Skip to main content

LATEST UPLOADS

Oct 10 2013 - 21:37

Pinaplano na ni Patricia ang kasal nila ni Glenn nang dumating sa buhay niya si Allan. Guwapo ito. Mabait. May Kaya. At desidido itong tangayin ang puso niya. Hindi alam ni Patricia na mga bata pa sila ay malaki na ang gusto nito sa kanya. At wala itong hindi gagawin ngayon, makamit lamang ang pag-ibig niya...

Mahal Kita... Matagal Na
Oct 6 2013 - 21:47

"Dahil ang tao minsan, kahit anong paniniwala meron, kapag puso na ang sangkot, nagbabago ang paniwalang iyon."

Inside My Heart
Oct 3 2013 - 22:19

"Gusto ko, akin ka lang habang-buhay!"

First Kiss
Sep 29 2013 - 23:33

Dapat munang magpakasal si Amanda kay Vincent bago nila kapwa matanggap ang kanilang mga mana. Ayaw sana niyang pumayag dahil wala naman siyang interes sa mamanahin. Pero interesado siya kay Vincent, kahit alam niyang may girlfriend na ito...

Mahal Kita, Saktan Mo Man Ako
Sep 28 2013 - 22:25

"Natatakot akong mawala ka sa akin, Janella. That's the reason behind all these. I want you for myself."

Masama Bang Mahalin Kita?
Sep 26 2013 - 00:49

 

“Ano ba talaga ang gusto mo?” tanong ni Nina. Lumawak ang ngiti ni Lance saka lumapit sa kanya. “You know what I want, Nina,” bulong nito. Kaagad siyang lumayo rito. “You’re disgusting! Kung iniisip mong maikakama mo ako, nagkakamali ka.” Tumawa lang ito. “Masisisi mo ba ako kung sabihin ko sa lola mo ang pinaggagagawa mo sa Maynila? Malalaman lang naman nila na ang kanilang mabait at inosenteng Nina ay isang—” “Okay, you win! Kung gusto mo ang katawan ko, sabihin mo kung kelan para matapos na ’to.” “Excited, Nina?” “Dream on….” Ano ba ang mayroon kay Lance at nagagawa nitong pag-alabin ang kanyang damdamin sa isang tingin lang? At sa isang ngiti ay malimutan niya ang mapait na karanasan dito?

 

Give Me Back My Heart
Sep 24 2013 - 21:02

"I found you but nearly lost you for foolishly not telling how much I love you..."

 

Dennis Meets Shane
Sep 20 2013 - 02:27

Mahigpit na karibal sa negosyo ni Lorraine si Kenneth kaya hindi niya matanggap na magkagustuhan ang kanilang mga kapatid. At kahit nagtanan na ang mga ito ay sinundan pa rin nila hanggang sa malayong probinsya para sapilitang paghiwalayin. Dangan nga lamang ay may namagitan sa kanila, isang gabi nang nasiraan ang sasakyan nila at natulog sila sa isang lodge. Kinaumagahan ay kinausap siya ni Kenneth. Kalimutan na lang daw nila ang nangyari sa kanilang dalawa...

Sa Isip Ko'y Kaaway, Sa Puso Ko'y Minamahal
Sep 18 2013 - 22:30

 

Sapat na ang tingin nitong nag-aapoy para sa kanya. Sapat nang sanktuario ang katawan nitong kasingtigas ng fuerte. Langit na ang makulong sa yakap ng leon sa Fuerte Montano.

 

Leon Ng Fuerte Montano
Sep 17 2013 - 03:13

“Akala ko ay totoo na ang mga bali-balitang may nagpapakitang sirena sa ilog na ito,” ani Simon. Gulat na napalingon si Marielle. “What are you do- ing here? Siguro kanina ka pa rito at namboboso, ano!” sita niya, sabay takip sa kanyang harapan. “Marami namang babae diyan na pumapayag, bakit magpapakahirap pa akong manilip sa iyo?” “Antipatiko! Kahit ikaw na lang ang natitirang lalaki sa mundo, hindi kita papatulan!” “Huwag kang pakakasiguro, blue moon pa naman ngayon,” nakangising sabi nito. “Hindi mo ba alam na ang lalaking kasama mo kapag blue moon ay ang lalaking makakasama mohabang-buhay?” Napakunot-noo siya. Mas pipiliin na lamang niya ang magpakamatay dahil hindi yata niya matatagalan ang ugali nito kahit kailan!

 

Blue Moon