Skip to main content

Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 200)

Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA

(Ika-200 labas)

MASIGLA ang kanyang misis kinabukasan habang nag-aalmusal sila. May pupuntahan lang daw ito. Ewan ni Arturo kung bakit biglang-bigla ay naging paranoid siya. Hindi kaya may lalaki na ito at doon makikipagtagpo?

“Gusto mong samahan kita?” mungkahi niya rito.

“Sus, sasayangin mo ang araw mo sa opisina ay sandali lang naman ako. Isasama ko na lang ang dalawang bata saka si Yaya,” anito.

Saka lang siya napayapa.