Skip to main content

LATEST UPLOADS

Dec 2 2012 - 13:09

Mula nang makilala niya si Karl, weird things began happening kay Tara. Naisip tuloy ng dalaga na may hiwagang dala ito sa bilis na rin ng pagkabihag nito sa puso niya.
Mabilis din niyang pinaniwalaan na na-meet na niya ang kanyang destiny sa katauhan ni Karl Remulla. Hindi nga ba’t ang hula sa kanya ay “K.R.” ang initials ng kanyang soulmate? At bahagi na rin ng hiwaga nito, parang nakakalimot siya sa sarili sa tuwing sila ay magkaulayaw… Hanggang minsang ibibigay na niya ang sarili dito ay bigla siyang natauhan nang sa gitna ng tamis ng mga halik na idinudulot nito ay may inusal itong pangalan--- “Christel…”

Tadhana Ko'y Ikaw
Nov 30 2012 - 21:27

“A man could love you… and be contented with just loving you for the rest of his life.”

Miss Wedding Specialist
Nov 29 2012 - 09:06

Nagpanggap na physical therapist si Jessica para matanggap sa pamamahay ng isang sikat na politico bilang pagsunod sa utos ng kanyang editor. Her objective – to find out if Eduardo Fernandez, who had always been too good to be true, had skeletons hidden in his closet. But when Jessica uncovered information about him that spelled sensational news, ayaw na niya iyong ibulgar sa publiko. Ang rason --- mahal na niya ito at ayaw ipahamak. Handa na niyang talikuran ang trabaho nang matuklasan ni Eduardo ang tunay niyang pakay rito…

Kung Ikaw Ay Akin
Nov 28 2012 - 08:12

Para sa mga naghihintay ng true love, walang masama kung aasa, hahaba pa ang buhay dahil, hope springs eternal, ‘ika nga.

My Lovely Bride: Pen-Pen And Leroy
Nov 27 2012 - 07:02

Kasalukuyang ninanamnam ni Camille ang sa wakas ay magandang pakikitungo sa kanya ni Joshua nang marahas na nagising siya sa mapait na katotohanan. Ginamit lang siya nito. Nang mula sa temporary na pagkabulag ay muling nakakita ang binata, bukas-kamay nitong tinanggap ang nobyang si Ruth na noon ay mabilis na naglahong parang bula sa kabatirang bulag na si Joshua at wala nang pag-asa pang makakitang muli.
At siya? Balik siya sa dating papel --- ang lait-laitin at bale-walain nitong lalaking kay tagal niyang lihim na minahal.

Without You By My Side
Nov 26 2012 - 06:42

“I knew it. I just knew it. Tama ka, Cymbie, it’s absolutely love at first sight…”

Heart And Soul
Nov 23 2012 - 06:56

“Mas sweet pa sila sa mga paruparo at bulaklak… That’s one of the sweetest kisses I have ever seen…”

A Kiss From A Butterfly
Nov 22 2012 - 07:25

Tricia and Charie had a lot in common. Isa na roon ang pagkakapareho nila sa tipo ng lalaki. At tuwing nagugustuhan si Tricia ng lalaki, laging siya ang nagbibigay-daan sa kaibigan. Hanggang sa dumating sa buhay nila si Joshua. Una niyang nakuha ang atensyon nito but in a sudden turn of events, naagaw na naman ni Charie ang simpatya nito.
Isang gabi, inimbita niya si Joshua sa bahay nila on the pretext that she needed his help. Naka-bathrobe lang siya nang pagbuksan ito ng pinto. Isang tingin lang niya sa mga mata nito at alam niyang sa labanan nila ni Charie, hindi na siya ang matatalo…

Tanging Ikaw Lamang
Nov 21 2012 - 05:52

“May mga bagay na kahit hindi palaging nakikita ay nararamdaman. Katulad ng pag-ibig ko sa’yo…”

It's Never Too Late
Nov 20 2012 - 07:51

Isang malakas na sigaw ang sumalubong kay Kelly nang buksan niya ang banyo ng bagong nilipatan na condo. Hindi niya alam kung sino ang mas nagulat --- siya o ang lalaking nadatnan niyang naliligo roon. She found out later na co-tenant niya ito. She decided to put up with him, after all, liberated siyang babae. At guwapo si Brent. Kaya na sana niyang tiisin ang pagiging messy nito, isang bagay na labis niyang kinaiinisan. Ang kaso, may mas malaki pa palang shortcoming si Brent… may live-in girlfriend ito.

Nawala Ka Na Sa Akin