Skip to main content

Promdi (Part 2)

Nobela ni AMANDA

(Ika-2 labas)

NANG pahintuin ni Abner ang taxi ay tumambad kay Arnald ang tabi-tabing mga kubo ng mga squatters.  Ngunit inakala niyang baka sa kabila ng EDSA ang bahay nito dahil magaganda ang mga iyon. May eskuwelahan pa.

Ngunit napagtanto niyang mali siya lalo na nang sumalubong ang tropa ni Abner at tinulungan silang buhatin ang mga dala-dalahan.

“Si Arnald. Siya ‘yung sinasabi kong tropa ko sa probinsya na titira muna sa atin pansamantala,” pakilala nito sa kanya sa mga nakibuhat sa kanyang dala-dalahan.

“Umiinom ba ‘yan?” tanong kaagad ng isa.

“Umiinom at nagpapainom,” mabilis na sagot ni Abner.

Isang maliit na barung-barong ang tirahan ni Abner. Walang CR na sarili. Ang common CR ay katabi ng kulungan ng baboy. Tabi-tabi ang mga bahay. Maiingay ang mga tao. Isang mahabang upuan ang itinuro nito na magiging higaan niya. Ang tubig ay mula sa bomba na pinipilhan pa dahil sa dami ng umiigib. May dumadaan naman daw na trak ng tubig pero sa madaling-araw lang.

Maraming tanong na naglalaro sa isip ni Arnald, ngunit wala pa siyang maisagot sa ngayon. Sa probinsiya nila, big time ang tingin nila kay Abner. Dito sa Maynila ay iskuwater lang pala ito.

“Alam ko ang iniisip mo. Akala mo ay big time ako,” malungkot na ngumiti si Abner. “Alam mo, pare, kailangan natin ng maskara paminsan-minsan. Dahil kung hindi ay lalo tayong magmumukhang kawawa. Kaya pakiusap, ‘wag mo na lang mababanggit sa lugar natin ang totoo.”

Tumimo sa isip ni Arnald ang pakiusap niAbner at nangako siya na magiging lihim ang lahat.

Sumabay siya sa inuman ng mga tropa ni Abner. Doon niya nakilala si Lily. Halata kaagad na kursunada siya nito. Maganda si Lily bagama’t hindi kasingganda ni Judith.

“Papasok ka rin ba sa trabaho ni Abner?” tanong ni Lily habang namumungay ang mga mata.

“Hindi ko alam, eh,” matapat na sagot ni Arnald.

Humagikhik si Lily. “Kung sabagay puwede ka roon. Mas pogi ka pa nga kay Abner. Ang tanong, malaki ba ang kargada mo?”

“H-ha?”

Sumingit sa kuwentuhan nila si Abner. “Hoy, Lily! Kung nasiyahan ka sa kargada ko, mas masisiyahan ka diyan kay Arnald. Sabay kaming tinuli sa probinsiya at wala pa sa kalahati ng sa akin sa kargada niyan.” Lumingon sa kanya ang kaibigan. “Pare, ayos ‘yang si Lily. Diyan ako natututo sa kama. Patikimin mo nga ng alaga mo ‘yan.”

“Ows, talaga?” may pilyang ngiti sa mga labi ni Lily. “Malaki ba talaga ‘yang sa kaibigan mo?”

Hindi siya kumibo. Naeeskandalo siya sa usapan kahit nakainom na siya.

Matagal ang naging inuman. Hindi na namalayan ni Arnald ang ibang nangyari. Nang siya’y magising, katabi niya ang hubad na si Lily.

Sa tulong ng malamlam na ilawan ay bumangon si Arnald. Nagising na rin si Lily. Tiningnan niya ang oras sa kanyang cellphone. Mag-aala una na ng umaga. Tahimik na ang paligid hindi tulad kanina.

“Si Abner?” tanong niya rito.

“Pumasok pero huwag kang mag-alala, ibinilin ka niya sa akin kaya aalagaan kita.” May pilyang ngiti sa mga labi ni Lily. “Salamat nga pala riyan...”

Sinundan ni Arnald ang itinuro ni Lily. Noon lang niya napansing hubo’t hubad pa pala siya at nakalawit ang kanyang kargada.

“Alam mo, puwedeng-puwede ka sa trabaho ni Abner. Pagkakaguluhan ka ng mga matrona at bading.”

Noon lang naging malinaw kay Arnald na sa gay bar pala nagtatrabaho si Abner, ayon na rin sa mga sumunod na kuwento ni Lily.

“Sabihin mo lang sa akin kung kailangan mo ng pera, ibo-book kita. Pero pansamantala ay ako muna ang i-book mo,” makahulugang sabi ni Lily na sinundan ng pilyang hagikhik.

“A-ano’ng ibig mong sabihin?”

“Ibo- book. Ibubugaw sa bading o matronang manyak. Sex kapalit ng pera. “

“H-ha? Ayoko! Di ako puwede sa gano’n,” mabilis na sagot niya.

Natawa si Lily. “Ganyan din ang sinabi ni Abner noon. Pero dito sa Maynila, kailangan mong maging praktikal. Dahil kung hindi ay mamamatay ka sa gutom. Walang libre rito. Pati basura binibili. Hindi tulad sa probinsiya na puwedeng mabuhay kahit walang pera.”

Noon nakadama ng takot si Arnald dahil sa sinabi ni Lily. Ngunit napawi rin kaagad dahil hindi na niya napaglabanan ang nabubuhay na init sa kanyang katawan dahil sa ginagawa ni Lily. Pinahiga siya nito at gumapang ang mga labi mula sa kanyang leeg pababa sa kanyang puson. Napasinghap siya nang isubo nito ang kanyang armas. Ilang sandali pa ay naghuhumindig na iyon.

Napaungol siya nang upuan siya ni Lily. At  tila hinete ito ng kabayong nagmamadali  at may hinahabol na karera. Maingay ito. Napapasigaw nang impit kapag inaabot ng sarap.

Naisip niya na subukin kung hanggang saan tatagal si Lily. Pinigil niya ang sarili at hinayaan muna ang babae. Ilang beses itong nilabasan bago siya nagpasirit.

Maganda ang mukha ni Lily kahit ngayong wala ng make-up. Kaya lang ay halatang gamit na gamit na. Laylay na ang dibdib at maluwang na ang langit.

“Wow, ngayon lang ako sumaya nang ganito!” humihingal na nahiga si Lily. “Alam mo, kikita ka ng malaki, dong...”  pabisayang sabi pa nito.

“Hindi siguro. Kasi maghahanap ako ng matinong trabaho. College graduate naman ako hindi tulad ni Abner.”

Matagal siyang tinitigan ni Lily bago ito nagsalita. “Okey. Alam ko na. Sorry. Akala ko kasi tulad ka lang ni Abner na puwedeng ibugaw sa mga bakla at matrona.”

“Okey lang ‘yun. Ngayon ko nga rin  lang nalaman na gano’n pala ang trabaho ng kaibigan ko.”

Mula noon ay kakaibang respeto na ang ipinakita ni Lily kay Arnald. Alagang-alaga nito ang binata. Hinahatiran ng ulam at kung anu-ano pa. Nalaman niya na GRO ito sa isang beerhouse. At tulad ni Abner ay patuloy rin itong nakikipagsapalaran sa buhay sa magulong gubat ng lungsod.

“Pasyal tayo. Iti-treat kita,” minsan ay yaya nito sa kanya.

Pinagbigyan niya si Lily. Nakapantalong maong na hapit na hapit ang babae, T-shirt at dark  shades. Sa loob ng mall ay walang makakapagsabing isang pokpok ito. Disente itong tingnan sa panlabas. Marami talagang hiwaga at maskara ang buhay, naisip ni Arnald.

Pagkatapos kumain sa food court ay nanood sila ng sine. Behave na si Lily mula nang malaman nitong college graduate siya. Nawala na ang pagiging malandi. Paglabas sa sine ay pumasok sila sa isang department store. Kumuha ito ng mga damit panlalaki at pantalon.

“Isukat mo ito,” alok nito sa kanya.

“Bakit?” takang tanong niya.

“Alam mo, sa Maynila ay hindi lang ang pinag-aralan ang tinitingnan. Porma rin. Ito ang isuot mo pag mag-a-apply ka ng trabaho.”

 

ITUTULOY