Skip to main content

Walang respeto sa kadugo

January 29, 2016

NADAKIP na ang lalaking itinuturing na “most wanted person” sa Palawan dahil sa paulit-ulit na paghalay sa sariling kapatid.

Naaresto si Cenon Grimpula, 35, number one sa listahan ng most wanted persons sa Palawan at residente ng bayan ng Quezon, noong Enero 13, sabi ni Supt. Imelda Tolentino, tagapagsalita ng Mimaropa regional police.

Isinilbi ng mga operatiba ng Palawan provincial police sa suspek ang arrest warrant para sa mga kasong statutory rape, four counts of rape by sexual assault, at rape, sabi ni Tolentino sa isang kalatas.

Nag-ugat ang mga kaso sa paghalay ng suspek sa nakababata niyang kapatid mula pa noong 2006, nang ang huli’y 8 anyos pa lamang, hanggang noong 2015, ani Tolentino.

EDITOR’S TAKE:

Dapat talagang mabulok sa kulungan ang mga ganitong klase ng tao.