Skip to main content

Promdi (Part 3)

Nobela ni AMANDA

(Ika-3 labas)

HINDI umimik si Arnald. Naiintindihan niyang may katwiran si Lily. Actually ay may schedule siyang interview bukas at wala siyang maisusuot. Noong isang araw, nahihiya siya sa suot niya dahil kumpara sa mga ibang nag-a-apply ay siya lang ang halatang probinsyano.

Nang lumabas si Arnald sa fitting room ay napasipol si Lily dahil sa paghanga. “Wow, pwede ka palang artista. Kamukha mo si Dingdong Dantes.”

Binili nito ang terno at isang itim na sapatos. Sa tantiya ni Arnald ay nasa 4,000 pesos ang nagastos ng babae, pati na ang sa sine at pagkain nila

“Salamat dito. Hayaan mo, kapag nakapagtrabaho ako, babayaran kita,” sabi niya habang naglalakad sila pauwi. Walking distance lang kasi ang mall hanggang sa inuuwian nila.

“Huwag na. Magaan kasi ang loob ko sa ’yo. Saka gusto kong hindi ka matulad sa ibang lumuwas ng Maynila. Alam kong may mararating ka,” bakas ang sinseridad sa tinig ni Lily.

Bilang pagtanaw ng utang na loob ay doon siya natulog sa inuupahang bahay ni Lily. Hindi ito pumasok  sa club dahil may day-off din pala ang mga ito lalo na kapag Lunes dahil matumal daw ang costumers sa ganoong araw.

Magdamag niyang pinaligaya si Lily, na halos maluha sa sobrang saya.

“Alam mo, sanay na ako sa gamitan, Arnald,” pakli nito nang pareho na silang nakahiga. “Pero sa tingin ko ay iba ka. Natatakot ako na baka magmahal na naman ako at masaktan.”

Hindi umimik si Arnald. Iniisip niya ang isasagot. “May nobya ako sa probinsya, Lily.” 

“Alam ko. Sinabi ni Abner. Kaya okey na sa akin ‘yung paminsan-minsan sa piling mo,” pabirong sagot nito.

Muling gumapang ang mga labi ni Lily mula sa leeg ni Arnald hanggang sa sugpungan ng kanyang mga hita. At muli nilang pinagsaluhan ang  ang kakaibang ligayang dulot ng pagsasanib ng kanilang mga kahubdan.

                                                                **

MALUNGKOT  na ibinalik ni Arnald sa bulsa ang kanyang cellphone pagkatapos nilang mag-usap ni Judith. Nagtatampo na ito dahil bihira na raw siyang tumawag at mag-text. Idinahilan niya na sobrang abala lang siya sa paghahanap ng trabaho. Pero ang totoo, wala na siyang pera para makapag-load. Ang konting perang hawak niya ay ayaw na niyang bawasan pa dahil nakalaan iyong pamasahe sa paghahanap ng trabaho.

Ubos na rin ang baon niyang bigas. Ayaw naman niyang manghingi sa probinsiya ng pera dahil alam niyang gipit din ang mga magulang niya dahil malayo pa ang anihan ng palay. Mabuti na lamang at kahit papaano ay inaabut-abutan siya ni Lily ng pera kapag kumikita ito sa club. Bagma’t nahihiya ay kinakapalan na lamang niya ang kanyang mukha.

Hindi pala madaling maghanap ng trabaho sa Maynila. Sa tuwing nag-a-apply siya sa mga naka-ads sa mga diyaryo ay laging napakaraming aplikante. Ang masaklap pa nito, madalas ay mga graduate ng kilalang eskuwelahan sa Maynila ang nakukuha.

Mabuti pa si Judith at nakapasok na sa city hall bilang staff ng assessor’s office. Samantalang siya ay hanggang apply pa rin hanggang ngayon.

Nakaramdam siya ng lungkot.

Tuwing araw ng Linggo ay ugali na ni Arnald ang bumili ng dyaryo upang maghanap ng mga nakaanunsyong trabaho.  Ngunit nang tingnan niya ang kanyang wallet ay isandaang piso na lamang pala ang natitira. Naisip niyang humiram muna uli kay Lily. Nag-text siya rito. Nanlumo siya sa sagot nito. Nasa biyahe na raw ito ngayon pauwi ng Samar. Biglaan dahil  patay ang nanay kaya hindi na nakapagpaalam sa kanya.

Hinintay niyang magising si Abner. No choice siya kundi sa kababata manghiram ng pera. Binigyan siya nito ngunit halatang hindi bukal sa loob.

“Kung ako sa ’yo, ‘tol, sumama ka muna sa akin. Kahit hindi ka sumayaw. Teybol lang ay kikita ka,” sabi nito habang nagtitimpla ng kape.

Ganoon na ang sinasabi sa kanya ng kababata. Mula kasi nang maubos ang baon niyang pagkain ay halos ito na ang sumasagot sa lahat ng gastusin nila sa pagkain.

“Lalaki naman tayo, wala naming mawawala,” dugtong pa nito.

“P-puwede ba ‘yung teybol lang?” nabubulunan niyang tanong.

“Puwede ‘yun kung ayaw mo talagang mag-VIP.”

Ayon kay Abner, ang VIP room ay isang maliit na kuwarto sa loob ng club kung saan ay puwede nang maganap ang lahat.  Kadalasan daw ay niyayayang lumabas ng costumer ang kursunada nila pero kung ayaw sumama ay puwede na sa VIP room para makaraos.

“Ano, sasama ka mamaya? Big night namin. Maraming darating na costumer.”

Labag man sa kanyang kalooban ay no choice si Arnald. Nahihiya naman siyang hindi pagbigyan ang kababata at baka masumbatan pa siya nito. Saka gusto rin niyang magkaroon ng sariling pera. 

Malapit lang ang gay bar na pinapasukan ni Abner. Marami ng tao sa loob nang dumating sila. Ipinakilala siya nito sa bading na floor manager, si Mamita. Pinasadahan siya nito ng mapanuring tingin mula ulo hanggang paa. Inikut-ikutan habang gumagapang ang kamay sa dibdib niya.

Kinilabutan si Arnald. Kahit medyo nakainom na siya dahil tumagay muna sila ni Abner sa bahay ay tila hindi pa rin niya masikmura ang dantay ng kamay ng kapwa lalaki.

Umilag siya nang dumako na sa kanyang kaselanan ang kamay ng bading.

“Aba… vhakets?” tumaas ang kilay ni Mamita. Nagulat din sa reaksyon niya. “May gano’n? Hindi puwede ang ganyang arte kung gusto mong kumita.”

Napakamot ng ulo si Abner at malambing na inakbayan ang floor manager  papalayo habang kinakausap.

Iginala ni Arnald ang tingin sa kinaroroonang dressing room. Walang pakundangan kung maghubad ang mga lalaking naroroon. Halos kasing-edad niya. Matitipuno ang katawan at halatang alaga sa workout. Tanging briefs lang ang suot ng mga ito kapag umaakyat na sa stage para sumayaw.

Sumilip siya sa mga nagsasayaw. Tila balewala na sa mga ito ang maghubad sa harap ng maraming tao. Hiyawan at tilian naman ang mga costumers. Palakpakan kapag malaki ang kargada ng dancer. Iniipitan ng pera ang briefs ng mga ito.

Saglit na nalibang si Arnald. Pakiramdam niya ay nasa ibang bahagi siya ng mundo.  Ang hindi niya sukat akalain ay may mga babae rin palang pumupunta sa ganitong lugar. Hindi lang mga matrona at bading. Mga tunay na babae at ang iba ay nakadisente pa ng suot. Magaganda at bata pa ang ilan sa mga ito, at sila pa ang pinakamalakas tumili.

May naglaro sa isip ng binata. Napangiti siya lalo na nang makita na niya ang kargada ng halos lahat ng dancer na sumayaw. Walang binatbat sa kargada niya ang mga ito.

 

ITUTULOY