Nagkapalit... Nagkatagpong Mga Puso (Part 9)
Nobela ni SEL BARLAM
(Ika-9 na labas)
ANG bilis ng pagbaligtad ng mga pangyayari. Parang kailan lang, pilit niyang hinahabol ang nawalang maaamong oportunidad, ang titulong ‘lucky woman’ at ‘the sort of girl fortune smiles upon’ na akala niya ay tuluyan nang tatangayin ng paglalaho rin sa kalangitan ng mga bulalakaw pero muling ibinalik sa kanya ng isang milyong pisong wala sa kanyang hinagap. At ng isang Evan.
Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 101)
Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA
(Ika-101 labas)
LUMABAS mula sa banyo si Amadeo na walang anumang saplot sa katawan. Nagkatinginan sila.
Natutop ni Iza ang bibig nang mapatingin siya sa nakalawit na tila kasinlaki ng upo sa pagitan ng hita nito. Mahaba, malaki at mamula-mula ang ulo!
Ramdam ni Iza na nanghina siya. Nawalan ng lakas ang kanyang tuhod. Unang pagkakataon iyon na nakakita siya ng isang hubu’t hubad na lalaki, at sa isang napakaguwapo pang nilalang na gaya ng kanyang Senyor Amadeo.
Nagkapalit... Nagkatagpong Mga Puso (Part 10)
Nobela ni SEL BARLAM
(Ika-10 labas)
MATAAS ang perseverance ni Evan pagdating sa paniniwala sa sarili pati na sa mga produkto at serbisyo nito. Malawak din ang interpersonal skills ng binata sa pakikipagkomunikasyon sa mga kostumer, handa sa mga posibleng calculated risks, may magandang motibasyon at may maayos na time management para sa negosyo.
Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 102)
Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA
(Ika-102 labas)
NAPAG-USAPAN ng kanyang mga kapwa kasambahay ang pagsusubo umano ng nota ng lalaki bilang bahagi ng pakikipagtalik, at naeeskandalo si Iza sa harutan ng mga ito. Nang sa kanya na mapatingin si Olga, napayuko siya. Naalala na naman niya ang mataba, mahaba at mapula ang ulong kargada ni Amadeo.
“O, ikaw...” asik sa kanya ni Olga. “Kaya mo ba?”
Nagkapalit... Nagkatagpong Mga Puso (Part 11)
Nobela ni SEL BARLA(
(Ika-11 labas)
AMINADO si Betty, apektado siya ng panunukso sa kanya ni Lory kay Evan. Pero totoong may mga pagkakataong laman naman talaga ng isip niya ang binata at hindi niya iyon maipagkakaila.
Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 103)
Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA
(Ika-103 labas)
SA kauna-unahang pagkakataon ay naging mapangahas si Iza sa kanyang sarili at hinaplos ang kanyang kaselanan. Nang marating niya ang luwalhati at muling mahamig ang sarili ay napatingin siya sa salamin. Parang may nabago sa kanya. Pakiramdam niya ay mas gumanda siya. Namukadkad na parang sariwang talulot ng rosas. Iyon marahil ang resulta ng pagkakatuklas niya sa kanyang pagkababae.
Nagkapalit... Nagkatagpong Mga Puso (Part 12)
Nobela ni SEL BARLAM
(Ika-12 labas)
WALA pa rin si Evan. Hindi pa rin matawagan ang cellphone ng binata. Tanging ang recorded voice ng babaing operator ang paulit-ulit na maririnig at nagsasabing ang subscriber na tinatawagan ay hindi maaaring maabot ng komunikasyon.
Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 104)
Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA
(ika-104 na labas)
IBINALITA ni Amadeo sa ina na sasali ito sa isang songwriting contest. Itinalaga naman ng donya si Iza na umalalay sa anak habang gumagawa ito ng komposisyon.
“Maaasahan po ninyo ang tulong ko, Senyor,” aniya kay Amadeo nang buong pagkamaginoo nitong sinabi na baka mabigatan siya sa mga ipag-uutos nito.
Nagkapalit... Nagkatagpong Mga Puso (Part 13)
Nobela ni SEL BARLAM
(Ika-13 labas)
“SINO ba talaga si Sonya at bakit ayaw mong makipagharap sa kanya, Evan?” Desidido si Betty na mabatid ang katotohanan sa pagitan ng nagdadalantaong babaing pabalik-balik sa compound at kay Evan, na sa kung ilang beses niyang pagtatanong ay nararamdaman niyang hindi nagtatapat sa kanya ang binata.
Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 105)
Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA
(Ika-105 labas)
MULING nakita ni Iza na hubu’t hubad si Amadeo nang lumabas ito ng banyo at bagong paligo. Napatalikod siya para umiwas sa mapanuksong anyo nito.
Naupo sa mesang kainan nito ang senyor. Ni hindi nagdamit. Naramdaman niya ang tunog ng kutsarita na naghahalo sa ginawa niyang kape. Gayundin ang kutsilyo na naghiwa sa inihanda niyang sandwich.
“Marami naman ito,” anang senyor. “Saluhan mo ako, Iza.”
Nagkapalit... Nagkatagpong Mga Puso (Part 14)
Noela ni SEL BARLAM
(Ika-14 na labas)
NAGULAT si Betty nang mapalingon sa kanyang likuran. Pasugod sa kanya si Sonya, na nakaalpas sa di pagpapapasok dito ng guwardiya; nagngangalit ang mga kamao, tagis ang mga bagang, nanginginig sa galit ang buong katawan.
Mabuti na lamang at mabilis na napigilan ito ng mga tauhang naroroon para hindi tuluyang makalapit sa dalaga.
Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 106)
Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA
(Ika-106 na labas)
NAPAIYAK si Iza nang hindi na niya matiis ang nararamdamang tensyon sa nakikitang kahubaran ni Amadeo. Nang tanungin siya nito kung bakit siya umiiyak ay naging matapat siya sa pagsasabing naiilang siya sa nakikita sa amo.
Malungkot na hinawakan siya ni Amadeo sa magkabilang balikat. Hinawakan siya nito sa baba at itinunghay. Halos magkalapit na magkalapit ang kanilang mga mukha.
“Pasensya ka na, Iza. Bahagi ng aking sining ang pagiging hubad...”
Nagkapalit... Nagkatagpong Mga Puso (Part 15)
Nobela ni SEL BARLAM
(Ika-15 labas)
DAMA ni Betty ang mabigat na sitwasyong dinadala ni Evan. Batid din niyang hindi ganoon kadali para sa binata ang pagdedesisyon, lalo pa at may isang munting buhay na nadadamay dahil lamang sa pansariling interes ng mga nasasangkot.
Malungkot na pinagmasdan ng dalaga ang binatang kanina pa nakaupo sa isang silyang nasa isang bahagi ng pagawaan ng kanyang mga bag na katsa.
Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 107)
Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA
(Ika-107 labas)
BAHAGYANG napayapa si Iza nang umagang iyon na hindi na nagpapakita ng kahubaran si Amadeo. Naka-boxer shorts na ito at hindi nakabuyangyang ang dyunyor. Hanggang may maramdaman siyang kakaiba sa sarili.
Parang nami-miss naman niya ngayon na makita iyon...
Hinamig niya ang sarili. Nagiging malaswa na yata ang takbo ng kanyang isip. Nagdesisyon din siyang hindi na muna babasahin ang mga pocketbooks na bigay ni Amadeo para makaiwas siya sa tukso at tawag ng laman.
Nagkapalit... Nagkatagpong Mga Puso (Part 16)
Nobela ni SEL BARLAM
(Ika-16 na labas)
MATATAGALAN pa si Sonya at ang batang nasa sinapupunan nito sa ospital. Kailangan pang madetermina ang maayos na kalagayan ng mga ito sa pamamagitan pa rin ng ultrasound at full OB examination. Isa pang sinusuri ay ang posibleng pagkakahalo ng dugo ng magiging mag-ina sanhi ng car accident.
Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 108)
Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA
(Ika-108 labas)
PINIPILIT ni Iza na kipitin ang kanyang uniporme para huwag mahalata ni Amadeo na wala siyang panty. Kahit nahihirapan siya sa puwesto ay hindi niya ipinahahalata sa amo. Nakapikit naman ito kaya hindi nito halata ang kanyang awkward na position.
Nagkapalit... Nagkatagpong Mga Puso (Part 17)
Nobela ni SEL BARLAM
(Ika-17 labas)
“NGAYONG inilipat na si Sonya sa recovery room, nakahinga na rin ako nang maluwag,” ani Evan nang ganap silang makasakay ni Betty sa kotse, pagkaraang bisitahin nila si Sonya sa tinutukoy nitong hospital unit na may mga special equipment at personnel para sa pangangalaga sa mga pasyente. Ito ay matapos ang mga serye ng pagsusuri ng espesyalistang doktor na may hawak sa kaso ng kababata ng binata.
Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 109)
Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA
(Ika-109 na labas)
NAPAPITLAG si Iza sa pagkagulat nang biglang halikan ni Amadeo ang kanyang kaselanan. Napasigaw siya pero walang boses na kumawala sa kanyang bibig.
Itinigil ni Amadeo ang ginagawa. Tumingin sa kanya. Nagtatanong ang mga mata.
“P-pasensya na po,” nanginginig niyang sambit. “N-ngayon lang po ako nahawakan ng isang lalaki!”
Ngumiti si Amadeo. Nakita ni Iza ang kislap ng kaligayahan sa mga mata nito.
Nagkapalit... Nagkatagpong Mga Puso (Part 18)
Nobela ni SEL BARLAM
(Ika-18 labas)
“NATITIGAN mo na ba ang buwan?” Ang tila ekstra-ordinaryong pagkakatunghay sa kanila ng bilog na bilog na buwan mula sa langit, sa pagkakapuwesto nila sa isang swimming pool-patio-table set sa gilid ng private resort ang nagbigay-ideya kay Evan upang romantikong itanong iyon kay Betty kinagabihan ng unang araw nila sa arkiladong lokasyon.
Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 110)
Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA
(Ika-110 labas)
NANG malaglag sa sahig ang uniporme ni Iza ay hinagod ng tingin na may paghanga ni Amadeo ang kanyang kabuuan. At kahit tinakpan niya ang kanyang dibdib ng kamay ay nagawa pa rin nito na dilaan ang isa niyang nipples.
Napasinghap si Iza. Nagpalipat-lipat naman si Amadeo ng paglalaro ng kanyang nipples sa dila nito. Ang kamay ay marahang humahaplos sa magkabila niyang pisngi ng puwet. Sa ngayon ay alam na niyang mahilig ito sa ganoong kilos.