Skip to main content

Sex kapalit ng pag-aalis ng 'red mark' sa passport

October 5, 2015

NAGHIHINTAY pa ang National Bureau of Investigation sa paglutang ng ilang biktima ng isang security officer ng Ninoy Aquino International Airport na pinipilit makipagtalik ang mga babaing pupunta sa ibang bansa para mawala ang kanilang record.

Sinabi ni NBI Lawyer Abdul Jamar Dimaporo, posibleng may mga biktima pang lulutang para tuluyang ireklamo ang suspek na si Benedict Larcibal na kanilang naaresto sa isang entrapment.

Ang suspek na si Larcibal ay inaresto sa isang motel sa Pasay City dahil sa reklamo ng isang babae. Nabawi sa suspek ang ginamit na marked money.

Sa kuwento ng bikitma, para mawala ang kanyang red mark sa passport at tuluyan nang makabiyahe sa Singapore ay kailangan niyang magbayad ng P35,000 sa suspek. Humingi na rin ito ng ilang oras para makipagtalik.

Aalamin pa ng NBI kung may ibang kasamahan pa ang suspek sa pagsasagawa ng nasabing modus.

EDITOR’S TAKE:
Kapag may mga taong mapagsamantala gaya ng suspek na ito, huwag kayong papayag sa gusto niya at tama lang na isumbong sa mga awtoridad.