Skip to main content

A Celebration Of Love

A Celebration Of Love

Read This Book Online

By

Print Publisher

Harrel Publishing

Childhood friends sina Ria, Angela, Jojo at Chris. Sila ang laging magkakalaro at magkakasama. Nagkalayo lang sila nang mag-migrate ang pamilya nina Chris sa Amerika at doon nagpundar ng business.
Pagkaraan ng ilang taon ay nagbalik si Chris sa Pilipinas to stay for good. Ngayon ay malinaw na rin kay Chris na ang dating closeness niya kay Ria ay hindi lamang basta pakikipagkaibigan kundi dahil mahal niya ito.
Ang problema, sa biglang pagyaman ng mga magulang ni Ria ay naiba na rin ang priorities ng mga ito. Ibig ng parents ng dalaga na ang mapangasawa ng anak ay isang super-mayamang lalaki para matiyak ang paglago ng kanilang kabuhayan.
Paano ipaglalaban ni Chris ang labis na pag-ibig kay Ria lalo at natuklasan niyang pareho silang nagmamahal sa isa’t isa?

Akin Ka Lamang

Akin Ka Lamang

Read This Book Online

By

Print Publisher

Harrel Publishing

Bigla ang pagkamatay ni Rommel, atake sa puso. Sa poder ng kerida nitong si Vanessa yumao ang lalaki. Ang lalong masakit ay dumating ang tunay na asawa ng namatay... si Charina at kinukuha ang bangkay ng lalaking kapwa nila mahal. “Mahal ko si Rommel. Hindi ako papayag na makuha siya. May anak kami,” sambit ni Vanessa. “Mahal ko rin siya kaya ako nagpaubaya na pakisamahan ka alang-alang sa kanyang kaligayahan. Ngayong patay na siya ay karapatan kong angkinin ang kanyang bangkay bilang tunay niyang asawa,” matigas na wika ni Charina. Saan hahantong ang pag-aagawan sa bangkay ng lalaking kapwa mahal ng dalawang babae?

Ang Dalawang Langit Ni Maribeth

Ang Dalawang Langit Ni Maribeth

Read This Book Online

By

Print Publisher

Harrel Publishing

Sa pag-ibig ay nag-iisa lamang ang langit. Iyan ang paniniwala ni Ibet dahil nabigo siya kay Sonny, ang kanyang unang pag-ibig.
Nagpakasal siya kay Rodel para makaganti kay Sonny, na inakala niyang ibinasura siya.
Nagbiro ang tadhana. Nang magbalik siya sa Pilipinas mula sa Los Angeles kung saan sila naninirahan ni Rodel ay nagkita sila ni Sonny. Nabuhay sa kanila ang init ng tunay nilang pagmamahalan. Pag-ibig na humantong sa pagkakasala.
Nagbunga ang kapusukan. Naglihi si Ibet. At kailangang ilihim niya iyon kay Rodel.
Ngayon ay nagdurusa siya, sa takot, sa kung sino ang ipakikilala niyang ama sa isisilang na anak. Isang malaking problema iyon na alam ni Ibet na pagdurusahan niya habambuhay. Dahil alam din niyang walang lihim na hindi nabubunyag...

Ganyan Ka Ba Kung Magmahal?

Ganyan Ka Ba Magmahal

Read This Book Online

By

Publish Date: 

1993

Print Publisher

Harrel Publishing Co.

ISBN: 

971-640-018-7

Nagmahal nang labis si Oliva. Nag-asawa. At nangangarap ng para sa kanilang kinabukasan kaya pumayag siyang mangibang-bansa ang kanyang asawang si Miko. Ngunit si Miko ay pinag-aagawan ng ibang babae at ni KAMATAYAN. Sa katayuan ni Oliva, na malayo sa asawa, paano niya ipaglalaban ang kanyang karapatan? Paano niya tutulungan ang kabiyak?

Hanggang Saan Ang Pag-ibig Mo?

Hanggang Saan Ang Pag-ibig Mo?

Read This Book Online

By

Publish Date: 

2007

Print Publisher

Harrel Publishing

Ordinaryo lamang ang kuwento ng pag-ibig ni Cindy. Minahal niya si Arvin at minahal din siya. Nagtiwala siya rito nang lubos. Unang pagkakasala ni Arvin, dinala siya nito sa motel. Hindi siya pumayag. Ikalawang pagkakamali: May dating nobya si Arvin, ang tisay na si Trixie at buntis ito. Pagkakasala ni Arvin na walang kapatawaran. Ayaw na niya kay Arvin. Ayaw na rin niyang umibig pa. Wala nang isa pang chance para magkabalikan sila. Pero naaksidente si Arvin. Agaw-buhay. Hinihingi nito ang kanyang patawad. Ano ang ipapasya ni Cindy?

Hinihintay: Pag-ibig Na Wagas

Hinihintay: Pag-ibig Na Wagas

Read This Book Online

By

Publish Date: 

2012

Print Publisher

Harrel Publishing