Skip to main content

Rock climber naging negosyante dahil sa pag-ibig

ISANG part time rock climbing instructor ang Canadian na si Thomas Tong na nagbabakasyon sa Thailand nang makilala ang Thai girl na si Bung Duangnet na isang scuba-diving instructor. Na-in love agad sa dalaga si Thomas, at nagkaroon sila ng relasyon.

Mula noon ay nabago na ang pananaw ni Thomas sa buhay. Kailangan daw niyang magnegosyo para hindi mawala sa kanya si Bung.

Ang problema, walang business background si Thomas at kokonti rin ang puhunan. Kaya nagbukas muna siya ng isang “romantic little store” sa tropical paradise at nagtinda ng shoes, jewellery at kung anu-ano pa. Si Bung ang nag-aasikaso sa stall pag wala siya.

Gayunpaman, sapat lang ang kita ng store sa pang-araw-araw na gastusin ni Bung, at hindi rin mabenta ang kanilang paninda.

Nagpakasal sila ni Bung at nagbalik muna sa Canada si Thomas para magtrabaho.

Habang hinihintay ang immigration paper ni Bung ay nag-import ng mga damit sa Thailand si Thomas at ibinebenta niya sa Canada.

Naging mabenta ang kanyang bagong venture. Later on ay tela na lang ang binibili niya sa Thailand at nagtayo siya ng sariling product line—ang Siamurai. Kinuha niya bilang mananahi ang isang tiyahin ni Bung at isa pang Thailander. Bukod sa mga stalls at festivals, nagbebenta rin siya online.

Matapos ang tatlong taon, matagumpay na ang kanyang clothing line.

“Back then, I was working in a climbing gym and didn’t really have much money saved up. I was more scared to try things or to take a risk. Then I met (Bung) and I realized I can push myself more,” ani Thomas sa isang panayam.

Utang daw niya sa kanyang misis ang magagandang pagbabago sa kanyang buhay.

EDITOR’S TAKE:

Lahat tayo ay nagbabago at nagsisikap para sa pag-ibig. Sa laki ng pagmamahal ni Thomas kay Bung ay marami siyang sinubukan na hindi niya dati ginagawa para lang patunayan dito ang kanyang pagmamahal. Sabi nga, ““When we are in love we seem to ourselves quite different from what we were before.”