Skip to main content

LATEST UPLOADS

Jan 17 2013 - 05:29

“Na-realize ko nang hindi ako mabubuhay nang wala ka. O kung mabubuhay man ako, it would be a pretty, lousy and miserable life…”

If You Say You Love Me
Jan 16 2013 - 09:42

Ang pakiwari ni Aileen was that she had been in love with Joel all her life. Ang kaso, mula pagkabata, she was no more than a pesky friend he had to constantly help out of trouble. Pero hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Aileen. Hindi ba’t mukhang nagseselos si Joel sa masugid niyang manliligaw?
Dagli ring natabunan ang munti niyang tawa nang malaman mula mismo sa kababata na malapit na itong ikasal. That was when she decided na ipagtapat ditto ang inililihim niyang damdamin. Kailangan! Dapat! Kung di ay parang sasabog na ang kanyang dibdib…

All My Life Hinintay Kita
Jan 15 2013 - 07:12

“Hindi ko alam kung ano na’ng nangyari sa akin kung wala ka sa tabi ko palagi. Kung wala ka, hindi siguro mabubuo ang pagkatao ko. Hindi magkakaroon ng kahulugan ang buhay ko.”

It's There All Along
Jan 14 2013 - 09:36

Kung hindi lang disenteng tao si Jude ay hinayaan na niyang malunod sa baha ang antipatikang babaeng ito! Simula nang malaman niyang inilit ni Donna Labrador ang rancho ng kaibigan niya, isang buwitre na ang tingin niya rito. At kung hindi ba ito talaga matapobre, sukat at mapagkamalan pa siyang hamak na ranch hand komo ba sa kubo niya ito dinala dahil napapaligiran sila ng baha. Pero sa kabila ng matinding pagkainis, bakit parang hindi niya kayang paglabanan ang damdaming nag-uutos na ikulong niya ito sa kanyang mga bisig, lalo na ngayong mukha itong maiiyak na parang helpless na batang paslit?

Kung Wala Ka Sa Buhay Ko
Jan 10 2013 - 17:49

“Naniniwala akong mahal mo pa rin ako gaya ng pagmamahal ko sa iyo. Kung patuloy tayong maniniwala sa pag-ibig na nagbuklod sa atin noon, walang hindi natin magagawa.”

Forbidden
Jan 9 2013 - 11:28

Nagngingitngit si Marlene dahil sa biglang balita na ikakasal na si Frank sa isang nagngangalang Elise na ni minsan ay hindi nabanggit sa kanya ng binata. Sinulsulan niya ang ama para gipitin si Frank upang mapikot ito pero hindi nagbunga ng maganda ang strategy niya. Mangyari kasi’y pinautang ito ng Elise na iyon ng pangtubos sa villa. Pero saan naman kaya kumuha ng pera ang bruhilda! Hindi naman biru-biro ang maglikom ng milyun-milyon. Hmmm… mukhang tunay ngang may misteryo sa katauhan ng babaeng iyon. At magagamit niya iyon para mabawi ang kanyang si Frank…

Ang Sinungaling Mong Puso
Jan 8 2013 - 04:31

“Oh, Amber, I love you… It may not be the greatest kind, it may not be the kind that can move mountains, but I know in my heart and mind that I love you, I truly, deeply, love you…”

Amber, The Pretender
Jan 7 2013 - 05:35

Ayaw making ni Carmela sa usap-usapang iba na raw si Fidel --- ang lalaking nakatakda niyang pakasalan. Nang namatay ang kaisa-isa nitong kapatid, ang kanyang maamo, mapagmahal at malambing na kasintahan ay napalitan ng tahimik at bitter na lalaki. Sa kabila ng lahat, nanalig siya kay Fidel at sa kanilang pagmamahalan. Subalit tumutol na ang kanyang mga magulang sa ideyang pagpapakasal niya rito at sa halip ay ipinagkasundo siya kay Benigno. Labis niya iyong tinutulan, hanggang sa malaman niyang nakikiapid si Fidel kay Lorena…

My One And Only Love
Jan 4 2013 - 06:19

“Definitely, kissing you and embracing you are more exciting and satisfying than firing even the most sophisticated gun in the world.”

A Love That Shelters
Jan 3 2013 - 09:59

Hindi lubos na pinaniwalaan ni Arielle ang ipinahayag na pag-ibig ni Alfie lalo na’t hindi niya matanggap na inisip nitong isa siyang mababang uri ng babae. Nakipagmatigasan siya rito hanggang sa nagtungo ito sa Amerika. Gayunpaman, hindi nawala sa kanyang puso ang pag-asang magbabalik ito… Hanggang nabalitaan niyang namatay si Alfie sa isang car accident doon.
Ngayon, habang pinapakinggan ang sonatina na nilikha ni Alfie para sa kanya, saka niya lubusang napagtanto na tunay siyang minahal nito at gayundin siya rito. Pero huli na ang lahat…

Marunong Ka Bang Magmahal?