Skip to main content

Awit Ng Dalawang Puso

Awit Ng Dalawang Puso

Read This Book Online

Publish Date: 

2001

Print Publisher

Harrel Publishing Co.

“Gusto mong malaman ang katotohanan, kapatid ko?” “Dapat lang! Magkapatid tayo, bakit mo sasarilinin ang mga bagay na nagpapasama ng loob mo. Maging matapat ka kahit man lang sa sarili mo!” “Okey, nagkarelasyon ako sa namatay mong asawa. At sa lalaking pakakasalan mo ngayon, matagal kaming lihim na nagsama. Ano, masaya ka na? Ha?” Dalawang puso, magkaiba ang kanilang awit dahil sa pag-ibig ngunit minsan pang pinatunayang mas matimbang ang dugo kaysa tubig...

Bawat Yugto Ng Alaala

Bawat Yugto Ng Alaala

Read This Book Online

Print Publisher

Harrel Publishing

Sex, Crime, Drugs!
Para kay Corona Coronel, ang movie queen, ang bawat yugto ng alaala ay may hatid na kirot at pait. Ngunit nakilala niya si Vernon Aragon, champion golfer, anak-mayaman, at nabigkis sila ng pag-ibig, ng tunay na pagmamahal. Kaya lamang, paano ang bakas ng nakaraan? Mabubura ba iyon sa isang kisapmata lamang?

Huling Tibok Ng Puso

Huling Tibok Ng Puso

Read This Book Online

Publish Date: 

1994

Print Publisher

Harrel Publishing

ISBN: 

971-640-049-7

Lahat ng hibla ng pag-ibig ay pinatay ng poot, ng galit at pagkamuhi sa lumikha ng malagim na gabing iyon. Kaya sumumpa si Leda na hanggang sa huling tibok ng puso, ipaghihiganti niya ang dinanas na kasawian. Pero dumating sa buhay niya si Max, isang abogado. Mabait, maunawain at mapagmahal. Si Sato, ang hapones na nagbigay kay Leda ng lahat ng kaginhawahan... Si Bingo na isip-bata ngunit tapat ang paghanga... at ang tinik na si Congressman Vienes na dumurog sa kanyang kaluluwa at pagkababae. Ito ang isinama niya sa hukay... pagbabayarin niya sa ginawang kahayupan.

Kung Nasaan Ang Puso Mo

Kung Nasaan Ang Puso Mo

Read This Book Online

Publish Date: 

2001

Print Publisher

Harrel Publishing

 Bunga ng pinag-isang tibok at pintig ng puso si Aurora Avilla, ang newcomer na naging best actress sa Film Festival. ...Pero may aninong gustong wasakin ang kanyang tagumpay dahil sa sumbat ng isang madilim na nakaraan. Kaya lang, nakialam ang tadhana. Tulad ng unang pakikialam, para si Aurora Avilla ay patuloy na mabuhay. Kasaysayan ng iba’t ibang mukha ng pag-ibig na iisa ang hatid na aral. Kung nasaan ang puso mo, naroon ang walang hanggang kaligayahan.

 

 

Pagkatapos Ng Luha

Pagkatapos Ng Luha by Joy Reyes

Read This Book Online

Publish Date: 

2000

Print Publisher

Purple Shadow/Harrel

Si Nancy, anak-mayamang umibig at nagkaanak sa isang lalaking may-asawa... Si Jona, katulong na umibig sa anak ng milyonarya. Si Darwin, tinalikuran ang kayamanan at sumama kay Jona... Si Elena, ibinigay ng walang pasubali ang dangal dahil sa pag-ibig. Ang kapalit ng kanilang tapat na pag-ibig ay luha at ang kanilang kasaysayan ay isang pagbubukas ng mata at puso sa mga nagmamahal... Basahin at tiyak na titibok na muli ang inyong puso!

Pusong Markado

Pusong Markado

Read This Book Online

Print Publisher

Harrel Publishing Co.

 

Si Myra, disgrasyada, may dalawang anak ngunit bumangon mula sa pagkakadapa at nakilala si Rodel, basketball star hanggang mabuo ang isang pag-ibig na ang kanilang sumpaan ay kamatayan lamang ang makapaghihiwalay... kaya lang, may isang Gretchen na gustong umagaw sa markadong puso ni Rodel. At sa mismong harap ng altar, patuloy na ipinaglaban ni Myra ang kanyang pagmamahal... dinggin kaya ng Diyos ang kanyang mga daing at pagsusumamo?