Skip to main content

May Langit Ang Bawat Pag-ibig

May Langit Ang Bawat Pag-ibig

Read This Book Online

Publish Date: 

2000

Print Publisher

Purple Shadow/Harrel

Isang puso. Dalawang pag-ibig. Ni sa panaginip ay hindi inakala ni Lira na mangyayari sa kanya ito. Ngunit sadya yatang mapagbiro ang kapalaran. Kasintahan na niya ang kababatang si Aldrin nang makilala ng dalaga sa isang hindi inaasahang pangyayari ang milyonaryong si Neil Falcon. Akala niya ay matatag ang pag-ibig niya kay Aldrin ngunit hindi niya napaglabanan ang fatal attraction ng mayamang binata. Umibig siya kay Neil ngunit wala siyang makitang dahilan para kumalas sa matapat at mabait na si Aldrin. At iniibig pa rin niya ito.

Sapagkat Ikaw Ay Akin

Sapagkat Ikaw Ay Akin

Read This Book Online

Publish Date: 

1998

Print Publisher

Harrel Publishing

ISBN: 

971-640-111-6

Nang mamatay ang kanilang mga magulang, ang mabigat na responsibilidad ng pagdadala sa pamilya ay nalipat sa panganay na si Elisa. Bukod sa gipit nilang kalagayan, natuklasan pa niya na nakasanla ang kanilang lupa at bahay kay Theo Romano at nakatakda nang ilitin ito ng haciendero. Mawawalan sila ng tirahan at kabuhayan. Paano makukumbinsi ni Elisa ang ruthless na haciendero para bigyan sila ng palugit para makabayad? Kailangan gumawa ng paraan ang dalaga, gaano man ito karahas.