Skip to main content

Wedding date nina Vic Sotto at Pauleen Luna secret muna

MAY 6, 2015

KAMAKAILAN ay kinulit ng movie press si Pauleen Luna. As usual ay napag-usapan kung kailan ba ang kasal nila ng BF na si Vic Sotto. Pag-amin ng aktres ay may napili na siyang wedding date kung sakaling siya raw ang masusunod.

“Meron na akong naisip na date at sana ay pumayag siya (Vic) kung sakali pero secret na lang ‘yon. Meron talaga, pero hindi naman ‘yon ‘yung parang deadline or something. Napag-uusapan naman ang mga bagay-bagay. Napag-uusapan naman namin ang tungkol do’n. Hindi naman namin idine-deny ‘yon. Nothing final, but we do talk about it,” natatawang pahayag ng dalaga.

Simple wedding lang daw ang wish ng aktres at talagang ipinagdarasal nila ni Vic na matuloy iyon.

“I don’t hope for the grandest things in life. Ang gusto ko lang ay mangyari iyon (wedding). Simple lang kasi kaming dalawa. We’re a very simple couple. I’ve been praying for it. At kahit siya, he has been praying for it also. So, in God’s time, mangyayari ‘yon. We just believe in prayer,” matatas niyang sambit.

Almost four years na ang relasyon nina Vic at Pauleen. Para sa aktres ay hindi na nila minamadali ang pagpapakasal kahit matagal-tagal na rin silang engaged.

“Hindi naman kasi ako mapilit. I just take things as they are. I mean, I just let things unfold. So far, okey naman, one day at a time. Saka ang time naman, hindi ‘yan makapagsisinungaling. I mean, in time lalabas din naman kung ano talaga dapat ang mangyari. So ako, patient naman ako, I’m very confident na one day, magiging plantsadong-plantsado na ang lahat,” dagdag pa ng aktres.

Sa ngayon ay matatag na matatag daw ang relasyon nina Pauleen at Bossing Vic.

“Sobrang solid na ng relationship namin. Three and a half years na kami kaya parang unshakable na ‘yung relasyon namin,” pagtitiyak ng dalaga.

EDITOR’S TAKE:

Sa relasyon ng dalawa ay si Bossing Vic ang naghahabol kay Pauleen. Naibabalita ng mga showbiz reporters kung paano niya ito suyuin at bigyan ng mga engrandeng regalo, gayundin ang parents ng dalaga.

Iba kasi ang sitwasyon ni Pauleen kumpara sa ibang nakarelasyon ni Boss Vic. Bukod sa sobrang bata ito kumpara sa kanya, ayaw rin sa kanya ng parents ng aktres. Ang nanay ni Pauleen ay very vocal sa pag-ayaw sa TV host comedian dahil sa age gap ng magkasintahan.

At sa sitwasyon nila, mukhang si Pauleen ang mayhawak ng desisyon kung magpapakasal ba sila o hindi. Kaya ‘ika nga ng mga miron, nakatagpo rin ng katapat si Bossing Vic.