Skip to main content

Video scandal inamin ng singer

February 14, 2016

MEDYO kontrobersyal ngayon si Michael Pangilinan dahil sa pagkalat ng diumano’y video scandal ng singer sa Internet. Agad namang nagbigay ng pahayag ang singer tungkol dito.

“Simple lang po ang sasabihin ko, hindi ko naman po itinatanggi na ako ang nasa video. Totoo po na ako ‘yon,” pagtatapat ni Michael. “Bata pa ako noon, iyon ‘yung mga panahon na gago pa ako, pero dati po ‘yun, iba na po ako ngayon. May anak na po kasi ako ngayon. So, ayaw kong mag-reflect sa kanya ang mga nangyayari. Gusto kong paglaki niya, wala na siyang iisipin, gusto ko ay mag-aral lang siyang mabuti,” paliwanag pa ng singer.

Makikita sa nasabing video si Michael habang may ginagawa sa maselang bahagi ng kanyang katawan, at tila may ka-chat sa harap ng computer.

Aniya, isang Fil-Am na babae ang ka-Skype niya noong sandaling iyon.

Ayon kay Michael ay mas mainam na aminin na niya ngayon ang pangyayari kaysa mas mapasama pa kung itatanggi niya ito.

“The more na itatago mo iyon at magsisinungaling ka, the more na paglalaruan ka ng mga tao. Talagang handa akong aminin na ako talaga ‘yun. Ang pinakamaganda lang sa nangyari sa akin, ang family ko, friends ko, manager ko, fans ko, thankful ako na nandiyan sila to support me. Kasi kung wala sila, saan ako magsasalita? Kaya thankful ako kay God, kasi alam kong kahit na may problemang dumarating, kahit ganito ‘yung nangyayari sa akin, nandiyan kayo to support me, to guide me, para mas maging madali ang buhay,” dagdag pa niya.

Humingi rin ng paumanhin si Michael sa lahat ng mga sumusuporta sa kanya sa gitna ng kontrobersyang kanyang kinasasangkutan ngayon.

“Life moves on. Maraming salamat sa mga fans kong hindi bumitiw, na patuloy pa rin akong minamahal kahit may kaguluhan akong ginawa in the past. Alam kong mali ang ginawa ko, and I feel sorry for that,” matapat na sambit ng singer.

EDITOR’S TAKE:

When you’re young, you do crazy things. Pero mabuti na ngang inamin na agad niya para tapos na ang issue.