Skip to main content

LATEST UPLOADS

May 21 2013 - 20:50

Hindi makatulog si Azalea. Bukod sa hindi siya komportable sa kinahihigaang papag ay kung anu-ano pang nakakatakot na pangitain ang gumigiit sa imahinasyon niya. Iyon na kaya ang katapusan niya? May pag-asa pa kayang magkita sila ng mommy niya o ng mga kapatid niya?

The Bachelorettes: Azalea, The Ballerina
May 20 2013 - 10:39

Tiyak ni Denise na maraming babae ang magpapakahangal at gagawin ang lahat marinig lang mula sa mga labi ni Andrei ang mga salitang: “I want you.”
Pero hindi siya. Dahil iba ang gusto niyang marinig mula rito. Ang gusto niya ay pag-ibig – wagas at walang katapusan. At habang patuloy nitong sinasabi how much he wanted her, pero hindi binibigkas ang salitang pagmamahal, lalo lamang siyang nasasaktan. Kaya kailangan niyang lumayo rito dahil parang alak ang mga halik nitong lalong tumatamis habang lumalawig.
Ayaw niyang maging mistress ninuman. Kahit pa ng lalaking mahal niya…

You Made Me Live Again
May 18 2013 - 09:55

“I thought you were beautiful, that’s why I kept on staring at you, Sir…”

Working Girl: Napapangiting Puso
May 17 2013 - 01:42

Pakiwari ni Jessica ay wala na siyang mahihiling pa nang magpahayag ng pag-ibig si Renan. Kaya siya na lamang ang lungkot niya nang makilala ng kanyang ina ang binata at pagkatapos at tuwiran siyang pinagbawalan na muling makipagkita rito. Handa sana siyang suwayin ang di-makatuwirang utos ng ina until she learned the truth. Renan’s father once broke her mother’s heart and it almost destroyed her life.
Jessica knew she should stay away from Renan. Kung ganoon lang sana kadaling utusan ang puso…

Sa Pangarap Kita Mamahalin
May 15 2013 - 19:24

Weird nga yata talaga ang lalaking ito. Kahit ganoon, napansin niyang guwapo ito. Lalo na ng ngumiti ito. At mukhang napakabata pa nito para sa isang kapitan ng barko. Parang nasa late twenties pa lamang ito. He had an innocence about him that did not match his hunky features. But maybe he was married already...

My Lovely Bride: Juliet & Wayne
May 14 2013 - 10:47

Nagdi-dinner si Andrea sa isang restaurant kasama ang kanyang kaibigan nang marinig ang pagtikhim sag awing kanan niya. Sa paglingon ay sumalubong sa kanyang paningin ang isang pares ng mga mata --- the most beautiful pair of eyes she had ever seen in a man.
“Excuse me. I’m sorry to bother you, pero may gusto lang itanong itong anak ko,” anitong tinitingnan ang batang kahawak-kamay.
Hindi alam ni Andrea kung bakit may kumudlit ng panghihinayang sa kanyang dibdib sa narinig. Of course, hindi pa niya alam noon kung gaano kalaking parte ang gagampanan niya sa buhay ni Brent at kung gaano kamali ang kanyang akalang taken na ito…

Narito Ka Sa Puso Ko
May 13 2013 - 09:29

“Where does an angel like you come from?” tanong ni Dodge sa kanya. “I’m no angel…” Kung alam mo lang kung ano ang pakay ko, tiyak na masahol pa sa halimaw ang magiging tingin mo sa akin, Dodge…”

Paalam Sa Kahapon
May 12 2013 - 08:55

Malapit nang mag-give up si Ralph sa paghahanap ng star model para sa big launching ng bago nilang mga beauty products. Ilang libong babae na ang ipinarada sa kanyang harapan ngunit wala sa mga ito ang qualities na gusto niya.
Hanggang sa makita niya ang larawan ni Nikki. Right there and then, ipinasya niyang ito na ang mukhang magbibigay tagumpay sa promotion ng kanilang produkto. At nang makaharapan niya ang dalaga, her beauty took his breath away.
All of a sudden, hindi na sure si Ralph kung gusto pa niyang iparada sa mundo ang kagandahang parang nais na lamang niyang solohin…

Ikaw Lang, Mahal Ko
May 9 2013 - 19:37

“I always have sweet dreams because I always dream of you.”

Working Girl: Throw Your Arms Around Me
May 8 2013 - 23:32

Kenneth never knew what hit him when he first saw Annette Esguerra. He was completely enthralled with her. Kilala ito sa buong campus dahil bukod sa matalino at maganda ay anak ito ng isang kilalang senador. Ganoon na lang pagkainggit sa kanya ng mga kaibigan nang unti-unti siyang mapalapit sa dalaga. Ganoon na lang ang pagkadismaya niya when, without mincing words, his father expressed his disapproval for the girl of his choice. Iyon ay dahil sa isang bagay na hindi kayang baguhin ni Annette kahit gustuhin man nito…

Until I Met You