Skip to main content

LATEST UPLOADS

Oct 24 2012 - 07:32

Naiintindihan ni Chona kung bakit malaki ang galit ni Paul sa kanya. Siya ang sinisisi nito sa pagkasawi ng kapatid, ang ama ni PJ. Nang una ay wala siyang pakialam dito at kinatutuwaan pa niya itong asarin. Hanggang sa magising siya isang araw knowing in her heart na ayaw na niyang kainisan siya nito. And her only way out was to tell the truth—hindi siya ang ina ni PJ kundi ang kakambal niyang si Fiona na isang taon nang namayapa. Kaya lang with that comes the risk na baka hindi pa rin siya tanggapin ni Paul at malamang na kunin pa nito ang bata sa kanya…

Ang Lihim Kong Pag-ibig
Oct 23 2012 - 06:19

Diyata’t exhibitionist pa ang lalaking ito! Lalo tuloy siyang nakumbinsing nagkamali siya ng pagkakakilala rito. Iniiwas niya ang mukha rito. “I won’t be enjoying it!” giit niya. “I have an idea, why don’t we sneak in my dorm at doon natin ituloy ang gagawin natin? Malambot ang kama ko.” Ilang saglit itong hindi umimik, tila nananantiya kung seryoso siya. Lihim siyang nagdasal na sana ay bilhin nito ang pagsisinungaling niya. Hinaplos pa niya ang mukha nito para lalo itong mapaniwala na pumapayag na siya sa gusto nito.

My Lovely Bride: Luvimi & Jeric
Oct 21 2012 - 06:01

Tiningala niya ito. “Patas lang tayo. Matagal din yata akong naghintay na sabihin mo sa aking mahal mo ako. Bakit kasi na-in love pa ako sa isang torpe?” Ngumiti ito at hinapit ang baywang niya. “Then let’s call it quits.”

Elysha, The Good Daughter
Oct 19 2012 - 20:01

Jaime was a very bitter, disillusioned man. Resulta iyon ng nagging pagtataksil ng asawa sa kanya before her untimely death. Hanggang sa dumating si Carmina sa buhay niya bilang tagapag-alaga ng kanyang mga anak. She was like a breath of fresh air- unassuming, simple at higit sa lahat, puno pa ng mga pangarap. May rason na siya para talikdan ang nakalipas pero how was he to do that? Naroon mismo sa pamamahay niya ang babae na nagtatali sa kanya sa mapait na kahapon—si Gemma, ang sister-in-law niya at tagapagpaalala ng kataksilan ng kapatid nito…

Akin Ang Iyong Mga Pangarap
Oct 18 2012 - 10:25

Magkamag-anak lang pala ang halik at ang sigarilyo; hindi sapat ang isang stick, nakaka-addict kapag natikman.

Fate's Will
Oct 17 2012 - 05:19

Nash smiled tenderly. Bumaba ang mukha nito sa kanya. He kissed her lips so sweetly at muling bumalong ang luha niya. Suddenly she was certain: she loved him. “Mag-iingat ako, Phoebe,” he said, caressing her cheeks, wiping her tears. “…para sa ’yo.”

Written In The Stars
Oct 16 2012 - 05:22

“When you’re looking at me like that, pakiramdam ko, pang-Miss Universe ang beauty ko.”

Give Love A Break
Oct 15 2012 - 06:02

“Hi, Ate Krista. Hinihintay ka ni Manang Lagring, ah,” salubong ni Winnie sa kanya. “Ay, oo! Nakalimutan ko, maaga pala kaming magsisimba ngayon,” aniyang natapik ang noo, “Napasarap ang tulog ko kaya tinanghali ako ng gising.” “Siguro napanaginipan mo ang Prince Charming mo kaya tinanghali ka ng gising,” tudyo nito. Namula ang kanyang mga pisngi. Dahil sa dinami-dami ng lalaking maaari niyang mapanaginipan, si Lorenzo ang napanaginipan niya nang nagdaang gabi. Di-sinasadyang napatingin siya rito. Napalunok siya sa tila nanunuot na mga titig nito sa kanya. Ganoong-ganoon din itong makatingin sa kanyang mga panaginip.

Someone That I Used To Love
Oct 13 2012 - 23:42

“Hindi mo masusunod ‘yong standards na ginawa mo para sa lalaking mamahalin mo. Unang-una, ‘yong isip mo ang gumawa ng criteria na ‘yon. Nawala sa isip mo na hindi naman isip ang nai-in love kundi ang puso.”

Make - Believe Lover
Oct 12 2012 - 06:57

PAGDATING SA BAHAY ay kaagad ibinalita ni Samantha sa kanyang lola ang marriage proposal ni Gregory na tinanggap niya. Masaya rin ito para sa kanya, pero pinuno rin siya nito ng paalala. Gabi na nang magkasama-sama silang tatlo nina Paulo at Mike. Kumuha siya ng magandang tiyempo para sabihin sa mga ito na inalok na siya ng nobyo ng kasal. Kapwa hindi kaagad nakapagsalita sa pagkabigla ang dalawang lalaki. “Sigurado ka na bang gusto mo siyang pakasalan?” tanong ni Paulo. Nakangiti siyang tumango. Pasimpleng sinulyapan nito ang walang kakibo-kibong si Mike. Alam nito na bukod sa nabigla ay nasaktan din ito sa narinig. “Parang ang bilis yata. Dalawang linggo pa lang kayong mag-on ay inalok ka na niya kaagad ng kasal at tinanggap mo naman. Ni hindi ka muna nag-isip,” sabi ulit nito.

Dream Star