Skip to main content

LATEST UPLOADS

Sep 15 2013 - 22:20

 

Pinagtagpo ang kanilang mga landas sa kakatwang sitwasyon. Natuklasan ni Debbie Erika Salvacion na pinagtataksilan din si Kaloy ng nobya nito. Sa kapareho nilang sitwasyon, naging constant companion nila ang isa’t isa. Ang tipo ni Kaloy Moratta ang mahirap balewalain ang presensiya. Kahit na sinong babae ay mahuhulog ang loob dito. Kaya nagtataka si Debbie kung bakit nagawa pa itong pagtaksilan ng babaeng mahal. Ito na ang tipo ng lalaking pinapangarap ng kahit na sinong babae. Hindi naman itinatanggi ni Debbie na nag-e-enjoy siyang kasama ang binata. Unti-unti, nagiging bihag na nito ang kanyang puso. Sa  binata rin siya nakakuha ng lakas-loob nang makipaghiwalay sa kanyang nobyo! Ngayong hindi na siya committed, magkakapuwang kaya siya sa puso ni Kaloy, sabihin mang galing silang pareho sa isang failed relationship.

 

Her Captivated Heart
Sep 14 2013 - 09:25

"I love you, Alex at walang ibang maaaring mag-utos sa akin nito kung hindi ang sarili kong puso."

I Love You, Girl
Sep 12 2013 - 00:11

Muling nanariwa ang sugat sa puso ni Alyssa nang muli niyang makita si Cris. Mahal pa rin daw siya nito at ibig makipagbalikan. Malilimot ba niya na minsan ay umasa na siya sa mga pangako nito at lubos na nabigo? Malilimot ba niya ang hapdi ng sugatang puso na ngayon ay tila ibig namang tumibok?

Ulitin Natin Ang Kahapon
Sep 10 2013 - 23:01

"Walang panahon, walang oras, walang sandali na hindi kita minahal nang totoo."

Awitan Natin Ang Ulan
Sep 8 2013 - 20:16

Umaasenso si Vivian sa kanyan propesyon pero lumalamig naman ang kanilang pagsasama ni Rob. Gusto lang naman niya itaguyod ang sarili kaya trabaho ang pinag-uukulan niya ng pansin. Masama ba iyon? Pero nang napatanto niya ang kanyang pagkukulang, iniwan niya ang trabaho at isinalin nang lubusan ang pansin kay Rob. Pero huli na...

Nagpapatawad Ang Pag-ibig
Sep 7 2013 - 08:14

"Huwag mo nga akong tingnan ng ganyan at baka mahalikan na kita!"

Mapipigilan Ba Ang Puso?
Sep 4 2013 - 21:12

 

They came from different worlds! He, a man full of aspirations. She, a woman totally deprived of her right to fulfill her dreams. They were strangers prior to their first meeting. That first meeting was just a constant beginning for both of them. Strangers turned friends! Pilit na itinatago ni Meden Reli ang kanyang kalagayan sa lalaki. Ayaw niyang kaawaan siya nito. Iyon ang pinakahuling kailangan niya! Gusto niyang tratuhin siya nitong normal. Walang karamdaman. Na tatagal pa ang kanyang buhay kagaya ng iba. Natuklasan pa rin ni Wilf Antipuesto ang karamdaman ng babae. Hindi siya makapaniwala sa natuklasan. Masakit para sa kanya iyon gayong natutunan na niya itong mahalin. Pinakamasaklap pa sa lahat, bilang na ang araw nito sa mundo! Sapat bang milagro ang kanilang pag-iibigan para mabuhay pa ito nang matagal?

 

 

Her Departing Heart
Sep 3 2013 - 04:54

"Your mind may not want that kiss, but your heart loves it very much..."

Misty
Sep 3 2013 - 22:58

Tinutulungan ni Debbie si Kyle para mapansin ito ni Liza na isang model sa ad agency na pinapasukan nila. Binago niya image ni Kyle. Tinuruan niya itong pumorma at magbago ng pananamit. Tinuruan din niya itong manligaw kahit na sa pagkakalapit ng dalawa ay nasasaktan ang kanyang puso na lihim na nagmamahal...

Kailan Mo Ako Iibigin?
Aug 31 2013 - 08:48

"I like you and I need you to warm my bed at night..."

Kaligayahan Ko Ang Pag-ibig Mo