Skip to main content

Promdi (Part 4)

Nobela ni AMANDA

(Ika-4 na labas)

NANG bumalik sina Abner at Mamita ay nakangiti na ang bading.

 “Magpalit ka na,”  sabi ni Abner.” Gamitin mo muna itong shorts ko.”

“Kung hindi ka lang kaibigan ni Abner, di ako papayag na matrona lang ang teteybol sa iyo. Allergic ka raw kasi sa bakla. Echoserang palaka!” pairap na sabi nito saka tumalikod.

Ang hindi inaasahan ni Arnald ay aakyat din pala siya sa stage para ipakilala kasama ng ibang hindi dancer. Hapit na maong shorts at sando ang suot niya. Nang ipakilala siya ay lumakas ang hiyawan at palakpakan.

Ayon sa instructions sa kanila ay kailangan nilang lumapit sa mga mesa. Hindi nakaiwas si Arnald na hindi mahipuan ng mga bading. Ngunit may kapalit namang pera na isinisiksik sa bulsa ng kanyang shorts. Pati ang mga babaeng costumers ay nakikihipo na rin. Pinagbigyan niya ang mga ito.

“Wow, ang laki!” kinikilig pang sabi ng isa.

Dahil sa kahihipo ay saglit na nag-alburoto ang manoy niya. Sikip na sikip na ang pakiramdam ni Arnald dahil sa hapit na shorts kaya binuksan niya ang zipper na lalong naging sanhi upang makabuwelo ang kanyang alaga.

Sa isang sulok ng club ay may dalawang sexy na halos luwang-luwa na ang mga dibdib sa kasuotan. Parehong mahaba ang buhok ng mga ito. Nagpakilala ang dalawa sa kanya ngunit mas naakit siya sa nagpakilalang Jasmine. Ang isa ay si Bhea.

“Puwede ka  ba naming maiteybol,” kiming tanong ni Jasmine.

“Sure,” walang gatol na sagot ni Arnald at mabilis na umupo sa gitna ng dalawa. Dyakpot, naisip niya. Binigyan siya ng maiinom ng dalawa ngunit bihira siyang kausapin ng mga ito. Tahimik lang ang dalawa. Hindi rin siya gaanong nagsasalita. Ibinaling na niya sa pag-inom ang atensyon ngunit palihim niyang pinagmamasdan ang kabuuan ng dalawa, lalo na si Jasmine.

Makikinis at mapuputi ang kutis ng dalawa. Halos perpekto ang hugis ng mga hita. Bagama’t nagkukuwentuhan sina Jasmine at Bhea ay hindi masyadong maunawaan ni Arnald ang pinag-uusapan.  Di niya matukoy kung anong probinsiya ang ganoong dialect. May aketch, tienes at kung anu-ano pang tila nirambol at binaliktad na mga salita.

“Would you mind kung mag-VIP tayo.”

“Sure,” lihim ang naging tuwa ni Arnald.

Dyakpat talaga. Dalawa pa. At dahil nakainom ay malakas na ang loob niya. Pagdating sa VIP room ay inakbayan niya si Jasmine na nagparaya naman. Nang hindi na siya nakatiis ay hinalikan na niya ito habang dinadama niya ang malulusog na dibdib nito. Nagparaya na si Jasmine nang ibaba ni Arnald ang blouse nito. Hindi nagpahuli si Bhea. Inilantad na rin nito ang nagtatayuang dibdib. Iginiya pa nito ang kamay ng binata patungo sa dibdib.

Pinagsawaan niya ang dibdib ng dalawa. Nagparaya na rin siya ng tanggalin ni Bhea ang shorts niya pati briefs. Nagkatinginan ang dalawa nang umigkas ang kargada niya. Makahulugang ngiti ang sumilay sa mga labi ng mga ito.

Nagulat pa si Arnald nang biglang isubo ni Jasmine ang kanyang kargada. Napaungol siya sa matinding sensasyon. At habang nilalaro ng mga labi at dila ni Jasime ang manoy niya ay isinubsob naman ni Bhea ang dibdib sa mukha niya. Iyon naman ang pinaglaruan ng kanyang mga labi at dila.

Tinangka ni Arnald na damhin ang hiyas ni Jasmine ngunit umiwas ito. Pakipot, naisip ng binata. Ganoon din si Bhea. Gayunpaman ay hinayaan siya nitong himasin ang mapuputing hita hanggang sa matambok na pang-upo. Ngunit talagang ayaw ipakapa ang nasa pagitan ng mga hita.

Nagpalit ang dalawa at si Jasmine naman ang humalik kay Arnald at si Bhea ang sumubo sa kargada niya. Mahuhusay at bihasa ang mga labi at dila ng dalawa. Kaya’t kahit anong pagpipigil niya ay hindi na niya nakayanan ang matinding sensasyon. Pumulandit ang kanyang katas sa loob ng bibig ni Bhea. Tila walang anumang nilunok nito ang kanyang katas.

Hindi pa rin humuhupa ang init sa katawan ni Arnald. Nanatili pa rin siyang matigas. Hindi na siya nakapagpigil. Naging mapusok na siya. Gusto niyang matikman ang dalawa nang totohanan. Bigla niyang ipinasok ang kamay sa pagitan ng hita ni Jasmine. Dinama niya ito upang magulat lamang. Dahil may nakapa siyang matigas at nakabukol! 

May sariling kargada si Jasmine. “B-bakla ka?” gulat na tanong niya.

Naghagikhikan ang dalawa. Napatingin siya kay Bhea. “Akhets din. Di mo ba knows?”

“Don’t worry. Ilang panahon na lang at operada na kami kaya wala ka nang makakapa,”  halos panabay na sabi ng dalawa at saka nagtawanan.

Biglang nawala ang init sa katawan ni Arnald. Dali-dali niyang isinuot ang shorts at nagmamadaling lumabas ng VIP room. Dumiretso siya sa CR at doon ay dumuwal nang dumuwal. Inabutan ni Abner na pangiti-ngiti.

“Ayos ba, ‘tol?” tila nakakalokong tanong ni Abner at saka nagsindi ng sigarilyo.

Nang humupa ang pagduwal ni Arnald ay hinarap niya si Abner. “Pambihira ka naman, ‘tol. Bakit di mo ako sinabihan na mga bakla pala ‘yun?”

“Hindi ka naman nagtanong. Bigla kang umupo sa table nila,” tatawa-tawang sagot ni Abner. “Akala ko naman ay nahalata mo.”

“Sino ba namang mag-aakalang bakla pala ang mga iyon. Babaing-babae ang itsura.”

Napailing si Abner. “’Yan ang napapala mo sa paninirahan sa bundok. Madaling maloko,” sinundan nito ng tawa ang sinabi. “Salita pa lang ay halata na sila. Ganoon kung mag-usap ang mga bading. May sarili silang lengguwahe.  Kaya kahit iniipit nila ang boses nila, dapat nakahalata ka.”

Ayon sa kuwento ni Abner, regular costumer nila sina Jasmine at Bhea. Kilala at sikat ang mga ito sa gay circle, at mayayaman. Medyo nawala ang pandidiri ni Arnald. Kahit paano ay hindi pala basta-bastang bakla ang dalawa.

Biglang naisip niya na makipagkaibigan sa dalawa. Mayaman pala. Baka matulungan siyang magkatrabaho.

Lumabas ng comfort room si Abner dahil toka na nito para sumayaw. Pinasadahan ni Arnald ng tingin ang sarili sa salamin. Inayos ang buhok at lumabas na rin at ang balak ay mag-sorry kina Jasmine at Bhea. Ngunit nakita niya ang mga itong papalabas na ng club may kasamang lalaki. Napailing na lang siya.

Madaling-araw na nang magsara ang club. Ipinatawag si Arnald ni Mamita. May iniabot ito na sobre.

“Akala ko ba allergic ka sa bakla? Heto, ipinabibigay ni Jasmine. Pasens;ya ka na raw kung di na sila nakapagpaalam sa ’yo dahil sinundo na sila ng mga dyowa nila,” paismid na sabi ni Mamita.

“A-ano ho ito?”

“Pera, ano pa? Maarteng probinsiyano! Bibibigay rin pala!” Tumalikod na si Mamita.

Binilang ni Arnald ang laman ng sobre. Limang libong piso at may calling card pang kasama. Kay Jasmine. May nakasulat sa likod: “Thank you. Hope to see you again...” 

 

ITUTULOY