Skip to main content

LATEST UPLOADS

Jun 20 2013 - 02:10

 

“I’ll never say good-bye to you… Until you want me to, I shall stay, with my love that knows no end.”

Kathryn
Jun 18 2013 - 18:31

Laging bahagi ng mga panaginip ni Laura si Edgardo Dineros at di bale nang nahuhumaling ito kay Carlota, ang kanyang malupit na stepsister. Nang hindi nito sinipot si Edgardo sa kanilang balak na pagtatanan, siya ang sinugo ng stepmother niya para sabihan ang binata. May pinupuntirya kasi ang mag-ina na mas matabang isda kaysa kay Edgardo. Nanganga-ligkig sa ginaw sa manipis na kasuotan at ni walang sapin sa paa, tinahak ni Laura ang dilim. Tila dinarang ng apoy ang kanyang balat nang salubungin siya ng yakap at sabik na halik ng binata para mapalitan lamang iyon ng poot at galit nang makilala siya nito. Para siyang hihimatayin sa takot…

 

Ikaw Ay Akin
Jun 17 2013 - 08:02

“I am a real woman. You make me feel like one.”

 

Working Girl: Working For Your Love
Jun 16 2013 - 19:12

Alam ni Veron na dapat siyang pumayag sa proposal ni Dan na magkunwari silang mag=fiancé. Kailangan kasi nito ng babaeng maipapakilalang kasintahan para makuha ang custody ng batang sa tingin ni Veron ay anak nito. Siya rin naman ay kailangang may maiharap na fiancé sa abogado ng kanyang paborito pero weird na lolo para makuha niya ang iniwang pamana ng matanda. Dapat sana ay matuwa siya dahil kusa nang lumapit ang kasagutan sa kanyang mga panalangin. Ang kaso, hindi kaya isinasabak lamang niya ang sarili sa pihong kabiguan, lalo na’t obvious na naghahabol pa rin ang ina ng anak ni Dan?

Nag-Iisang Ikaw
Jun 13 2013 - 08:58

 

PAKIRAMDAM ni Primrose ay nagkulay-mansanas ang kanyang mukha  nang makita niya si Paolo. Salubong ang mga kilay nito habang nakatitig ito sa kanya. Parang anumang sandali ay sasakmalin siya nito.

The Bachelorettes: Primrose, The Architect
Jun 12 2013 - 11:50

Pangako ni Micaella sa sarili na magpapakasal lang siya sa lalaking iniibig niya at umiibig din sa kanya. Kaya malaking dagok sa kanya ang nasa huling testament ng yumaong ama na ipinagkasundo siyang ipakasal sa isang Jose Armando Gonzales. Ang masaklap pa, kilalang playboy ang binata na kaliwa’t kanan ang mga nobya sa Maynila. Para masiguro ang karakter ng lalaking makakasama sa habambuhay, hiningi niya ang tulong ni Teresita. Isa itong babae na kapalit ng tamang halaga ay nagbibigay ng aliw sa mga lalaki. Tuturuan siya nito at sa ganoong paraan niya susubukan ang tunay na pagkatao ni Jose Armando…

Ibigin Mo Lamang Ako
Jun 11 2013 - 06:55

 

“Believe me, kahit nasa ‘yo na ang lahat ng kapintasan, lahat ng physical defects, kahit ikaw na ang pinaka – unromantic at pinaka-mahirap na lalaki sa buong mundo, I’d still find you perfect. I will still be in love with you.”

 

Men In Blue: Perfect Love
Jun 10 2013 - 10:55

Ginawa ni Cathy ang lahat para umiwas sa attraction ng kanyang bagong boss na si Matthew. Baliw nga siguro siya dahil walang babaeng tatanggi sa tulad nitong guwapo, mayaman at maginoo. Ngunit nang minsang kabigin siya ng yakap ni Matthew at maglapat ang kanilang mga labi ay natiyak niyang mahal niya ang binata. Pero espiya siya sa opisina nito at ang tangi niyang pakay at pagnakawan ito ng impormasyon. At gustuhin man niya, paano siya magkukumpisal ngayong nalaman niyang walang mas mahalaga para rito kundi ang katapatan… Naramdaman niyang lalong humigpit ang animo’y taling nakapulupot sa kanyang leeg sa tinuran nito.

Betrayal
Jun 9 2013 - 11:32

Lupaypay na si Tacy nang marating niya ang kuwarto nito sa itaas. Maingat niya itong ibinaba sa kama. Gusto niyang umalis na kaagad pagkatapos niyon ngunit hindi pa rin niya napigilan ang sarili. Naupo siya sa gilid ng kama at maingat na pinagapang ang isang kamay sa pisngi nito. This woman, his friend, radiated a natural beauty, a woman who knew she was attractive but didn’t spend all day thinking about it. Malaki ang respeto niya sa babaeng ito. “Kalimutan mo na si Eric, Tacy,” bulong niya. “Panahon na para tanggapin mo ang katotohanang hindi kayo para sa isa’t isa.” Maagap niyang inilayo ang kamay sa mukha nito nang marinig niya ang mga yabag ng mama nito.

My Lovely Bride: Taciana & Gregorio
Jun 7 2013 - 00:50

Nanigas sa kinatatayuan si Emily nang marinig ang boses na kailanman ay di niya malilimutan. Di niya agad nakita ang mukha nito dahil nasa likuran nito ang liwanag ng araw pero ang maskuladong katawan nito, ang tuwid na tindig, ang itim at medyo kulot na buhok--- “Oh Richard, sabi ko na nga ba’t babalik ka!” masayang sambit niya. Pero natigilan siya dahil hindi ito ang kanyang si Ric, ang lalaking minahal niya nang lubos ngunit nawalang parang bula limang taon na ang nakakaraan. Ang bisita niya ngayon ay si Richard Montelibano, ang tao na pinagkakasanlaan ng kanilang hacienda. Hanggang sa minsan ay hinalikan siya ni Richard…

My One True Love