Skip to main content

Status ng relasyong Megan Young at Mikael Daez, ano nga ba?

NAPAG-UUSAPAN ngayon sa showbiz ang estado ng relasyon nina Megan Young at ng rumored boyfriend nito na si Mikael Daez. Nabanggit kasi ng beauty queen na malabo pa sa ngayon para sa kanya ang pagpapakasal lalo pa at marami raw siyang binubuhay. Ibig sabihin ay siya ang breadwinner sa pamilya ngayon.

Matapos ang kanyang Miss World stint ay balik-GMA-7 si Megan. Balitang siya ang bida sa remake ng Marimar.

Umalis naman noong April 17 si Mikael kasama si Andrea Torres papuntang Phnom Penh, Cambodia para mag-shoot ng Blood In Dispute, isang bagong mini-TV series na co-produced sa kauna-unahang pagkakataon ng GMA at ng isang foreign TV station, ang Cambodia TV Network o CTN. Mag-i-stay sila roon para sa shooting at promotion ng nasabing serye hanggang May 7.

Noong Holy Week ay magkasama pa sina Megan at Mikael na nagbakasyon sa Zambales kasama ang kanilang mga kaibigan.

Kuwento ng aktor, “Annually nagkakasama-sama naman kaming mga friends. It’s been three or four years na yata na ginagawa namin ‘yun.”

Nang tanungin kung apat na taon na rin ang relasyon nila ni Megan, sagot niya, “Well, I have known her for four years, so, that’s never been a secret naman.”

Hindi naman niya masagot nang diretso ang status ng relasyon nila ng dalaga.

“Tingnan natin pagbalik ko from Cambodia,” paiwas niyang sagot.

EDITOR’S TAKE:

Noong hindi pa Miss World si Megan ay okey ang relasyon nila ni Mikael. Nang makilala siya internationally, mismong ang mommy ng aktres ang nag-deny na GF ito ni Mikael. Mother knows best. Siyempre nga naman, sa stature ni Megan ngayon, makatatagpo ito ng higit pa kay Mikael.

Reading between the line sa pahayag ni Megan na marami siyang binubuhay ngayon, we will not be surprised kung papunta na rin sa hiwalayan ang kanilang relasyon. Iyon kaya ang sinasabi ni Mikael na dapat abangan?