Promdi (Part 1)
Nobela ni AMANDA
(Unang labas)
KUNG titingnan mula sa malayo ay tila tumpok lamang ng mga dayami sa gitna ng malawak na bukirin ang kubo ni Tata Inggo. Bilog ang buwan nang gabing iyon kaya’t lantad ang liwanag na tumatanglaw sa kapaligiran. Sa dakong kaliwa ay ang malawak na palaisdaan. Sa dakong kanan naman ay ang tila gintong palayan dahil malapit na itong anihin. At sa likod ay naka-background ang tila isla ng mga punong kahoy na lalong bumagay sa nakatunghay na Mayon Volcano.
Isang paraiso ang tanawin na iyon maging sa araw. At sa loob ng kubo ay naroroon ang Eba at Adan nang gabing iyon—si Arnald at si Judith. Maiinit ang mga tagpo. Tanging ang kanilang hinubad na mga saplot ang nagsisilbing banig sa sahig na kawayan. Mga impit na ungol at habol na hininga ang maririnig, na sinasabayan ng huni ng mga panggabing ibon at kuliglig.
Magkalapat ang mga labi ng dalawa at ang kamay ni Arnald ay mapangahas na dumadako sa maseselang bahagi ng katawan ni Judith. Napapaliyad ang babae dahil sa matinding sensasyong hatid ng halik at himas ni Arnald. Ang nag-uumpisa pa lamang na umumbok na dibdib ng dalaga ay naghuhumindig.
Dahil maputi ay nangingibaw ang kulay ng kahubaran ni Judith. Unti-unting pinaghiwalay ni Arnald ang mga hita ng nobya upang ihanda na ang pagsalakay ng naghuhumindig niyang pagkalalaki.
Natigilan si Judith nang makita ang napakalaking armas ng nobyo. “S-sobrang laki pala. B-baka masakit!” pag-aalinlangan nito.
“Dadahan-dahanin ko,” humihingal na sagot ni Arnald habang iniuumang ang armas.
Isang impit na daing na sinundan na ng mga ungol ang kasunod na narinig.
**
NAKABUKAS na ang ilawang gasera. Nakabihis na ang dalawa ngunit magkatabi pa ring nakahiga. Nakayakap si Judith kay Arnald. Bagama’t may ngiti sa labi na bakas ng kasiyahan ay may lungkot naman ang mga mata nito.
“Hindi ka na ba talaga mapipigilan sa pagluwas bukas?” ani Judith.
“Napag-usapan na natin ito, di ba? Saka alam mo naman na pagkatapos ng graduation natin sa college ay sa Maynila na ako magtatrabaho.”
Malungkot na bumangon si Judith. Inabala ang sarili sa pagtitiklop ng puting T-shirt na namantsahan ng dugo na mula sa kanyang pagkabirhen.
“Bakit kasi aalis ka pa? Sabi naman ni Mayor, puwede tayong magtrabaho sa city hall.”
“Sweetheart, ayaw kong tumanda rito sa probinsiya. Mabagal ang ikot ng buhay. Di ba usapan natin, pag regular na ang trabaho ko sa Maynila ay kukunin kita at doon na tayo titira pagkatapos nating kasal.”
Napabuntunghininga si Judith. “Ang ikinakatakot ko kasi ay baka matukso ka roon. Ang gaganda kaya ng mga babaing taga-Maynila.”
Niyakap ni Arnald ang nobya. Nauunawaan niya ang pangamba nito. Isa kasi sa mga dahilan niya sa pagpunta ng Maynila ay ang makakilala ng mga Manilenya na kasinggaganda ng mga napapanood niya sa TV at sine. Gusto rin niyang makarating sa mga malalaking mall. Makapag-check in sa mamahaling hotel at maranasan ang buhay sa lungsod. Sawang-sawa na siya sa amoy ng bukid at kalabaw. Kaya nga pinagbuti niya ang pag-aaral para sa mga dahilang nabanggit. At ngayong graduate na siya sa college ay may armas na siya sa pakikipagsapalaran. Malakas ang hatak sa kanya ng lungsod dahil sa mga nababasa sa magazine at napapanood sa telebisyon.
“Sus, may gaganda pa ba naman sa ’yo?” paniniyak niya kay Judith, na sinundan ng paghalik sa mga labi nito.
Talagang maganda si Judith. Maputi. Mahaba ang buhok na lalong bumabagay sa bilugan nitong mukha. Ang mga mata ay tila nangungusap dahil sa malalantik na pilikmata. Ang mapupulang labi ay bagay sa may hindi katangusang ilong. Maganda ang hubog ng katawan at sa taas nitong 5’ 7’’ ay talagang napakaraming naging kaagaw ni Arnald noong nililigawan pa lamang niya ito. Kahawig nga ito ni Angel Locsin. At naging reyna pa ng kanilang pinasukang school.
Ngunit tila may kulang sa damdamin ni Arnald. Kung tutuusin ay na kay Judith na ang lahat ng katangian para maging mabuting asawa. Masinop sa bahay. Masipag. May natapos ng kurso at magkakaroon na ng regular na trabaho sa city hall dahil ninong nito ang mayor.
“Ikaw, sweetheart, hindi ka ba natatakot na matukso ako sa iba habang nasa Maynila ka?” pilyang tanong ni Judith.
“Sus, may tiwala ako sa ’yo. Ngayon pa ba na may nangyari na sa atin?” sagot ni Arnald na sinundan ng payak na tawa. “Saka wala nang seseryoso sa ’yong lalaki pag nalamang hindi ka na virgin.”
Kinurot ni Judith nang pino sa tagiliran si Arnald. “Ah, kaya pala pinilit mo ako ngayong gabi!”
Nasundan ng harutan ang eksenang iyon.
Aniya rito, “Siyempre. Insurance ko yata ‘yun para hindi ka na mapunta sa iba.”
Kung tutuusin ay walang kulang sa kanilang relasyon, at sa loob ng tatlong taon ay naging masaya sila pareho. Ngunit sadyang mas malakas ang hatak ng Maynila kay Arnald.
**
MAHABA ang biyahe ng sinakyang bus ni Arnald. Umabot yata ng dose oras mula Bicol hanggang Cubao. Ordinary bus lang kasi dahil kailangan niyang tipirin ang kanyang baong pera.
Pansamantalang makikipanuluyan siya sa isang kalugar sa Bicol na naunang pumunta ng Maynila. Si Abner na dati niyang kaklase sa high school. Ngunit hindi na ito nag-aral ng kolehiyo. Nakipagsapalaran na kaagad sa Maynila.
Isa si Abner sa mga inspirasyon ni Arnald. Dahil ayon sa kuwento nito ay napakaganda ng lungsod at madaling kumita ng malaking pera. Hindi naman siya nagduda dahil kapag bumabakasyon si Abner sa kanilang lugar ay talagang namimigay ito ng pera. Magagara ang suot na alahas at damit. Maganda ang cellphone.
Bilib na bilib si Arnald sa kababata. Naisip niyang mas hihigitan niya ito dahil tapos siya sa college.
Nagpasundo siya kay Abner sa Ali Mall. Tinawagan na niya ito kahapon pa habang nasa terminal siya ng bus. Habang naghihintay ay hindi pa rin siya makapaniwala na nasa Maynila na siya. Aliw na aliw siya sa natatayugang building na ginagawa pa lamang, at mga kotseng sobrang gaganda. Sa tanang buhay niya ay talagang ngayon pa lamang siya nakatuntong ng Cubao.
Hindi naman siya nainip dahil maya-maya ay dumating na si Abner. Halatang wala pa itong tulog
“Pasens’ya ka na, panggabi kasi ang trabaho ko kaya medyo puyat. Halika na,” yaya nito sa kanya.
“Ako nga ang dapat humingi ng sorry dahil naabala pa kita.”
Inakbayan siya ni Abner at sumakay sila ng taksi. Malapit lang daw ang tirahan nito kaya lang ay marami siyang dala gaya ng bigas, niyog, laing, pili nut candy, saging at kung anu-ano pa. Tipikal na promdi, ‘ika nga.
Habang binabaybay ng taxi ang kahabaan ng EDSA papuntang SM north ay libang na libang si Arnald sa mga building lalo na nang ituro ni Abner ang building ng GMA-7 sa Kamuning.
“Minsan tambay tayo riyan,” ani Abner.
“Talaga? Puwede?” Hindi makapaniwala si Arnald.
“Puwedeng-puwede. Sa labas nga lang!” sabay tawa ni Abner.
ITUTULOY