Skip to main content

Renewal of wedding vows nina Heart at Chiz cancelled muna

January 22, 2016

CANCELLED muna ang plano ng mag-asawang Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista na renewal of wedding vows sa kanilang first wedding anniversary sa Pebrero 15 dahil may mga dinaramdam na sakit ang daddy ng aktres na si Rey Ongpauco.

Nakatakda ring magtungo sa U.S. ang ina ng aktres na si Cecile Ongpauco upang dalawin ang isang kapatid niya sa Amerika.

Ayaw rin ni Sen. Chiz na makulayan ng pulitika ang okasyon dahil isa siya sa mga tumatakbong bise presidente sa darating na halalan.

Pag-amin nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz inaabangan na

January 22, 2016

LAST year pa na­pa­balita na on the rocks na ng relasyon nina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, maging ang love life nina Bea Alon­zo at Zanjoe Marudo.

Marami ang nagtaka nang magkabakasyon sina Bea at Zanjoe sa magkaibang lugar recently; ang aktres sa Japan at ang aktor naman ay sa Europe. Doon pa lamang ay marami na ang nag-isip na hi­wa­lay na ang dalawa ngunit nanatiling tahimik ang magkabilang kampo hinggil sa isyu ng hiwalayan.

Bret Jackson ka-love triangle ng JaDine sa bagong movie

January 21, 2016

NATAKOT pala si Bret Jackson na tanggapin ang alok sa kanya na maging ka-love triangle sa bagong pelikula nina James Reid at Nadine Lustre.

Ayon sa binata, “Siyempre natakot ako kasi anyone that gets near JaDine, siyempre ayaw nila. Pero dahil best friends kami ni James, parang natanggap nila na pwede ako. So, ‘yung mga first pictures I posted na kami ni Nadine, okey lang. ‘BretDine! BretDine!’ Okey naman sila. And trabaho lang ‘yon,”

Kean Cipriano ayaw kumpirmahin kung buntis na si Chynna Ortaleza

January 21, 2016

NAG-CIRCULATE sa social media ang photo ni Chynna Ortaleza na parang meron ng baby bump. Ang tanong tuloy ng netizens ay kung buntis na ito nang magpakasal sila ni Kean Cipriano.

Nang makausap ng press ang rock star, ang tanging nasabi ni Kean sa isyu, “Me and my wife have talked about it and we discussed it na parang all the details about her life, regarding marriage and her family, we will keep it to ourselves all the details…I mean, thank you for the respect.”

Nambastos ng ka-date ng ibang lalaki, sinaksak

January 20, 2016

PATAY ang isang 40 anyos na lalaki makaraang pagsasaksakin ng hindi pa nakikilalang suspect matapos magsumbong ang kasamang babae ng huli  sa loob ng  isang  videoke bar  noong madaling-araw ng Enero 18 sa  Quezon City.

Sa ulat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit, kinilala ang  biktima na si Florante Morales ng Mabini  St., Forbes Tondo, Pangasinan. Mabilis namang tumakas ang salarin kasama ang isang babae.