Skip to main content

LATEST UPLOADS

Jul 22 2013 - 23:57

Panahon ng Hapon noon at sa gitna ng pagtitiis at maraming pagdurusa, ang tanging nagbibigay-lakas kay Sylvia para paglabanan ang hirap at kalungkutan ay ang pag-asa na muli silang magkikita ng nobyong si Fernando. Hanggang isang araw sa ospital na kanyang pinaglilingkuran, ipinasok ang isang paralitiko. Laking gulat niya nang makilala ang kababatang si Anita. Ngunit hindi pagkagiliw ang ipinakita nito sa kanya kundi pagkailang at poot. Nagkaroon ng kasagutan ang tanong niya sa isip nang bumisita, ang fiancé nito… na walang iba kundi ang kanyan Fernando…

 

Ikaw At Ako... Hanggang Sa Wakas
Jul 18 2013 - 10:46

 

Muntik nang mapahiyaw sa tuwa si Jade  nang pagbukas ng mga mata niya ay makita niya si Darwin.

“P-pero hindi ba patay ka na?”

“I’m alive and kicking. And I missed you like hell.”

Mahigpit niya itong niyakap at sinimulang halikan. Nagtaka siya nang maramdaman ang pag – aatubili nito pero hindi niya ito binigyan ng pagkakataong makawala. Sa pamamagitan ng maalab na halik ay ipinadama niya ang pangungulila at pagmamahal dito. Mapusok itong tumugon bago muling lumayo.

“Don’t…! I need you, Darwin.”

“But my dear, I am not Darwin…”

 

Always And Forever
Jul 16 2013 - 22:19

 

“Mapalad ako na napadpad sa islang ito na kasama ng isang napakagandang babae. God knows how much I try to control myself, but I can’t help it.”

 

Limutin Man Kita
Jul 14 2013 - 20:08

 

“Isa lang ang langit na alam ko, Araceli. At iyon ay ang matikman ang mga labi mo.”

 

Kisses For Sweet Araceli
Jul 11 2013 - 23:15

Hindi napigilan ni Alona ang biglang pagsikdo ng kanyang dibdib  nang una niyang makilala ang binata. He was tall, dark and totally masculine. Sa tanang buhay niya ay noon lang siya nag-swoon sa isang lalaki. Lalo siyang nadismaya nang malamang ito si Brett Alejar, ang lalaking aalukin niyang maging nobyo. Tahasang inutusan siya ng kanyang ama na idispatsa na ang fiancé niya. Maghanap na lang daw siya ng tunay na lalaking dominante, matinik at mayaman. Si Brett sana ang balak niyang iharap sa ama para matahimik lang ito habang tuloy pa rin niyang pakakasalan ang kanyang fiancé. Ang problema, paano niya iiwasang mahulog sa sariling patibong?

 

Fiance For Rent
Jul 10 2013 - 22:18

 

“You’ve got me wrapped around your fingers from day one, did you know that?”

 

Working Girl: Sometimes Love Happens
Jul 10 2013 - 00:36

Nakatatak sa puso ni Nestor Madrigal ang paghihiganti – buhay sa buhay, dangal sa dangal. At ngayong nasa kamay na niya si Maria Cristina, ang unica hija ni Kapitan Monteza, matutupad na ang pangakong binitawan sa puntod ng kanyang mga mahal sa buhay. Ngunit punuin man niya ng pagkasuklam at pait ang kanyang dibdib, hindi niya magawang parusahan ang dalaga sa mga kasalanang hindi naman sa kanya. Sa pagkakatitig sa maganda nitong mukha na basa ng luha, may naantig sa puso niya. At bigla, nais na niya itong ikulong sa kanyang bisig at halikan, hindi bilang parusa kundi para palisin ang takot nito…

 

Mamahalin Pa Rin Kita
Jul 8 2013 - 22:21

“I’ve been loving you for so long I don’t even remember when I didn’t.”

Ang Reyna Ng Entablado
Jul 7 2013 - 20:14

 

Noon pa ma’y hindi na ikinatutuwa ni Tristan ang pakikipagkaibigan ng kanyang nakababatang kapatid sa pakawalang si Reine. Ang tingin niya sa dalaga’y masamang impluwensya. Ngunit nang maglayas si Reine at walang ibang matutunguhan, wala siyang choice kundi tanggapin ito sa kanilang pamamahay. Ayaw naman niya itong mapariwara. Pagkaraan lamang ng ilang araw, nais na niyang pagsisihan ang naging desisyon dahil ngayon ay siya naman ang pinupuntiryang landiin ng dalaga. At siya na saksakan ng tanga, parang walang lakas na tanggihan ang mapusok na advances nito…

Fire In My Heart
Jul 4 2013 - 23:36

 

“I want you to be my wife, the mother of my child and the angel by my side.”

 

Angel By His Side