Sa Bisig Ng Berdugo
Read This Book Online
By
Print Publisher
“Tutula muna ako,” ngising manyak na ang berdugo.
Tutula? Sus, ko! Magtutulaan pa ba kami?
Machong-mapangharot na ang boses nito nang simulan ang tula. “Sa lilim ng punong mangga, ika’y aking sininta...”
Hindi niya malaman kung ano’ng masama sa tula pero para siyang nadidilaan ng apoy sa bawat salitang bigkasin nito.
“Nang ngumiti ang buwan, ako’y iyong iniwan.” Nag-iinit ang mga mata nito sa kanyang kahubdan. “Limang hakbang masuyong sinundan. Sa marmol na katawan, apoy ay sinindihan...”
Nanlaki ang mga mata niya. “Sandali! Kabalbalan yata iyan!” Naudlot ang sinasabi niya nang kumayap ang kamay nito pababa.
“Limang dipang pusod ng kaligayahan, aking lulusungan...”
“Bian,” tinitigan niya ito. “Dati, sinabi mong mahal mo ako. Totoo ba iyon?”
Natigilan ito, halatang nakonsensiya. “Hindi...”