Skip to main content

LATEST UPLOADS

Oct 11 2012 - 10:51

“Don’t get any foolish notions of rekindling an old flame once na magkasama na kayo. Wala na ang mga damdaming iyon. You are mine.”

Loving Thy Neighbor
Oct 10 2012 - 07:22

Napatitig si Dayne sa mga puting rosas na inaabot sa kanya ni Randall---isang pumpon ng pinakamaganda at pinaka-fresh na mga rosas na nakita niya. Nang-iinsulto ba ito? “Simbolo ng dalisay kong pag-ibig.” Lalong nag-init ang ulo niya nang marinig ang mga katagang iyon. Ngunit nang tumingin siya rito at makitang nakangiti ito, ngiting nagpapakislap sa mga mata nito, isang tipid na ngiti ang ibinigay niya. “Salamat.” Inabot niya ang mga bulaklak kahit alam niyang pagpapanggap lamang ang lahat. Kaya ko ring magpanggap tulad mo, sabi niya sa isip habang ngumiti nang pagkatamis-tamis…

Midnight Heart
Oct 9 2012 - 06:38

“Alam mo ba kung bakit kita hinanap sa kabila ng kaalaman kong balak mo akong paghigantihan? Dahil mahal kita, Ellaine… at alam ko, papawiin ng pag-ibig ko ang galit sa puso mo…”

Ikaw Ang Tanging Dahilan
Oct 8 2012 - 08:03

“AL, MAGPAKITA KA!” sigaw ni Lily sa patag ng Mandoling. Walang-katapusan ang pagtulo ng luha niya at kahit saang sulok ay isinisigaw niya ang pangalan ng lalaki. “Al, mahal kita! Hindi na importante kung kaluluwa ka o hindi basta magpakita ka lang! Kailangan kita! Mahal kita at tatanggapin ko kahit ano ka pa!” Inilibot niya ang mga mata sa paligid habang ginugunita ang lalaki na hinahabol siya ng takbo….

An Extraordinary Love
Oct 7 2012 - 10:14

PARANG nakalutang sa alapaap si Corinne pagkatapos magtanghalian. Mistula siyang isang tangang dalagita na nakatikim ng kanyang first kiss. She was not quite herself nang bumalik sa opisina nang tanghaling iyon. Kinagabihan naman, may mga bulaklak na sumalubong sa kanya sa bahay. Iba-ibang klase iyon—iba-ibang kulay, hugis, at laki. “Si Ivan talaga,” napapailing at napapangiting sabi na lamang niya. Kumuha siya ng isang pirasong cattleya. “Did you like my flowers?” Kamuntik na siyang mapatalon. Napaawang ang bibig niya nang makita ang may-ari ng tinig na iyon. “Arthur!” At sumugod siya ng yakap dito. Matagal silang nagyakap na magkaibigan.

Kahit Kailan, Ikaw Lamang
Oct 5 2012 - 06:49

“Honey, you don’t understand—” “Ano pa ang dapat ’kong maintindihan? Alam ko na ang lahat.” Sunud-sunod na umiling ang binata. Lumuhod ulit ito sa kanyang harapan. “I can explain everything—” “And then what? You still expect me to marry you? Pagkatapos mo ’kong lokohin at gamitin? Oo, binabayaran mo lang ako but you could’ve also had the decency to tell me the truth! You’re a sneaky, cheating monster! You tried to play around with my life, you son of a bitch! My life!” ulit niya. “I hate you!” Tumayo siya at kinuha ang singsing pagkatapos ay tinungo ang pinto. Binuksan niya ang pinto. “Please leave, now.” “George—” “Leave,” ulit niya na puno ng diin. Laglag ang mga balikat na tinungo ni Third ang pinto.

Bride For Rent
Oct 4 2012 - 06:17

“Alam mo bang nagpapasalamat ako kay Lord dahil doon ka Niya sa garden ko pinagtago no’ng gabing may lasing na humabol sa `yo?” ani Darren, sabay hapit sa baywang ni Maxine. “The moment na naitapat sa mukha mo `yong flashlight, there was something that penetrated in my heart. I ignored the feeling right away. Pinilit kong umiwas ngunit alam kong doon nagsimula ang lahat...”

My Life With You
Oct 3 2012 - 04:09

Jenna had always loved Daniel. Kaya nang makaipon siya ng sapat na lakas ng loob, sinabi niya iyon sa binata. Pero ipinamukha lamang nito na walang katugon ang damdamin niya. Time-healed her broken heart at handa na siyang magmahal ulit. Ang mission niya: hanapin si Mr. Right. At napaka-ironic na noon nagpakita si Daniel. She couldn’t possibly love him after all those years… pero di niya madiktahan ang sariling puso. Mahal pa rin niya ito. And this time he had less to offer; an intimate relationship without marriage, without love…

The Man I Love - Wanted: Mr. Right
Oct 2 2012 - 06:11

ILANG araw nang hindi nakikita ni Kraine si Nayan. At aaminin niyang nami-miss niya ito. Napabuntong-hininga siya habang nakapanga-lumbaba. “Nami-miss mo iyong mag-ama, ano?” tudyo ni Wica. “Si Nayan lang,” depensa agad niya. “Iyong bata o iyong ama ng bata?” Pinandilatan niya ito. “Okay, sinabi mo, eh,” sabi nito bagaman nasa tono pa rin ang panunudyo.

One Silly Kiss
Oct 1 2012 - 07:21

“A-anong gingawa mo dito?” gulat na sabi ni Nadia. “Are you crazy?” “Yes, you’re right about that,” tiim-bagang na sabi nito. “And even crazier if I let you slip away from my life.” “You’re not supposed to be here.” “And where do you think I should be--- or should I say, we should be?” “P-please, Doji…” pakiusap niya na pilit pa ring inilalayo ang sarili. Pero sa halip na tumigil ay lalo siyang tinukso ng lalaki. Marahan nitong idinampi-dampi ang labi sa labi niya. Halos huminto ang paghinga niya. Gawa niyon ay tuluyan niyang pinalaya ang sinisikil na damdamin. Ibinuka niya ang bibig at lubos na tinanggap ang maalab nitong mga halik.

Paano Ka Magiging Akin?