Promdi (Part 22)
Nobela ni AMANDA
(Ika-22 labas)
HINDI pinansin ni Arnald ang pagpalag ni Lily. Sa halip ay sinibasib niya ng halik ang pagkababae nito. Dinilaan. Kinagat.
Napapasigaw si Lily. Ngunit saglit lang. Namayani ang sarap. Sa inis ni Arnald ay buong apat na daliri ang ipinasak niya sa pagkababae nito. Sa umpisa ay nagpoprotesta ito ngunit dahil naglalawa na ang bukana ay isinalaksak na niya ang apat na daliri at halos ay lamunin na ng buong pagkababae nito ang buong kamay niya.
Ang impit na pagmumura at protesta nito ay napalitan na halinghing. Tila nasarapan pa ang hitad sa ginagawa niya. Maingay na sila ngunit sinasadya talaga ‘yun ni Arnald para marinig ni Rose—na alam niyang gising pa sa kabilang kuwarto.
“Putsa... ano ba’ng nangyayari sa ’yo?” umuungol na protesta ni Lily.
Sa halip na sumagot ay tumayo si Arnald. Kinatok niya ang pinto ng kuwarto kung nasaan si Rose.
“Bakit?” tila galit na sagot ni Rose.
“Lumabas ka nga saglit . Gagamitin ko ang kuwarto!” mariing sabi ni Arnald upang ipamukha kay Rose na siya pa rin ang may karapatan sa apartment.
“Inaantok na ako. Bakit ba?” protesta ni Rose mula sa loob.
“Peste! Lumabas ka nga! Gagamitin ko muna ang kuwarto ko.” May diin na ang huling binitiwan niyang salita.
Bumukas ang pinto. Sumungaw si Rose. Nabungaran nito ang hubu’t hubad na si Arnald. Natutop nito ang bibig.
“Labas na... bilis!” paangil na sabi ni Arnald sa dalaga.
Susukut-sukot na lumabas si Rose. Napatingin ito sa kahubaran ni Lily na nakatayo sa di kalayuan.
Sinadya ni Arnald na inggitin si Rose. Ngunit lalo siyang nainis nang tila wala man lang epekto sa dalaga. Nahiga ito sa sofa at tila walang nakitang ipinikit ang mga mata.
Sa inis ni Arnald ay kay Lily niya ibinunton ang lahat ng sama ng loob. Kung ilang beses siyang nilabasan, bagay na ikinatuwa naman nito. Hanggang sa pareho silang nakatulog.
Mataas na ang araw nang magising si Arnald. Namimigat ang kanyang ulo. Bumangon siya at nagtimpla ng kape. Wala si Rose. Tiningnan niya ang kuwarto ni Abner. Wala rin ito. Sa halip ay may nakita siyang isang sulat sa mesa ng pinsan.
Binasa niya ang sulat. Napaangat ang kanyang kilay sa nilalaman niyon:
'Tol,
Hindi na kita ginising. Umalis na ako. Habang binabasa mo ito ay baka nasa malayo na ako. Sawa na ako sa buhay ko ngayon. Gusto ko nang magbagong buhay. Sumama na ako sa isang kaibigan sa Ilocos. Doon na muna ako. Balik-probinsya. Magsasaka. Pero gano’n talaga.
Sinubok ko ang buhay-Maynila pero walang nangyari. Maraming anay na sumisira sa buhay natin. Pero pinakamatinding anay ‘yung sumisira sa prinsipyo. Kapag nawala na pala ito, parang wala na ring silbi ang buhay.
Susubukan ko ang ibang buhay. Sana mabura ko ang pangit kong nakaraan. Huwag mo na lang sabihin sa atin sa Bicol ang lihim natin.
Balang araw ay magkikita rin tayong muli. Sana ay magbago ka na rin. May pinag-aralan ka. Huwag mong sayangin. Wala palang kuwenta ang salapi kung mawawala ang respeto sa sarili.
Good luck, ‘tol...
-Abner
Nalamukos ni Arnald ang sulat. Kung ganoon ay solo na pala siya ngayon dito sa Maynila.
Naalala niya si Rose.
Wala na rin ito.
Wala na ang mga gamit ng dalaga. Naalala niya ang cellphone. Binuksan niya ito at apat na messages ang nabasa niya mula kay Rose.
Ganito ang unang message: Umalis na ko. Pasens'ya na sa istorbo. Uuwi na lang ako ng probinsiya. Siguro habang binabasa mo ito ay nasa bus na ako pauwi ng Samar. Ikaw ang pinuntahan ko kasi akala ko, ikaw ang makakasangga ko rito sa Maynila. Hindi ko naman inisip na katawan ko lang pala ang kailangan mo. Oo, nagpapakipot ako kasi gusto ko kung ibibigay ko ang katawan ko ay ‘yung ako na lang ang mamahalin mo. Minahal na kita noong una pa lang kitang makita sa condo. Pero alam kong hindi kita solo. Gayunpaman ay nagbabakasakali akong baka mahalin mo rin ako. Handa kitang pagsilbihan at mahalin kung naramdaman kong respetado mo ako.
Pangalawang message: Mali ako. Laro lang pala sa ‘yo ang sex. Ayoko ko ‘yun kaya nagpapakipot ako. Ayaw kong lubusang ibigay ang sarili ko nang walang kasiguruhan. Akala mo ba na kaya pumayag ako sa gusto ni Mrs. Sison ay dahil lang sa pera? Hindi lang sa pera ang lahat. Gusto kita kaya ako pumayag. Mabuti na lang at hindi natuloy. Ayaw ko ng laro lang. Gusto ko ng seryosong relasyon. Alam kong hindi mo kaya ‘yun. Sorry. Pero sana, magbago ka na. Huwag mong sayangin ang buhay mo.
Pangatlong message: Alam mo, nag-enjoy ako sa ’yo pero hindi ko puwedeng balewalain ang respeto ko sa sarili. Love you much. Sana magbago ka na.
Ang pang-apat na message ang umantig sa kanyang damdamin: Sana huwag mo namang ituring na laruan lang ang mga babae. May damdamin rin kami na kailangan ng pagmamahal.
Napasalampak ng upo si Arnald. Tila umiikot na ang buong mundo niya. Naguguluhan na siya.
Ngayon lamang siya waring natauhan. Naalala niya si Judith. Sa paghahangad niyang makaganti rito ay siya pala ang nasisira unti-unti. Mabuti pa si Rose na walang pinag-aralan pero malalim ang pananaw sa buhay.
Hindi na siya nakatulog magdamag. Wala na si Abner. Wala na si Rose. Hindi na rin sumasagot si Mrs. Sison. Ibig sabihin ay ibinasura na rin siya nito. Tulog pa rin si Lily. Ano ba ang puwede pa niyang gawin?
Naalala niya ang kabataan niya noon. Masaya naman sila kahit hirap sa buhay. Kumakain naman siya ng tatlong beses isang araw. Kung masipag lang siguro siya sa probinsya at may diskarte ay may mararating naman siya. Bakit ang ibang walang pinag-aralan na nanirahan sa probinsya ay nagkaroon naman ng masayang buhay?
Ang buhay pala rito sa Maynila ay parang ilusyon. Maganda lang tingnan mula sa pictures ng magazines at sa sine pero hindi pala talaga ganoon kaganda.
Dahil sa dami ng isipin ay ipinasya niyang pumunta sa kanilang tambayan. Gusto niyang malasing. Bahala na. Iniwan niya si Lily na tulog pa rin.
Maghapon siyang naglasing. At dahil mainit ang ulo ay hindi niya napagpasensyahan ang isang kainuman. Nakasagutan niya ito na humantong sa isang madugong rambulan. Hindi niya malaman kung palo o suntok ang tumama sa kanya at umikot ang kanyang paningin.
Nawalan siya ng malay...
ITUTULOY