Skip to main content

Young wife at lover nito na-caught in the act ng biyenan

DINAKIP ng pulisya sa Malapatan Sarangani province sa General Santos City ang isang babae at ang diumano’y kalaguyo nito matapos silang ireklamo ng biyenan ng babae. Ayon sa reklamo ng biyenan, caight in the act niya ang pagtatalik ng dalawa sa loob mismo ng bahay ng kanyang anak.

Sinabi ni Renato Labid na desidido siyang kasuhan ng adultery ang kanyang manugang na si Glory Labid, 25, habang kasong concubinage kay Ranie Basalan, 40, kapwa mga residente ng Lun Padidu, Malapatan, Sarangani.

Ayon sa nakatatandang Labid, pumasok sa bahay ng kanyang anak ang diumano’y lover ng misis nito pasado 11 p.m. ng gabi noong Abril 18. Nakita rin niyang kapwa bold ang dalawa habang nagniniig. Tinawag daw niya ang isa pa niyang manugang para makita rin nito ang kalaswaang ginagawa ng dalawa.

Wala naman ang mister ni Glory dahil kasalukuyang nasa laot at nangingisda. Ang misis naman ni Ranie ay nagtatrabaho sa Maynila kaya akala raw ng dalawa ay walang makakaalam sa kanilang ginagawa.

Itinanggi naman ni Glory ang paratang at sinabing nagsangla lamang ng cellphone sa kanya si Ranie, at hindi totoong wala silang mga saplot sa katawan dahil nag-uusap lamang daw sila sa salas ng kanilang bahay.

EDITOR’S TAKE:

Ika-9 na utos ng Diyos: “You shall not covet your neighbor’s wife.”

Sa kasong ito, sana’y lumabas kung kaninong version of the story ang totoo—ang sa biyenan ba o ang sa manungang.