Skip to main content

Solenn Heussaff itinatanggi ang kasal sa Argentinian BF?

January 24, 2016

MAY isyu ngayon kay Solenn Heussaff. Noon pa man kasi ay hindi nakikialam ang ngayon ay mister na niyang si Nico Bolzico sa showbiz career ng model/actress kaya hindi naging issue sa kanila ang pagtanggap ng Kapuso actress sa pelikulang Love is Blind kung saan si Derek Ramsay ang kanyang ka-partner. Pero nagpaalam pa rin si Solenn kay Nico bilang respeto sa kanyang mister.

Hindi kasi showbiz si Nico, pero paano raw kaya ang nakasaad sa Facebook account nito na “married to Solenn Heussaff?” Itinatanggi kasi ng aktres ang isyung kasalan sa Argentina, na conflict naman sa FB status ni Nico.

EDITOR’S TAKE:

Well, status lang naman sa FB iyan at hindi big deal. Sa FB kasi ay kanya-kanyang trip lang ang status and not necessarily na ang katotohanan ang nakasaad doon.