Skip to main content

Promdi (Part 8)

Nobela ni AMANDA

(Ika-8 labas)

SOBRANG nanghinayang si Arnald. Akala niya ay matitikman na niya si Rose. Hindi rin naman nagpumilit si Mrs. Sison nang tumanggi ang dalaga. Kaya wala siyang nagawa kung hindi umuwi na lamang. Hindi na muna siya papasok sa gay bar ngayong gabi. Tutal ay medyo malaki ang ibinigay sa kanya ng biyuda.

Muling pumikit si Arnald ngunit talagang mailap ang antok sa kanya. Tumayo ang binata at tinungo ang refrigerator. Nagbukas siya ng isang beer at tinungga niya kaagad iyon. Marami nang nabago sa buhay niya mula nang pumasok siya sa gay bar.

Iginala niya ang tingin sa kabuuan ng di kalakihang apartment na inuupahan nila ni Abner. Hindi ‘yun kalayuan mula sa dating tinitirahan nila. Nakabili na rin siya ng TV at stereo. Isang secondhand na refrigerator at saka ilang gamit sa bahay. Gayunpaman, tinitiyak ni Arnald na makakaipon siya ng pera kaya nagbukas siya ng savings account, na ngayon ay may malaki-laki na ring halaga.

Hindi pa niya nauubos ang beer ay may narinig siyang katok. Naisip niyang baka si Abner. Baka may nakalimutan kaya bumalik. Tinungo niya ang pintuan. Laking gulat niya nang mapagsino ang kumakatok.

“Lily? Kailan ka dumating?”

“Kanina lang,” hindi na nito hinintay pang papasukin niya. Tuluy-tuloy ito sa loob at nanlalaki ang mga matang iginala ang paningin sa kabuuan ng apartment.

“Wow. Big time ka na pala, tsong!” nakangiting biro nito.

“Anong big time. Ganoon pa rin,” sagot niya na sinundan ng tawa. “Tamang-tama ang dating mo. Hindi ako makatulog. Inom tayo.”

Hindi matapus-tapos ang kanilang balitaan. Namatay rin pala ang mga magulang ni Lily kaya ito natagalan sa probinsiya. At dahil hindi kaagad nakadilihensiya ng pamasahe, hindi rin kaagad nakabalik.

“Akala ko ay pinagtataguan mo na ako dahil big time ka na,” may bahid ng tampo ang tinig ni Lily. “Panay ang tawag at text ko sa ’yo.”

“Pasensiya ka na. Hindi ko kasi na-save number mo kaya nang magkaroon ako ng bagong phone ay hindi kita natawagan. Hindi rin pala alam ni Abner ang number mo,” pagsisinungaling ni Arnald, ngunit ang totoo’y nawala na kasi sa isip niya si Lily kaya hindi na niya hinanap pa ang number nito.

“Hindi ko alam kong matutuwa ako sa mga nangyayari sa ’yo ngayon o malulungkot,” pag-iiba ni Lily ng usapan.

“Bakit naman?”

Isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Lily bago nagsalita. Malungkot na napailing saka tinungga ang beer. “Akala ko pa naman noon, maiiba ka. Kinain ka na rin pala ng sistema,” punung-puno ng damdaming sagot nito. “Akala ko,  dahil may pinag-aralan ka, hindi ka matutulad sa amin na mula sa probinsiya ay lumuwas ng Maynila para makipagsapalaran pero heto ako ngayon. Isang pokpok. Si Abner, at ngayon, ikaw naman.”

Napatiim-bagang si Arnald sa narinig. Sapul siya sa sinabi ni Lily. Gusto niyang magpaliwanag. Gusto niyang sabihin ang totoong dahilan kung kaya’t pumasok siya sa gay bar. Gusto niyang makaipon kaagad ng pera. Gusto niyang ipamukha kay Judith na nagkamali ito ng pagtataksil sa kanya. Gusto niyang bumakasyon sa probinsiya na may kotse at may maipagmamalaking sariling bahay at lupa rito sa Maynila. Ngunit natatakot siyang sabihin kanino man ang mga dahilang iyon.

Inakbayan niya si Lily. “Ikaw, nagbakasyon ka lang naging senti ka na. Uminom na nga lang tayo.”

Nag-bottoms up sila. Muling nalibang sa kuwentuhan.

“Siguro ay hindi mo na ako papansinin ngayon dahil may pera ka na,” pabirong pakli ni Lily.

Sandaling natigilan si Arnald. Napatitig kay Lily. “Sobra ka naman. Hindi naman ako gano’n. Saka sa dami ng atraso ko sa ’yo pupuwede ba namang hindi kita pansinin?”

“Talaga lang, ha?” makahulugan at may kasabay na ngiti ang sagot ni Lily. Gumapang ang kamay nito patungo sa nakabukol ni Arnald sa harapan. “Na-miss ko ito.”

Nahulaan na ni Arnald ang gustong mangyari ni Lily. Sandaling pinakiramdaman niya ang sarili. Kaya pa ba niya pagkatapos ng matinding laban nila ni Mrs. Sison kanina? Kumislot ang kanyang manoy. Palatandaang kaya pa nito ang nakaambang hamon.

“Mamaya. Inom muna tayo,” sagot ni Arnald na sinundan ng tawa.

“Dapat lang, ‘no? Ang tagal ko rin yatang naging tigang sa probinsiya,” humahagikhik na sagot ni Lily.

                                                                  **

NAGULAT pa si Arnald ng maramdaman niyang kakaiba ang sigla ng ng kanyang manoy. Tikas na tikas pa rin ito at tila tulos ng bandilang wumawagayway sa gitna ng laban nila ni Lily. Iba talaga ang epekto ng murang katawan. Bagama’t medyo napagod siya kanina sa laban nila ni Mrs. Sison ay nagawa pa rin niyang sumabay sa kapusukan ni Lily.

Bagama’t halatang gamit na ang dibdib ni Lily ay di hamak na nakakagigil pa rin iyong haplusin. Hindi tulad ng kay Mrs. Sison na produkto na ng siyensya. Ang kay Lily ay eksakto pa ang hubog bagama’t malambot na rin. Kung ang ubas ni Mrs. Sison ay maihahambing na sa isang pasas, ang kay Lily ay  makatas na makatas pa rin bagama’t hindi na basal.

Dahil naman sa laki ng kanyang stick ay mistulang virgin pa rin ito at napakislot ang balakang nang tuluyan niyang ipasok. Napakagat-labi si Lily. Halatang medyo nasaktan pa rin. Ngunit saglit lamang ang reaksyong iyon. Mula sa pagkagat-labi ay kusang bumuka ang bibig nito. Napapasinghap dahil sa matinding sensasyong nararamdaman. Ang impit na ungol ay naging impit na daing. Lalong ginanahan si Arnald.

Ipinuwesto niya nang patalikod si Lily at pinasok mula sa likuran. Pabilis nang pabilis ang ginawa niyang pagkadyot habang sapo ng magkabila niyang kamay ang dibdib nito. May pumasok na kapilyuhan sa isip ng binata. Hinugot niya ang kanyang stick at itinutok sa kabilang pinto ng langit.

“Huwag d’yan!” protesta ni Lily. “Wala pa akong pinapapasok d’yan.”

Lalong ginanahan si Arnald. “Sige na. Trip lang.”

“Huwag... ayoko! Hindi naman ako bakla, ‘no?”

Hindi na nagpumilit si Arnald. Tinapos na lamang niya ang kanilang pagniniig sa pamamagitan ng dog style—na paborito rin naman ni Lily.

Halatang natigang nga si Lily at halos hindi na makagulapay si Arnald nang tumigil sila. Dahil sa pagod ay sabay silang nakatulog. Mataas na ang araw nang magising siya. Ang dalaga ay himbing na himbing pa rin. Tinungo niya ang kusina upang magtimpla ng kape. Sinilip niya si Abner. Wala pa rin ito sa kuwarto ngunit alam niya na dumating na ito. Nakita na niya ang pinagpalitang mga damit ng pinsan.

Nahulaan na niya kung nasaan ito. Tiyak na naroroon ito sa kanilang tambayan. Nakikipag-inuman. Wala siyang ng maisip gawin nang araw na ‘yun kaya naisip niyang sumunod sa pinsan. Pagkatapos magpalit ng short pants at T-shirt ay binaybay na niya ang eskinitang papasok sa looban kung nasaan ang dating tinirahan nila.

 

ITUTULOY