Skip to main content

Promdi (Part 5)

Nobela ni AMANDA

(Ika-5 labas)

IBINULSA ni Arnald ang sobre matapos makita ang laman. Marami-rami rin iyon. Napabuntong-hinga siya at napailing. Unti-unti na siyang naguguluhan sa mga nangyayari sa kanya. Hindi ito ang pinangarap niyang buhay, ngunit nakapagtatakang tila nagugustuhan na niya.

Ngayong may pera siya, nagplano siyang dalawin muna si Judith.

                                                              **

MAG-AALAS OTSO na nang gabi nang dumating sa Legaspi Bus Terminal si Arnald. Antok na antok pa rin siya kahit pa sabihing nakatulog siya sa bus habang nagbibiyahe. Mula sa gay bar ay nagpaalam lang siya kay Abner. Kumuha ng ilang damit at saka siya sumakay ng bus papauwi ng Bikol. Naisip niyang sorpresahin si Judith kaya hindi niya ito tinawagan o tini-text. Ang balak niya ay yayain ito sa isang hotel.

Hindi na rin siya dumaan sa kanila dahil mga dalawang araw lang siya sa Bikol at babalik kaagad siya ng Maynila. Talagang miss na  miss na niya si Judith.

Sa isip pa lang ni Arnald ay nabubuhay na ang kanyang dugo. Naglalaro kasi sa kanyang imahinasyon ang makikinis at mapuputing hita at dibdib ng nobya. Babawi siya, naisip niya. Ipapatikim niya rito ang mga natutunan niya kay Lily.

Ang sabi sa kanya ni Lily kapag nagtatalik sila, kailangan daw ng isang babae ang estilo sa kama. Hindi puwede ‘yung pasok kaagad at putok. Kailangan ang matinding foreplay para maabot nito ang sukdulan ng init.

Itinuro rin nito sa kanya kung saang parte ng katawan ng babae ang kiliti at spots na nagdudulot ng matinding sensasyon. Ang paghalik daw sa tainga at pagbulong ng matatamis na salita ay lalong nagpapagana sa babae.

Ang dibdib ay hindi lang kailangang lamasin kundi kailangang halik-halikan at kagat-kagatin upang lalong ganahan ang babae, at ang pinakamahalaga ay ang paghalik doon mismo sa flower. Kailangan daw hanapin ng lalaki ang maliit na tuldok sa bukana ng hiyas at iyon ang laru-laruin ng dila. Iyon daw kasi ang pinakamatinding spot ng halos lahat nang babae.

Kapag ipinasok na raw ang manoy ay kailangang kontrolado ang ritmo ng indayog. Hindi kailangang magmadali ang lalaki upang hindi mabitin ang kapareha.

Natutunan lahat ‘yun ni Arnald kay Lily at halos ma-perfect na niya. Iyon ang ipapatikim niya kay Judith ngayong gabi. Sa puti at kinis ng kutis nito ay sisimsimin niya at hahalikan ang lahat nang sulok ng katawan nito. Umigkas ang kanyang kargada sa isiping iyon habang nakasakay siya sa traysikel na maghahatid sa kanya sa hotel. Doon na niya tatawagan si Judith para surprise.

Ngunit siya ang nasorpresa. Tila iniaadya talaga ng pagkakataong matrapik sa daan patungo sa hotel na sinabi niya sa tricycle driver kaya doon sila dumaan sa may mga hilera ng mga restaurant na tumutumbok patungong airport road. Dahil nga kasi matrapik kaya pahintu-hinto ang traysikel. Nang mapatapat sila sa isang restaurant ay kitang-kita niya ang isang sorpresa na halos nagpatigil sa kanyang paghinga. Papalabas si Judith at ang isang lalaking halos kasing-edad din nila!

Masayang nagkukuwentuhan at nagtatawanan ang dalawa. Hindi guwapo ang lalaki ngunit hindi rin naman pangit. Ngunit mahahalata sa bihis at aura nito ang tiwala sa sarili at marangyang buhay. Nang umusad ang traysikel ay nagtatalo pa rin ang isip ni Arnald kung bababa siya at kukomprontahin ang dalawa, o aalis na lang siya.

“Pare, sandali!” pasigaw niyang pigil sa traysikel driver.

Tumigil naman ang traysikel at sinundan nito ng tingin ang tinatanaw ni Arnald. Patungo na sa parking lot sina Judith at ang lalaking kasama. Nagulat pa siya nang lumitaw mula kung saan ang mga bodyguard ng lalaki. Ipinagbukas pa ng  kotse.

“Si Juancho ‘yun. Pamangkin ni Mayor. Kilalang babaero pero pinaka-right hand ni Mayor ngayon,” sabi ng tricycle driver.

Napatiim-bagang si Arnald. Mula sa salitang babaero na sinabi ng driver ay tuluy-tuloy nang naglaro sa isip niya ang mga nakakatuksong eksena. Dahil babaero si Juancho ay tiyak na natikman na nito si Judith. At dahil eksperto na sa kama ay tiyak na nasiyahan nang husto ang kanyang nobya.

Noong may nangyari sa kanila ni Judith, hindi nga matiyak ni Arnald kung nasiyahan ito sa ginawa niya kasi nga bagito pa siya noon. At dahil babaero si Juancho ay tiyak na nagawa na nitong paibigin si Judith nang higit pa sa damdamin nito sa kanya noon. Mayaman si Juancho. Siya ay walang trabaho. At kung hindi pa nga sa mga baklang kumuplang sa kanya sa gay bar ay baka walang laman ang kanyang wallet ngayon.

“U-umalis na tayo,” utos niya sa drayber. Hindi namalayan ni Arnald na basang-basa na pala ng sariling luha ang kanyang mukha. Wala na ring saysay kung kukumprontahin pa niya si Judith. Magmumukha lang lalo siyang kawawa.

Matinding galit ang namumuo sa kanyang dibdib. Gusto niyang magwala. Sugurin si Juancho. Suntukin ito o patayin. Ngunit alam niyang mali. Isa pa ay baka siya pa ang mapatay dahil may mga baril ang mga bodyguard nito.

Upang mailabas ang sama ng loob ay pinahinto niya ang traysikel at saka sumigaw nang ubod ng lakas. Mabuti na lang at bakante at walang kabahayan ang lugar na iyon. Ibinalibag niya ang cellphone at nadurog iyon nang tumama sa pader.

Hindi sa hotel nagpahatid si Arnald kung hindi sa isang night club. Gusto niyang maglasing at makalimot. Sunud-sunod ang kanyang pagtungga ng alak. Nagngingitngit pa rin ang kanyang kalooban.

Lalong tumitindi ang nararamdaman niyang galit. Galit kay Judith dahil sa pagiging taksil nito at galit sa kanyang sarili dahil iniwanan niya ito at binigyan ng pagkakataong makakilala ng ibang lalaki na mas higit sa kanya. Galit sa mundo dahil sa mga kakulangan niya. Dahil kung isinilang siguro siyang mayaman ay baka hindi niya pinagdadaanan ang ganitong sitwasyon.

Wala sa loob na naibato ni Arnald ang bote ng serbesa dahil sa matinding poot kasabay ang isang matinding hiyaw. Natigilan ang mga tao sa loob ng club nang sumambulat sa sahig ang nabasag na bote. Tila nawala naman siya sa sarili. Nang may papalapit na isang lalaki ay binigwasan na kaagad niya ito ng suntok. Ang lahat nang galit ay ibinuhos niya rito. Hindi niya alintana ang mga suntok ng mga bouncer na nagtutulung-tulong na para payapain siya. Hanggang magdilim na sa kanya ang lahat.

 

ITUTULOY