Skip to main content

Liza Soberano hindi pa rin puwedeng ligawan ni Enrique Gil

January 17, 2016

BIDA muli sina Liza Soberano at Enrique Gil sa teleseryeng Dolce Amore na malapit na ring mapanood sa ABS-CBN. Pumirma na rin ang dalawa ng bagong kontrata sa Kapamilya network kamakailan.

Maja Salvador happy sa pagiging single

January 16, 2016

TINANONG ng press si Maja Salvador kung hindi ba siya nai-insecure kay Paloma, ang ginagampanan ngayong papel ng leading man niya sa FPJ’s Ang Probinsyano na si Coco Martin.

Sagot ng magandang aktres, “Naka-post nga sa Instagram ko, ‘Apir, Paloma... kinabog mo lahat! #AngProbinsyano.’ ‘Yung mas maganda pa si Coco Martin kaysa sa ‘yo.’”

Nabanggit din ni Maja na hindi pa niya nakikita nang personal si Paloma dahil hindi pa niya ito nakakaeksena.

Diether Ocampo malungkot sa pagiging loveless

January 16, 2016

SI Claudine Barretto ang nagtsika sa press sa press conference ng Bakit Manipis ang Ulap (na ipalalabas sa TV5) na broken-hearted ngayon si Diether Ocampo. Kapansin-pansin kasi ang pagiging seryoso ni Diet sa pagsagot sa mga tanong ng press na malayung-malayo sa pagiging mapagbiro niya noon. Magkasama ang dalawa sa nasabing serye.

Ayon kay Diet, okey naman daw ang buhay niya ngayon ngunit tumanggi siyang magdetalye kung ano ang pinagkaabalahan niya noong wala pa siyang proyekto sa mga nakalipas na buwan.

Jericho Rosales: 'Love team hindi dapat mauwi sa totoong relasyon'

January 15, 2016

MAY mga payo si Jericho Rosales para sa mga nakababatang magkakatambal ngayon sa telebisyon at pelikula katulad nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Liza Soberano at Enrique Gil, Nadine Lustre at James Reid.

Claudine at Raymart hindi pinag-uusapan ang annulment ng kanilang kasal

January 15, 2016

HINDI napag-uusapan ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto ang tungkol sa annulment ng kanilang kasal.

Mismong si Claudine ang nagsabi na wala pa sa usapan nila ang tungkol sa annulment dahil mas priority nila ang bini-build-up nilang  relasyon para sa mga kanilang mga anak.