Skip to main content

Sunshine seryoso na mawalan na ng bisa ang kasal nila ni Cesar

February 8, 2016

IBINASURA na ng Quezon City Prosecutor’s office ang mga kasong isinampa ni Sunshine Cruz na Child Abuse (R.A.7610) at Anti-Violence Against Women and Children (R.A. 9262) laban sa asawang si Cesar Montano. Ikinalungkot ng aktres ang naging desisyon ng korte at ngayon ay umaapela siya.

“It’s really hard sometimes to hide your emotions, especially me. I am very transpa­rent person ever since. I don’t deny things; I just wanted to be happy. Kasi pag child abuse case, it’s really impossible to be junked. Parang it’s something na dapat pina-prioritize. So whatever it is, nandiyan naman ang lawyer ko to fix everything,” pahayag ng aktres.

Inaasahan naman niya na magiging maganda ang resulta ng annulment case nila ni Cesar.

“Two years nang naka-file, tinatrabaho ko. I’ve been spending a lot for it because I know and I believe, I deserve freedom, and he also deserves freedom. Para maging masaya na bago man lang ako mag-40 (years old), maging malaya na ako from all of these,” matapat niyang sambit.

Hindi naman siya apektado sa tsikang may bagong anak si Cesar sa ibang babae. Aniya, “It’s none of my business. Sa totoo lang, kahit ano pa ang maging issue sa kanya, it doesn’t matter anymore. It’s none of my business, buhay na niya ‘yan. We’ve been separated for three years, and ang akin lang, sana cooperation na lang sa mga case. ‘Yun na lang, ‘yun na lang talaga. And I just hope he’ll exert more efforts sa kids.”

EDITOR’S TAKE:

Mabagal ang usad ng batas, pero pagdating sa dulo ay nakakamit ng mas nasa panig ng katotohanan ang katarungan.