Ang Mga Talulot Sa Rosas Compound (Part 1)
Ni JOSE LUIS CASANOVA
(Unang labas)
ANG unang napansin ni Jason pagpasok pa lang niya sa Rosas Compound ay tahimik ang lugar. Old school ang yari ng bahay na uso noong 60’s. Dominant ang material na kahoy. Medyo faded na ang pintura. Malaking property. May mga puno pa ng kaimito at santol kaya malilim. Sa isang bahagi iyon ng Sampaloc, Manila; malapit sa university kung saan siya magma-masteral.
Taga-Angono, Rizal siya kaya may kalayuan ang byahe kahit pa sabihing Sabado’t Linggo lang naman ang klase niya. Pero may work siya bilang IT sa isang call center company sa Makati City kaya naisipan niyang maghanap muna ng mauupahan. Later on, kapag settled na ang katawan niya sa pamumuhay nang nag-iisa at nakaipon na siya, saka siya kukuha ng condo kahit studio-type lang. Hindi naman siya maselan, basta may malapatan lang ang likod niya at may maliliguan, okey na.
Mura lang ang rate na nakalagay sa online ads, P3,500 isang buwan. Dahil accessible sa university at sa pinapasukan niyang kumpanya, okey na okey iyon sa kanya.
“Ano po iyon?” tanong sa kanya nang babaing bumaba mula sa malaking hagdan. Bahagya niyang ikinisap ang kanyang mga mata. Mestisahin ang babae. Tingin niya’y lampas 40 na ang edad. May hubog pa ang katawan na halata sa suot nitong shorts at sando. Maganda ang height ng babae. Maikli ang buhok na medyo may kulay na lalong nagpatingkad ng kaputian nito. Sa unang tingin, parang matured version ni Dimples Romana, though medyo pormal ang mukha. Maganda ang legs at makinis.
Ngumiti siya. “Ako po ‘yung nag-text na interesado sa bakanteng kuwarto. Si Jason.”
Nagliwanag ang mukha nito. “Ah, oo. Halika... dito tayo sa loob.”
Sumunod siya rito sa pinakasalas ng bahay. Gaya nang inaasahan niya, luma rin ang interior na dominant pa rin ang kahoy na material. Maging ang mga upuan ay kahoy. Presko. Mae-enjoy niya ang pag-stay roon kung sakali.
Hinanap nito sa kanya ang kanyang ID, sedula, barangay at police clearance. Ipinakita niya. Binasa nito iyon bago tumingin sa kanya. “Tingnan mo ‘yung kuwarto.”
Sumunod siya rito. May kalakihan ang kuwarto. Malaking folding bed na malinis ang higaan. May study table. Maganda ang liwanag mula sa bintana na salamin. Cool, naisip niya. Masarap matulog at magbasa.
“Kung may gusto kang dalhing gamit, okey lang. Share na lang ng konti sa kuryente pag medyo tumaas,” bahagyang tumawa ito.
“No problem po,” sagot niya. “Pwede na po ba akong lumipat bukas?”
“Down payment muna at 2 months advance,” humagikhik ito.
Tumawa rin siya at dumukot ng wallet. “No problem, Ma’am.”
“Masyado ka naming pormal,” tinapik siya nito sa balikat. “Dada na lang ang itawag mo sa akin. Halika sa salas, kukuha lang ako ng resibo at kontrata.”
Sumunod siya rito patungong salas. Napatingin siya sa likuran nito. May kurbada pa at maganda pa rin ang puwet. Malulusog pa rin ang hinaharap. Kanina ay nalalanghap din niya ang pabango nito, masarap sa ilong.
Napangiti siya. Unang araw pa lang niya sa Rosas Compund, kapilyuhan na agad ang pumapasok sa kanyang utak.
**
NAPANSIN kaagad ni Jason ang kakaibang “asim” ng kanyang landlady. Naisip-isip niya, may asawa kaya ito, old maid o hiwalay? Whatever, at least ay hindi ito ang typical na landlady na payat, masungit at nakasalamin. Kung anuman ang estado nito sa buhay, later on ay malalaman din niya.
“Ako lang po ba ang boarder n’yo?” usisa niya rito pagkaabot ng kontrata.
“Tatlo lang kayo. Parehong babae ‘yung dalawa. Ayoko nga sana ng lalaking boarder kaya lang ay wala namang dumarating na babae kaya tinanggap na kita,” mahabang paliwanag nito.
Sumundot na siya ng mga impormasyon. “Ang mister n’yo, saan nagwo-work? Ilan po ang kids ninyo?”
Tumawa ito. “Sumakabilang buhay na ang mister ko, isa lang ang anak namin. Dalagita na, first year college.”
Hindi na muna uli siya nagtanong. Uunti-untiin niya ang mga impormasyon. Baka ‘ika naman nito ay kalalaking tao niya ay ubod ng tsismoso.
Binigyan siya ni Dada ng mga susi. Nagpaalam muna siya rito na kukuha ng mga gamit.
**
MALUNGKOT siya habang inaayos ang mga gamit sa dati niyang boarding house. Ayaw sana niyang umalis doon pero gusto na niyang maka-move on. Habang naririto siya, hindi niya makakalimutan ang mga alaala nila ni Hazel.
Si Hazel…
Ito ang pinakahuli niyang syota. Store manager ito ng isang fast-food restaurant. Nagkakilala sila sa isang social networking site. Nag-eyeball. Naging sila. At sa kuwarto niyang ito sila madalas magniig. Saksi ang apat na sulok ng maliit nilang kuwarto sa mga mapupusok nilang sandali.
Sexy si Hazel, may lahing Chinese. Kahit walang ilaw sa kuwarto ay nakikita niya ang kabuuan nito dahil sa sobrang kaputian. At mainit! Sa madalas na pagkakataon ay ito ang active sa kanilang mga engkuwentro sa kama.
Natatandaan pa niya ang huling pagkikita nila. Tahimik ito. May dalang beer in can at mga sitsirya. Nang matapos silang uminom, naligo ito nang di nagsara ng pinto ng shower—na hindi naman nito dating ginagawa. Sinabayan niya ito sa paliligo. Kahit malamig ang shower, tila nag-apoy ang paligid. At hanggang sa kama, ilang ulit nilang inabot ang langit.
Tanong niya rito noon, “Ano’ng nakain mo? Nasosorpresa naman ako sa mga ikinikilos mo.”
Hindi ito sumagot. Hinalikan lang siya sa dibdib. Pababa. Pababa nang pababa. At hindi na niya nagawang magtanong pang muli rito. Minsan pa, naging alipin siya ng maiinit nitong labi at kabuuan.
Wala na ito nang magising siya. Maging ang mga gamit na iniiwan nito sa kuwarto niya. Nang tawagan niya, hindi nagri-ring ang phone.
Hindi niya masyadong binigyang-pansin iyon. Baka naka-off lang ang phone nito. Pero bakit kaya hindi na siya hinintay magising? At bakit hinakot na ang mga gamit? Nagbukas siya ng laptop at nag-sign in sa Facebook. Deactivated na ang account ni Hazel.
Napakunot ang noo niya. Natiyak niyang may problema ang nobya.
Kinabukasan, lalong nabuo ang hinala niya. Nang dalawin niya ito sa trabaho, nag-resign na raw. At walang alam ang staff nito kung saan ito lumipat.
Napailing si Jason sa pagdaloy na iyon ng mga alaala. Hanggang ngayon, wala siyang makuhang paliwanag kung bakit parang bulang naglaho si Hazel.
SUBAYBAYAN!