Skip to main content

Relasyong bawal ipinagkalat

February 12, 2016

KRITIKAL ang isang 50 anyos na security guard matapos itong pagtatagain ng mister ng dati niyang karelasyong sa Barangay 20 San Jose sa bayan ng  Sarrat, Ilocos Norte noong Pebrero 10. 


Sa police report na natanggap ni P/Chief Insp. Jonathan Papay, tagapagsalita ng Ilocos Norte PNP, nakaupo sa gilid ng kalsada ang biktimang si Amado Lagutan nang sugurin ng itak ng suspek na si Arnold Sioquin, 36.


Lumalabas sa imbestigasyon na kinumpronta ng suspek ang biktima dahil sa mga ipinagkakalat nitong tsismis sa kanilang barangay tungkol sa nagdaang relasyon nito sa misis ng suspek.

Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan sa Gov. Roque Ablan Sr. Memorial Hospital sa Laoag City ang biktima dahil sa maselang kalagayan. Nadakip naman ang nagwawalang suspek na tangan pa ang itak na ipinantaga sa biktima.

EDITOR’S TAKE:

Pag bawal ang relasyon, hindi dapat ipinagkakalat. Higit sa lahat, bawal ang makiapid sa hindi mo asawa.