Skip to main content

LATEST UPLOADS

Feb 6 2014 - 22:00

"Magkano ang kailangan mo para lubayan ang pambobola sa lola ko?" asik ni Joe.

"Anong "pambobola" ang ibig mong sabihin?" gulat na tanong ni Margot. "Ako na nga ang nagmamalasakit, ako pa ang pagbibintangan mo ng masama."

"Huwag ka na nang magkaila. Nagpapataas ka lang ng presyo," namumuhing sabi nito.

Nagpanting ang tainga niya sa narinig at hindi niya napigilan ang pag-igkas ng kamay. Pero bago iyon lumapat sa pisngi ni Joe, nasalo nito iyon. Hinapit siya nito at siniil ng halik-- halik na puno ng galit at pagpaparusa--- halik na di niya napigilang tumbasan ng kampantay na init at pagnanasa...

My Wedding Planner
Feb 5 2014 - 00:15

 

“I never got over you, Pie,” amin ni Aaron.

Natigilan si Pie sa sinabi ng lalaki. Gusto niyang  sabihing pareho lang sila ng nararamdaman pero pinigilan niya ang sarili. Tama na ang minsang sinaktan siya nito..

“Please, Cherry Pie, help me. Wala na ’kong  malalapitan pang iba. At kahit ano ang hilingin mo, ibibigay ko.”

Hindi siya nakaimik. Wala pa ring nagbago sa lalaking ito, naisip niya. Hindi ito titigil hangga’t hindi nakukuha ang gusto. Tulad pa rin ito ng dati at tulad din niyang umiibig pa rin dito.

“At para matulungan kita ay kailangan kong tumira sa bahay mo?” tanong niya. “Sige, payag ako.” Maging siya ay nagulat sa sarili niyang sagot.

 

I Need You Back
Feb 3 2014 - 22:08

 

Para kay Merill Quino, sumpang matatawag ang tila mga laman na nagsulputan sa kanyang mukha. Lahat halos ng panlalait ay narinig na niya. Pero sanay na siya. Handa na nga siyang tumandang mag-isa! Sa kabila ng kanyang hitsura, hindi siya nagkaroon ng pagsisising isinilang siya sa mundo. Tanggap naman siya ng komunidad na kanyang kinaroroonan. Pangit man siyang tingnan, may maganda naman siyang tinig na kumuha ng atensiyon ng karamihan, kasama na roon ang simpatikong si Sebastian Olivia na naging tagahanga siya. Hanga man siya sa binata, sinarili lamang niya iyon. Sino ba naman siya para pansinin nito! Subalit laging may himala! Sinorpresa siya ng mga magulang! Kaya pala nag-iipon ng pera ang mga ito ay para mapalinis ang kanyang mukha. Kung kailan maganda na siya, saka naman siya nakaramdam ng sakit sa dibdib dulot ng pag-ibig! Kung noong pangit siya, wala siyang problema! Noon niya nadiskubreng kumplikado pala ang buhay ng isang maganda!

 

Yesterday And Today
Feb 2 2014 - 19:52

 

“Gusto ko sanang humingi ng apology sa ating hindi pagkakaunawaan,” ani Celina. “I’m sorry.”

“At ganoon na lang ba iyon?  Ano ang kapalit ng pagtanggap ko ng apology mo?”  tanong ni William.

“Ang ibig mo bang sabihi’y kaparusahan?”

“Ganoon na nga. Natural lang naman na parusahan ang mga nagkakasala, di ba?”

“Then what do you want me to do to make you change your mind and accept our project?”

“Hindi ko alam kung handa kang ibigay iyon.”

“Sabihin mo lang and I won’t disappoint you.”

“I want you.” Pormal ang expression ng mukha nito.

“Nagbibiro ka ba? Hindi ako kasama sa deal!”

“Kung ganoo’y wala na tayong dapat pag-usapan pa. Maghanap ka na ng ibang tatanggap ng project mo.”

 

Dare To Love
Jan 31 2014 - 01:36

 

“You’re drunk,” ani Francis.

“Oh, no, no. Medyo tipsy lang but I’m not drunk,” kaila niya. “I-celebrate natin ang pagiging matagumpay mo,” mapakla niyang ngiti.

“Mas mabuting magpahinga ka na lang.”

“Make love to me, Francis, here... now.” Siya ang kusang tumawid ng distansya nila. Siya ang humalik dito kasabay ng paglunok ng kanyang pride.

“Stop it, Melissa,” pigil nito. Naramdaman niya ang marahas na paghinga nito bago lumayo sa kanya.

“Why, Francis? Aren’t you interested in me?”

“Get some sleep, Melissa. Let’s see tomorrow if  you’ll still have the guts to make the same invitation.”

Pagkatapos ay iniwan na siya nito. Kung puwede lang sanang bumuka ang lupa at lamunin siya nang mga sandaling iyon.

 

Mad About Love
Jan 29 2014 - 21:05

 

Michelle is very much a woman inside but she behaves and dresses otherwise. Being the breadwinner, at naiipit sa masalimuot na sitwasyon, gagawin niya ang lahat mabigyan lamang ng magandang future ang ina at kapatid. Ngunit matutupad lang niya ang mga pangarap kung mapapatunayan niyang siya nga ang anak at nag-iisang tagapagmana ni Noel Sandoval. In her quest, nagkrus ang landas nila ni Brando, na isang cold-hearted beast sa paningin ng dalaga. They are different in many ways and united by chance, but they couldn’t stand each other for so long. Tulak lang kaya ng bibig at kabig ng dibdib ang lahat, o hawak ng isa’t isa ang susi para sa ikababago ng lahat?

 

Heiress
Jan 27 2014 - 23:11

"When you love a person, it doesn't matter anymore what happened in the past. What's important is the future you two want to share together."

Kathryn, The Transformed Maiden
Jan 26 2014 - 10:31

 

Maligaya si Dra. Meryll Alegre, isang nakikilalang mahusay na obstetrician, sa pag-ibig ni Orly. Tanggap na ang doktora ng pamilya ng binata. Pero nawasak ang lahat nang mamatay ang asawa ni Aljohn, Kuya ni Orly pagkatapos na si Meryll ang magpaanak dito. Dahil doon ay isinumpa ni Aljohn na gagantihan ang sabi nito ay pumatay sa asawa. Hindi tinigilan ni Aljohn Meryll kaya kinailangan niyang magtago. Pati na rin ang kanyang mga magulang. Pansamantala’y nakapagtago ang dalaga. Nawala at sukat din si Meryll kay Orly. Akala ni Meryll ay tagumpay na ang pagtatago niya lalo’t nakatagpo na siya ng bagong pag-ibig kay Christopher o Tikoy. Pero natuklasan ni Aljohn kung nasaan siya. Binaril nito si Tikoy bago binalingan si Meryll. Pero humadlang si Orly at ito ang nabaril. Dalawang pag-ibig ni Meryll ang posibleng mawala. Paano na ang kanyang puso?

 

Kung Wala Nang Pag-ibig
Jan 22 2014 - 23:19

Masayang namamasyal si Gabriella sa parang nang walang anu-ano ay nakaharap niya ang isang toro na akmang suwagin siya. Before she could even scream, she was swept off her feet by powerful arms and carried away on a galloping horse. She had barely caught a glimpse of the dark stranger who saved her before he wordlessly bent down and kissed her. In her heart, she knew she was in love. Later, she learned that her hero's name was Antonio, ang kaisa-isang anak ng lalaking dahilan ng kanyang pagbabalik sa Villa Theresa pagkaraan ng labinwalong taon. Ang pamilya nito ang puno't dulo ng pagkasawi ng kanilang ama at pagkawala ng lahat ng kanilang kayamanan...

Forever In My Heart
Jan 21 2014 - 19:19

Sa hindi nakakakilala, masasabing napaka-delicate, soft, at helpless ni Gallene. She was tall and willowy, napakakinis ng pinkish na kutis at may malalaki at magagandang mata. Mahaba rin ang tuwid at makintab nitong buhok. Saksi pa nga siya nang minsang mamasyal sila sa mall kasama ang kanyang kapatid at lapitan ito ng isang talent scout. Nais daw itong kunin bilang endorser ng isang brand ng hair conditioner. Tinanggihan nga lang nito ang alok dahil tinakot niyang sasamantalahin lang ito ng mga DOM na producers.

My Lovely Bride: Gallene & Galileo