Skip to main content

Nagselos sa textmate ng karelasyon, lalaki nag-suicide

NANG dahil sa sobrang kasawian sanhi ng tila panlolokong ginawa ng kanyang kinakasama, isang negosyante mula sa Lucban, Quezon ang minabuti pang tapusin na lang ang kanyang sariling buhay. 

Nakilala ang biktima na si Jason Anthony Pica, 38. 

Ayon sa ulat ng pulisya sa lugar, napag-alamang bago ang insidente ay nagkaroon muna ng mainitang pagtatalo ang biktima at ang kinakasama nito na nakilalang sa pangalang Jean Aranilla. 

Pag-ibig muling uminit dahil sa breast cancer

ISANG busy mommy ang muling nakaramdam ng mainit na pagmamahal mula nang matuklasang mayroon siyang breast cancer.

Ayon kay Suzanne Rogers, 39, at naninirahan sa South Wales, nawala na ang “magic” sa romansa nila ng mister na si Denis McCarthy, 39, matapos ang kanilang anim na taong pagsasama.

Hectic ang schedule ni Suzanne hanggang ma-diagnose siya na may breast cancer noong 2013. Naramdaman niya ang paninigas sa kanyang breast, at nang ipasuri ay stage 3 na ang cancer.

Blind Item: Hindi marunong umarte ang tsinitong aktor

PAGKAKATAON na sana ng aktor na ito na ipakita ang kanyang husay sa pag-arte nang ibigay sa kanya ang malaking role sa isang teleserye ng kanilang network. Ang kaso, naimbyerna sa kanya ang direktor dahil hindi naman daw siya masyadong maka-deliver ng mga linya.

Imagine, sa isang eksena ay naka-32 takes ito! Buti na nga lang daw at digital na ang mga camera na gamit ngayon, kundi ay namulubi ang producer sa dami ng masasayang na negatives!

Mag-asawang 67 taon na nagsama, namatay na magka-holding hands

MAPAYAPANG nagwakas ang 67 taong romansa ng Californian couple na sina Floyd Hartwig, 90, at Violet, 89, nitong Pebrero. Magkahawak-kamay pa ang dalawa nang matagpuang wala nang buhay ng kanilang mga kapamilya sa kanilang tahanan..

Ayon kay Donna Scharton, anak ng mag-asawa,  sa panayam sa kanya ng FoxNews.com, “The whole thing was overwhelming, pretty traumatic, but we were trying to go by their wishes that they wanted to die at home and that they wanted to go together, they were that devoted to each other.”

Relasyon kay Mich itinanggi ng aspiring singer

ITINANGGI ng aspiring singer na si Neo Domingo na may relasyon na sila ng YouTube sensation na si Mich Liggayu ng sikat na “JaMich” love team. Matatandaang kamakailan lang ay pumanaw ang kasintahan ni Mich na si Jam Sebastian dahil sa lung cancer.