Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 190)
Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA
(Ika-190 labas)
HINDI nagsawa si Arturo sa pagpapadala ng card sa kanyang misis bilang tanda ng kanyang pagsisisi at pagka-miss dito. Tatlong buwan matapos siya nitong iwan ay sumapit ang kaarawan nito.
Hindi siya pumasok noong araw na iyon at nag-file siya ng vacation leave sa kanilang opisina. Ewan pero nagising siyang ang taas-taas ng adrenaline. Para bang may magandang mangyayari.
A Beautiful Love (Part 6)
Nobela ni SEL BARLAM
(Ika-6 na labas)
PARA kay Aliyah, sining ang potograpiya. Isang potensyal na noon sana ay sadyang nais niyang bigyan ng panahon at atensyon at maging propesyon.
Noon pa man, gusto niyang ilagay rito ang isip at puso niya, ang ekspresyon ng kanyang artist’s vision, lalo na para sa maitutulong niyang public awareness sa kagandahan ng kalikasan, na sa pamamagitan pa rin ng kanyang sining, magkaroon ng ideya ang lahat kung papaano ito mapoproteksyunan.
Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 191)
Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA
Book XX
(Ika-191 na labas)
PAGKARATING sa kanilang bahay ay medyo naiilang pa silang mag-asawa sa isa’t isa. Ang kanila namang panganay na anak ay takbo nang takbo sa paligid. Parang sabik na sabik sa bahay na kinamulatan. Halatang na-miss nito ang ibang laruan na hindi nito nadala noong umalis ang kanyang mag-iina.
Lagi naman niyang karga ang kanyang bunsong anak. Pilit niyang ipinadarama rito ang mahaba-haba rin namang panahon na hindi niya ito naalagaan.
A Beautiful Love (Part 7)
Nobela ni SEL BARLAM
(Ika-7 labas)
ANG tagpo sa rooftop na iyon ang simula.
Naging madalas na ang pagbabatian at maliliit na kuwentuhan nina Aliyah at Bryan kapag nagkakasalubong sa pasilyo ng ospital habang hinihintay pa rin ng binata ang resulta ng eksaminasyon nito mula sa Neurology Department.
Madalas, ang pareho nilang pagkahilig sa photography ang nagiging sentro ng kanilang mga usapan.
Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 192)
Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA
(Ika-192 labas)
SA pagkakabukaka ng kanyang misis ay lalong naging malaya si Arturo na dilaan ang hiyas nito. Basambasa agad iyon at waring naghihintay na ng panauhin.
Mahirap para sa kanyang batok at leeg ang ginagawa niyang pagkain sa hiyas ng kanyang misis na nakatuwad ito. Hindi rin niya masyadong mahawakan ang dibdib nito dahil palibhasa’y nakadapa, nakadikit sa kama. Sa puwesto nito ay hindi na nito magawang iangat ang dibdib dahil nakaangat ang bandang puson sa unan.
A Beautiful Love (Part 8)
Nobela ni SEL BARLAM
(Ika-8 labas)
“UY, panay pa rin ang sulyap mo sa Neurology Department kapag napadadaan tayo roon, ah!” isang umaga ay nakangiting tukso ni Cookie kay Aliyah nang lumampas sila sa tinutukoy nitong departamentong sumusuri sa neurological conditions and diseases samantalang patungo naman sa isang rotinaryong ward round para sa mga pasyente sa charity ward na nasa second floor ng ospital.
Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 193)
Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA
(Ika-193 labas)
NANLUMO si Arturo nang matuklasang hindi na tumitigas ang kanyang dyunyor kahit pa ilang beses na iyong isinubo ng kanyang misis. Nagtataka naman ito kung ano raw ang nangyari at hindi siya magkaroon ng erection.
Bumangon siya at pilit kinalmante ang sarili.
“Baka nanibago lang,” aniya rito. “Matagal kasi tayong walang boksing. Sandali lang...”
A Beautiful Love (Part 9)
Nobela ni SEL BARLAM
(Ika-9 na labas)
MARTES, day off ni Aliyah. Napangiti ang dalaga sa text message na natanggap mula kay Bryan. Isang dinner invitation iyon sa paboritong chicken house ng binata na malapit sa bay walk.
Pero aaminin niya, nakadarama siya ng mixed signals, roller coaster na mga iniisip at pagkalito ng emosyon. Inaatake siya ng first-date nerves bagama’t ang mga nararamdaman ay binibigyan niya ng positibong level ng excitement at ng positibo ring antisipasyon.
Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 194)
Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA
(Ika-194 na labas)
KINABUKASAN, sa halip na sa opisina ay sa ospital kung saan siya dinala nang maaksidente siya unang nagtungo si Arturo. Nagtanong siya sa information kung naka-duty si Dr. Ron Millan. Naroon naman daw ayon sa naka-duty sa desk, at itinuro kung saan ang clinic nito.
A Beautiful Love (Part 10)
Nobela ni SEL BAUTISTA
(Ika-10 labas)
MULA sa pagkakaupo sa pandalawahang table na kinapupuwestuhan sa tipanan nilang chicken house sa may bay walk, napangiti nang matamis si Bryan pagkakitang-pagkakita kay Aliyah na papasok sa kilalang kainan kung kaya mabilis na tumayo ang binata para salubungin sana ang dalaga pero hindi inaasahang nawalan naman ito ng balanse sa paglalakad, dahilan upang hindi sinasadyang tumumba sa malapit na mesang okupado ng isang mag-asawang dayuhan na kumakain din sa naturang lugar ng mga oras ding iyon.
Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 195)
Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA
(Ika-195 labas)
HINDI malaman ni Arturo ang gagawin matapos kumpirmahin ng doctor na permanente na ang kanyang pagiging impotent. Sa kawalan ng direksyon ay nasumpungan niya ang sarili na nagbabayad ng tiket sa sinehan para sa isang pelikulang bold.
A Beautiful Love (Part 11)
Nobela ni SEL BARLAM
Book II
(Ika-11 labas)
PATDA pa rin si Aliyah. Ayaw pa ring rumehistro sa kanyang sistema ng rebelasyon ni Bryan, lalo na ang kanyang isip na ayaw paniwalaan at tanggapin ang narinig.
May spinocerebellar degeneration disease ang binata. Isang sakit na mahiwaga, hindi alam ang lunas, nakamamatay.
“H-hindi kaya misdiagnosed lang?” ngayo’y buong pagkaawa siyang nakatitig sa binatang kitang-kita sa mga mata ang lamlam at kawalang-pag-asa.
Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 196)
Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA
(Ika-196 na labas)
MATAPOS lumabas sa sinehan ay nagpalakad-lakad si Arturo para pagurin ang isipan. Hanggang ngayon ay rumirindi sa kanya ang pagiging impotent. Napakabata pa niya para pagkaitan ng kakayahang magpaligaya ng isang babae.
Naisip niya, napakalusog niya pero walang silbi. Isa siyang hunk pero parang puno lang ng niyog ang katabi ng kanyang misis sa mga darating na gabi. Malaki nga ang katawan at mamasel, pero ang pinakamahalagang masel ay ampaw na pala.
A Beautiful Love (Part 12)
Nobela ni SEL BARLAM
(Ika-12 labas)
HINDI nagsisinungaling ang mga sintomas.
Ang unti-unti at progresibong kawalan ng pagtutugma ng dating tulin ng lakad na nauugnay sa mahinang koordinasyon ng mga kamay, mga paggalaw ng mata at maging sa pagsasalita.
Tandang-tanda pa ni Aliyah ang pagkakadapa ni Bryan sa bay walk, hininuha niyang maaaring nang araw na iyon ay nagsisimula na ring mawalan ng maayos na koordinasyon ang muscle movements ng binata.
Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 197)
Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA
(Ika-197 labas)
HANGGANG sa nakapagbihis si Arturo ay sa panonood ng porn movie sa Betamax nakatuon ang atensyon ng kanyang misis. Nahiga siya sa tabi nito.
“Ano ‘yan?” ungkat niya rito.
“Bold film,” kaswal na sagot nito.
“Saan naman galing ‘yan?” kunot ang noong tanong niya.
“Ipinahiram sa akin ng kaibigan ko,” kaswal pa rin nitong sagot. “Ganito pala ito.” At humagikhik ito.
A Beautiful Love (Part 13)
Nobela ni SEL BARLAM
(Ika-13 labas)
TAMA si Cookie.
Si Bryan nga ang nakita ng kanyang kaibigan na isinugod sa emergency room ng ospital. Sa isang bahagi ng emergency room ay nakita ni Aliyah si Mrs. Soler na nasa anyo ang malaking pagkabahala, panay ang lamukos sa mga palad, panay ang agos ng mga luha. Mabilis niyang nilapitan ang ina ng binata upang malaman kung ano ang nangyari rito.
Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 198)
Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA
(Ika-198 labas)
NANG magbalik si Arturo sa kuwarto nilang mag-asawa ay patay na ang TV at ang Betamax. Nakadamit na rin ito.
“Kumain ka na ba?” tanong nito sa kanya?
Gustong uminit ng kanyang ulo pero pinigil niya. Kanina pa siya nito dapat tinanong pero nagwala-walaan lang nang dumating siya at tinapos ang panonood ng porn movie. Ngayon ay tatanungin siya kung kumain na?
A Beautiful Love (Part 14)
Nobela ni SEL BARLAM
(Ika-14 na labas)
“SA tingin ko, dito na ako titira sa ospital. Katulad din ng katotohanang hindi ko na mabubuo ang perpektong buhay na gusto ko dahil nagbago na ang lahat dahil sa sakit na ito.” Nginig ang tinig at mapait na wika ni Bryan nang may malay nang datnan ni Aliyah sa hospital room na pinaglipatan dito mula sa emergency room pagkaraang isugod ito roon.
Katatapos lang ng duty ng dalaga nang silipin ang kalagayan ng binata.
Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 199)
Sinulat ni JOSE LUIS CASANOVA
(Ika-199 na labas)
NAIISIP din ni Arturo ang posibilidad na magkahiwalay silang mag-asawa dahil sa kanilang kalagayan. Bagaman at maganda ang kanilang katayuan sa buhay sa ngayon ay wala ang pinakamahalagang sangkap ng kanilang pagsasama—ang sex, lalo pa nga at pareho silang nasa kainitan. Hindi niya naibibigay sa kanyang misis ang kaligayahan sa kama na dati’y naipalalasap niya rito.
A Beautiful Love (Part 15)
Nobela ni SEL BARLAM
(Ika-15 labas)
MAY option si Bryan ang magpalabas na ng ospital. Hindi na naniniwala ang binata sa paggaling pa mula sa karamdaman, at blangko na ang mga pananaw nito sa lahat-lahat. Maging si Mrs. Soler ay walang nagawa sa desisyong iyon ng anak.
Ngunit hindi si Aliyah. Desidido siyang muling ibalik ang pag-asang pilit tinatalikuran ni Bryan. Hindi siya papayag na hindi na ito muling makipag-interaksyon sa buhay.