Skip to main content

Wagas na pagmamahalan hindi napaghiwalay ng kamatayan

ILANG minuto matapos bawian ng buhay ang kanyang ina sa edad na 94, sinilip ni Carol Bradford ang kanyang 95-year-old father para ihatid dito ang malungkot na balita.

Kuwento ni Carol, "I leaned over and whispered in his ear, 'Mom has passed, and she's waiting for you in heaven.' I think after that, he knew he had accomplished what he needed, and he felt that he could let go."

Ilang sandali lang matapos kausapin ang kanyang amang si Marcus Yensen noong April 7, pumanaw na rin ito dahil sa heart failure. Ang asawa ni Marcus na si Madelyn Yensen ay binawian naman ng buhay nang mas maaga ng limang oras matapos magkaroon ng seizure. Ang mag-asawa ay nagsama sa loob ng 74 na taon.

"They were always together, and they were always very happy with each other," ayon kay Carol. Lagi raw sinasabi ng kanyang ama na sa kanilang bahay dapat abutan ng huling oras ang kanilang ina, at kailangang laging may nag-aalaga rito sa panahon na bed-ridden ang matandang babae.

Sina Marcus at Madelyn ay ikinasal noong October 17, 1940, isang buwan matapos ang una nilang pagkikita. Nagkakilala ang dalawa nang mag-aral si Marcus ng dance lesson sa studio ni Madelyn. Simula noong 1949 ay nanirahan na ang mag-asawa sa kanilang old-fashioned brick home sa Salt Lake, Utah kung saan pinalaki nila ang kanilang tatlong anak.

Ayon sa anak na lalaki ng mag-asawa na si Byron Yensen, bagaman at masakit umano na mawalan ng ama’t ina sa loob lang ng isang araw, masaya na rin daw siya dahil hindi nagkahiwalay nang matagal ang kanyang parents.

"It would have been very difficult for Mom or Dad to live without the other," saad ni Byron sa Deseret News. "They really loved each other. He didn't want to die and leave her here. He wanted to take care of her."

Si Marcus ay isang World War II veteran at engineer sa Union Pacific Railroad, samantalang si Madelyn ay isang plain housewife.

Ihahatid ang mga labi ng mag-asawa sa darating na May 9 sa St. Paul's Episcopal Church sa Salt Lake City.

EDITOR’S TAKE:

Ito ang halimbawa ng wagas na pag-iibigan na hindi kayang paghiwalayin kahit ng kamatayan.