Skip to main content

LATEST UPLOADS

Nov 12 2013 - 20:40

 

Ang tunay na pag-ibig ay hindi nasusukat sa tagal o sa igsi ng pagsasama. Kadalasan, dumarating na lang ito nang hindi inaasahan... walang pinipili.

 

Impulsive Love
Nov 10 2013 - 19:49

Nang umuwi si Troy sa kanilang hacienda, muling umusbong ang pag-ibig na dati nitong nadama kay Vienna, ang dalagang anak ng kanilang katiwala. Hindi iyon nakalampas sa pansin ni Tristan, kapatid ni Troy. Baliw sa poot at pagkamuhi si Tristan sa inaakalang pang-aapi ng kapatid. At hindi alam ni Vienna na siya ang gagamitin nitong daan para saktan at pagdusahin si Troy sa madilim nitong balak na paghihiganti...

Akin Ang Pag-ibig Mo
Nov 5 2013 - 22:43

Nang makilala ni Brendon si Lay-Ann, tinanggap agad siya ng dalaga bilang isa sa mga facebook friends nito. Hindi niya inaasahang magugustuhan agad niya ang dalaga kahit hindi pa sila nagkikita ng personal. Nagising na lang siya isang umaga na buo ang planong paibigin ito. Hindi siya nabigo sa inaasam na iyon dahil inibig din siya ni Lay-Ann – ngunit sa iba nga lang niyang katauhan! Paano niya haharapin ang problemang ito gayong batid niya na maaari siyang kasuklaman ni Lay-Ann dahil ayaw nito sa taong sinungaling?

Lay - Ann, Minahal Kita Agad
Nov 3 2013 - 20:10

 

“Gusto kitang parusahan. Pero iniisip ko pa lang ay ako na ang nasasaktan.”  Lumambot ang tinig nito.  “Alam mo bang sa dalawang linggong pagtatago ko kay Abigail ay nahihirapan din ako?  I could almost feel your agony, Maggie.  Dahil dinanas ko nang lahat iyon noong panahong umalis ka. Hindi ko alam kung saan kita hahanapin.  Alam kong nasa States ang mommy mo.  Pero wala ka roon.”

 

My Love, My Hero: Andres Figueroa
Oct 29 2013 - 19:25

So much in love sina Jen at Elmer sa isa’t isa. Kaya itinakda nila ang kasal kahit hindi pa talaga nila balak mag-asawa. Masaya si Lea, ang bunsong kapatid ni Jen para sa kanya. Sa araw ng kasal ay isang trahedya ang naganap.Isang babae ang tumutol sa kasalang Jen at Elmer dahil ito diumano ang may karapatan sa lalaki. Nagkagulo. Hinimatay si Jen at isinugod sa ospital. Labis na nanghina ang dalaga. Nagkasakit. Nang gumaling ay nag-iba siya. Naging masungit at man-hater. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkita si Elmer at si Jen. Iniskandalo niya ang lalaki saka patakbong iniwan. Sa paghabol ni Elmer ay nahagip ito ng isang kotse. Tumilapon ang lalaki. Agaw-buhay agad. Dito na ba matatapos ang pag-ibig ni Jen?

 

 

One More Time
Oct 27 2013 - 23:48

How she longed for the taste of his lips... How she  wished to hear him whisper her name and say "I love you..."

Mahal Kita, Kaibigan
Oct 24 2013 - 21:53

Paulit-ulit nang minura ni Cara ang sarili sa pagpayag na magbakasyon sa Hacienda Noriega. Tila walang hanggan ang tanimang nilalakaran niya ngayon dahil nasiraan siya ng sasakyan. Nang walang anu-ano ay huminto ang isang sasakyan sa harap niya at sapilitan siyang tinangay. Nanlaban siya sa lalaki at matalas pa rin ang dilang pinagsabihan ito bagama't sa kanyang loob ay may kaba na baka bandido ito. Sa pagkapikon, kinabig siya nito at akmang hahalikan. Napahumindig si Cara pero hindi dahil sa napipinto niyang sapitin kundi dahil parang nasasabik pa siyang sumayad na sa bibig niya ang pangahas na labi ng estrangherong may nagbabagang mga mata...

The One I Love
Oct 20 2013 - 23:10

"Onga nga't iniisip kong ikaw ang may kasalanan ngunit puso ko naman ang tumatanggi..."

Kapag Ako Ang Umibig
Oct 17 2013 - 22:22

Tunay na mahal ni Maila si Keith kaya gumawa siya ng paraan para mapasakanya ang binata. Nagpaubaya siya sa lahat ng bagay pero hindi pa rin iyon naging sapat dahil may iba itong mahal. Ano pa ang kanyang magagawa, gayong wala nang nalalabi at naibigay na niya dito ang lahat?

Sana Mahalin Mo Rin Ako
Oct 13 2013 - 20:31

 

“Griel...” Napakagat-labi siya.

“Alipin mo ang puso ko,” bulong nito.

 Mainit na kilig ang rumagasa sa kanya, pinangibabawan ang lahat ng nakatutulirong damdamin.

 

Gabriel Ng Fuerte Montano