Engga na hubu’t hubad na. Nagtanggal na rin siya ng mga suot sa katawan at saglit pa, naglingkisan na sila.

 

WAKAS