Skip to main content

Sarah umaasang last BF na si Matteo

BATID daw Sarah Geronimo na hindi maaaring diktahan ang hinaharap kaya naman umaasa na lamang siya na si Matteo Guidicelli na ang makakasama sa habambuhay.

Sa pagharap ni Sarah sa media ay hiningan siya ng mensahe para sa kanyang boyfriend na nag-celebrate ng birthday kamakailan.

Aniya, “Maraming salamat sa pagmamahal mo. You are now becoming a man. And I pray that you will continue to seek God so that you will become the man that God has planned you to become. Ako man ang makatuluyan mo o hindi, I love you. I love you. I love you very, very much.”

Nang tanungin kung bakit niya nasabing “Ako man ang makatuluyan mo o hindi” ay sinabi ni Sarah na hindi niya masasabi kung ano ang darating sa kanila ni Matteo.

“Kasi hindi naman natin madidiktahan ang future, di ba, kung ano ang mangyayari in the future,” paliwanag niya. “So, I’m hoping na sana siya na ‘yung huli. Pero siyempre, nagdarasal pa rin tayo na sana kung ano ‘yung will ng Diyos, ‘yun pa rin.”

Pinabulaanan naman niya na may issue sa kanila ni Matteo lalo na sa pagtanggap sa kanila ng kani-kanilang mga pamilya.

“Siyempre sa lahat naman po ng relationship, gusto natin na maging smooth ‘yung takbo, ‘yung flow ng relationship, mag-overflow ‘yung understanding, pagmamahal at acceptance sa bawat isa,” ani Sarah. “Kasi hindi ka magiging masaya completely kung ikaw lang and ‘yung taong ‘yun. So importante na the people around me are also happy for me. And sa side rin niya.”

Si Matteo ang officially na inamin ni Sarah na naging boyfriend niya matapos ma-link kina Rayver Cruz at Gerald Anderson.

EDITOR’S TAKE:

Napakasuwerte ni Matteo kay Sarah. Nasa Pop Princess ang lahat nang katangian ng isang ideal girlfriend. Bukod pa rito, siya rin ang lumalabas na unang BF ng dalaga dahil siya ang tinanggap ng parents nito.

Ipinaglaban din ni Sarah ang pag-ibig kay Matteo. Nang ma-link siya kina Rayver at Gerald ay sinunod niya ang gusto ng parents niya na huwag munang makipagrelasyon. Pero pagdating kay Matteo, ang sinunod na ni Sarah ay ang kanyang puso. Dito niya pinatunayan ang kasabihang pag pumasok na ang tunay na pag-ibig sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod lamang ito.

Kung may maging mali man sa relasyong Sarah at Matteo, o kung magkahiwalay sila, sa ating palagay ay nasa aktor na ang pagkukulang. Ginagawa lahat ni Sarah ang kanyang part bilang girlfriend—at hindi iyon dapat balewalain ng binata. Matteo has everything to gain sa kanilang relasyon.