Skip to main content

Taylor Swift ayaw nang humiwalay sa BF

SISIMULAN na ni Taylor Swift, 25, ang kanyang “1989” world tour sa May 5. Ayon sa ulat ng HollywoodLife.com ay natatakot ang singer na pansamantalang mapahiwalay sa kanyang boyfriend na si Calvin Harris, 31. Two years na ang kanilang relasyon.

“Taylor fears that the romance will dwindle when she’s on tour, especially since she and Calvin won’t be around each other as much. She’s not even that excited to start the tour because she will be away from Calvin for so long,” ulat ng HollywoodLife.com.

Bukod pa rito, problemado rin ang singer dahil sa kanyang inang si Andrea na nakikipaglaban ngayon sa cancer. Ito raw ang mga dahilan kung bakit mabigat sa loob ni Taylor ang gagawing music tour.

Napaulat din na sobrang in love talaga si Taylor kay Calvin, at madalas umagahin ang dalawa kahit nagkukuwentuhan lang.

Umaasa naman ang mga fans ng singer na hindi sila bibiguin nito sa nakatakda nitong world tour at mananatili itong positive sa lahat nang bagay lalo na sa kalagayan ng ina nito.

EDITOR’S TAKE:

Wagas kung magmahal si Taylor Swift at kapag nasa isang relasyon siya ay doon na lang halos umiikot ang kanyang mundo. Pero bilang isang performer, anuman ang pinagdaraanan niya, o kahit malagay muna sa sideline ang usaping pampuso, ay kailangan niyang sundin ang mantra sa mundong kanyang ginagalawan: “The show must go on.”