Skip to main content

Sad ending sa totoong love story ng sikat na romance writer

NAIULAT kamakailan na ang sikat na romance novelist na si Nicholas Sparks at ang kanyang asawa ay naghiwalay na . Si Sparks, 49, ay maraming bestselling books na naging blockbuster na pelikula sa Hollywood. Twenty-five years na ang pagsasama nilang mag-asawa.

“Cathy and I have separated,” bahagi ng pahayag ni Sparks na ipinalabas ng kanyang Los Angeles publicist. “This is, of course, not a decision we’ve made lightly. We remain close friends with deep respect for each other and love for our children. For our children’s sake, we regard this as a private matter.”

Matatandaan na madalas sabihin ni Sparks na ang kanyang misis na si Cathy Cote ang kanyang inspirasyon at malaking bahagi ng kanyang tagumpay.

“Every morning when I wake up and see my wife – that is the kind of love that I write about in the novels,” pagbabahagi niya noon sa isang panayam ng New York Daily News noong 2013.

Sa isang panayam naman noong 2012 ng website na eharmony ay sina biyang, “All of the female characters I create have many elements of my wife.”

Ang mag-asawa ay may tatlong anak na lalaki at dalawang anak na babae. Nagpakasal sila noong 1989, pitong taon matapos ilathala ang unang aklat ni Sparks, ang “The Notebook”. Ang nasabing akda ay naisapelikula noong 2004 at dito siya nakilala bilang romantic author.

Ang iba pa niyang akda na naging pelikula ay ang “Message in a Bottle”, “The Lucky One” at “Dear John”. Kilala siya sa pagsulat ng mga kuwento ng wagas na pag-ibig, bagaman at sinasabi niyang hindi siya isang love expert at hindi rin siya romantic.

EDITOR’S TAKE:

Maraming fans ni Nicholas Sparks ang nagulat sa balitang ito. Para kasi sa kanila, kung ang isang romantic writer na tulad niya na halos alam na ang lahat nang paraan at anggulo ng pag-ibig ay hindi natagpuan ang kanyang soul mate, paano pa kaya tayo na mga hopeless romantic?

Sa mga kuwento niya ay pinaniwala niya ang mga readers na balang araw ay makikita natin ang “The One” basta matiyaga lang tayong maghintay. Dahil sa nangyari sa kanyang sariling romansa, pakiramdam tuloy natin ay na-betray tayo ng kanyang panulat at mga karakter na nilikha.

Hindi happy ending ang nangyari sa kanyang sariling love story. Isang patunay lang sa kasabihang: “Some good things never last.”